Third Person's Pov
"Trish tahan na" kanina pa pinapatahan ni Van si Trisha pero hindi ito nakinig kay Van patuloy pa din sa pag-iyak si Trisha habang niyayakap si Van
"Kasalan ko Van" sambit ni Trisha sa pagitan ng kanyang pag-iyak
"Trish huwag ka ng umiyak hindi iyan makakatulong sa pag-hahanap kay Athena"
"Kong hindi ko inaway kanina si Athena edi sana hindi siya aalis ng bahay...kasalanan ko ito eh pinagalitan ko siya kahit wala naman siyang kasalanan"
"Trish wag mo ng sisihin ang sarili mo dahil wala namang may-gusto sa nangyari"
"Van Trish si Athena..." hinihingal na sabi ni Erika
"B-bakit? A-anong nagyari sa kanya? Wag naman sanang....huhu kasalanan ko ito" umiyak ulit si Trisha
"A-anong nangari kay Athena?" Mahinahong tanong ni Van pero inihanda na niya ang sarili sa magiging sagot nito
"Si Athena...nasa bahay niyo nakatulog na nag-text saakin si Xander" napatigil naman sa pag-iyak si Trisha sa narinig at si Van naman ay naka-hinga ng maluwag
"Erika" napatingin silang lahat sa kakapasok sa bahay
"Jusme anong nang-yari sayo Drake!?" Kinakabahang tanong ni Erika at agad lumapit kay Drake na may pasa
"W-wala ito" ani ni Drake at ibinaling sa ibang dereksyon ang mukha
"Nakikipag-bugbugan ka? Sa ganitong sitwasyon Drake!?"
"Erika hindi ako nakikipag-bug-bugan"
"Edi-deny mo pa? Ano yang mga pasa sa mukha mo? Ano nasub-sub ka lang kaya ka nag-ka-pasa?"
"Hindi nga sabi ako nakikipag-bug-bugan pwedi makinig ka saakin" napayuko naman si Erika dahil sa pag-sigaw ni Drake
"S-sorry" tanging nasambit ni Erika habang tumulo ang luha niya...ngayon lang siya nasigawan ni Drake ng ganun
Hinawakan naman ni Drake ang sintedo niya.
"Sorry..wag na muna tayong mag-usap ngayon dahil parehong mainit ang ulo natin" saka lumabas si Drake ng bahay. Napa-upo naman si Erika sa sahig
Tumayo si Trisha at pinatahan ang kanyang pinsan na ngayon ay humagol-gol na. Si Van naman ay lumabas ng bahay upang sundan si Drake
"Ano ba talaga ang nangyari?"
"Nag-suntukan kami ni Ethan" ani ni Drake at sumandal sa kotse
"Bakit niyo pa naisip na mag-suntokan sa ganitong sitwasyon?" Pilit na pinapakalma ni Van ang sarili
"Sinabihan ko lang naman siya na hindi nakakatulong ang pag-lalasing niya pero anong ginawa niya sinuntok niya ako gago talaga siya na nga ang tinutulungan eh"
"Mag-pa-hinga ka muna at pakalmahin yang sarili mo saka yang utak mo palamigin mo muna saka mo isipin ang katarantaduhang ginawa mo kay Erika"
"Bro hindi ko naman yun sinasadya talagang mainit lang ang ulo ko at dumagdag pa siya"
"Ayusin niyo ang relasyon niyo Drake wag niyong hayaang masira ito dahil lang sa pag-kaka-mali ni Danna" pag-katapos sabihin iyon ni Van ay pumasok ulit siya sa bahay samantalang si Drake naman ay napa-iling habang hawak ang sentido
Danna alam kong nahihirapan karin pero sana huwag kang mag-hugas kamay maawa ka naman kay Athena na siyang binibintangan at dahil sa desisyon mo nag-ka-watak-watak at nasira lahat nag-ka-sagutan si Trisha at Athena samantalang nagkaaway rin si Drake at Ethan tapos dumag-dag pa ang away ni Erika at Drake. Sana naman ayusin mo ang gulong pinasukan mo.
Tapos sinend na ni Van ang message niya kay Danna. Naawa na rin kasi si Van dahil lahat nalang sila ay sinisisi ang sarili nila. Hindi na alam ni Van ang gagawin niya para patigilin sa pag-iyak si Erika.
Kinuha ni Danna ang cellphone niya dahil tumonog ito at nakita niyang may message para sakanya si Van kaya binasa niya 'to
Kasalanan ko ang lahat ng ito
Umiyak din si Danna dahil sa doubling sakit na nadarama una ay ang dahil kay Ethan gusto niyang pakasalanan si Ethan pero mas pinili niya ang kanyang pangarap at ang ika-dalawang sakit na nadarama niya sa mga oras na 'to ay dahil sa nagawa niya kaya nagka-away-away ang lahat. Sinisi ni Danna ang sarili niya sa nangyari dahil lahat ng gulo na meron ngayon ay siya ang may kasalanan at dinamay niya pa sa gulo si Athena at ang mga pinsan niya.
Alam ni Danna sa sarili niyang lahat ng naiwan niya ay galit sakanya. Sino ba naman ang hindi magagalit? Kung umalis ng walang paalam at nag-iwan pa ng gulo.
Bakit ganito? Ang gusto ko lang naman ay ang matupad ang pangarap ko pero bakit ang komplekado ng sitwasyon?
Hindi madali para kay Danna ang iwan sila para sa pangarap niya pero dahil pangarap nga niya iyon at ang gusto niya ay matupad ang pangarap niya upang maipakita niya sa lahat na may talent talaga siya pag-dating sa pag-de-design ng mga damit at gowns.
Tinawagan ni Danna ang numero ni Trisha at sinagot naman ni Trisha
"Danna?" Halata sa boses ni Trisha na galing talaga ito sa pag-iyak si Danna naman ay tumikhim upang hindi mapiyok ang kanyang boses
"T-trisha im sorry" pero hindi nagtagumpay si Danna dahil napiyok ang kanyang tinig
"D-danna ok lang yun pero sana naman nag-pa-alam ka"
"Trish ang gusto ko lang naman ay ang matupad ang pangarap ko saka nasa kamay ko na ang pangarap ko ayoko ng pakawalan ito...Trish alam mo namang bata pa tayo pero gusto ko ng maging Designer d ba?"
"Naiintindihan kita Danna pero mali ang iyong disesyong hindi mag-pa-alam dahil diyan nag-ka-gulo-gulo ang lahat saka hindi mo pa naman alam ang mangyayari kong nag-pa-alam ka eh saka im sure hindi ka naman pipigilan ni Ethan dahil e-re-respeto niya ang disesyon mo"
"Pasinsya na talaga dahil lahat ng ito ay kasalanan ko Trish wag niyo ng sisihin si Athena dahil wala siyang kinalalaman rito ako talaga ang dahilan ng lahat ng ito. Im sorry kong dahil saakin nag-ka-gulo"
"Naiintindihan ka namin wag kang mag-alala saka kakausapin namin bukas si Athena at manghihingi ng tawad kasalanan ko rin naman kasi eh"
"Sorry talaga Trish kong nakagulo kayo dahil saakin pero wag kayong mag-alala gagawin ko ang lahat para bumalik na sa normal lahat"
"Sana nga Danna....sana maging ok pa lahat" yan ang huling sinabi ni Trisha bago binaba ang tawag
Sana maging ok pa lahat
Pa-ulit-ulit sa isipan ni Danna ang huling sinabi ni Trish.
Pero binaliwala niya nalang iyon at tinawagan si Athena para humingi ng tawad.
Hindi nakatulog si Danna kaya naman kinabukasan ay inaantok ito sa klasi at wala siya sa sarili dahil madami siya iniisip kaya napapagalitan siya ng Professor nila pero humingi lang ng tawad si Danna.
BINABASA MO ANG
The Fight And Sacrifice
Teen FictionSchool Clash book2. Please read the School Clash first before this but if you don't want it's ok. Kapag hindi niyo kasi binasa ang Book1 may mga bagay na hindi niyo maiintindihan.