Bakit ganon tayong mga tao? Nalalaman lang nating ang halaga ng isang tao kapag mawawala o lalayo na siya satin. The fact that we know na pwede silang mawala sa atin nang kahit anong oras. Sa mga hindi inaasahang pagkakataon. Kapag paalis na sila. Doon lang tayo magpapakita ng pagmamahal. Doon lang natin ipaparamdam na mahalaga sila. Iiyak ka. Oo at minsan pigil na pigil kapa para lang maipakitang matatag ka.
Masakit silang makitang papalayo sa atin. Ibibigay mo pa ang napakahigpit na yakap bago sila mawala sa paningin mo. At yung scene na makikita mo na sa kanya na paluha na siya. Napapaiyak ka din. Nakakatawa nga lang isipin na sa mga airport, doon mo matatanggap ang pinakamahigpit na yakap at ang pinakamadiin na halik.
Nakakatawa nga ding isipin na mas marami pang natatanggap ang Diyos na dasal mula sa mga ospital. Mas marami pa sa natatanggap Niya sa mga simbahan.
Minsan mapapaisip nalang din ako. Bakit ko sinusulat ang essay na to? Dahil gusto kong ipaulit ulit sakin na dapat ipakita ko ang pagmamahal ko sa mga taong mahal ko habang may oras pa. Hindi kasi ako tulad ng iba na masyadong ipinapakita ang pagmamahal. I act like I don't care pero ako din ang may pinakamalakas na iyak sa huli na walang kahit sinong nakakakita.
What's the point of this essay? Simple, show your love before it's too late.
BINABASA MO ANG
Thoughts
PoetryMga essay ito na ginawa ko sa school o naisip ko lang dahil may pinanghuhugutan ako.