(From my book, "The Only Girl in the Wold" - Tadhana)
Siguro nga kung nakatadhana talaga kayo para sa isa't isa. Gagawa at gagawa ang tadhana para maging kayo parin sa huli. Siguro hindi sa paraang gusto natin. Posibleng masakit para satin ang mga susunod na mangyayari. Pero... yun pala yung way ng tadhana para paglapitin kayong dalawa.
Siguro wala talagang forever. Pero kahit wala nun may matatawag naman tayong 'habang-buhay'. Wala rin naming happily ever after dahil hindi naman pwedeng lagi nalang masaya. Sabi nga ng iba, kung sino daw ang may pinakamaraming problema, sila ang pinakamatapang na alagad ng Diyos. Kasi alam ng Diyos na kaya nilang lagpasan lahat ng problemang darating sa buhay.
Kaya nga siguro may mga ibang libro na na natapos na gumagawa parin ng book 2 ang mga author. Sa book 1 tapos na lahat. Maayos na lahat, pero gagawa parin ng book 2 para magkaproblema ulit. May iba namang libro na mamamatay sa dulo ang bida. Ganun talaga, we just need to accept the fact na mamamatay din tayong lahat. Hindi tayo tulad nina Bella at Edward na immortal. Kahit naman sila mamamatay din kung oras narin nila. Kung hindi sila mamamatay sa katandaan. Maybe sa ibang paraan. May oras tayong lahat.
Pero habang nabubuhay pa tayo.. Sulitin na natin ang bawat oras. LIFE IS SHORT. Di mo alam kung kailan ang oras mo.
BINABASA MO ANG
Thoughts
PoetryMga essay ito na ginawa ko sa school o naisip ko lang dahil may pinanghuhugutan ako.