Alam ko. Kahit di mo sabihin alam ko.
Sinabi mo sakin, pero hindi ako nagalit. Tinanggap ko kahit sa loob ko h'wag lang magkaroon ng ilangan sa pagitan natin.
Oo masakit. Hindi ko maatim na nagawa mo yun. 'Bakit?' Paulit ulit kong tanong dahil hindi ko maintindihan kung bakit sa akin pa kailangang mangyari ang mga bagay na to.
Oo nga't may nagawa din siyang kasalanan sayo at sakin pero bakit kailangang gumawa ka rin nang isa pang kasalanan sa akin at sa kanya. Isang kasalanan na hindi lang sakin kundi pati narin sa Diyos.
Magkatumbas lamang ang mga ginawa ninyong kasalanan na hindi niyo man lang naisip na unti unti akong sinisira nito.
Oo't nakangiti ako sa harap niyo. Oo't iginagalang ko parin kayo at minamahal. Hindi ibig sabihin nun na hindi ako nasasaktan o nagkakaroon man lamang ng kahit kaunting poot dito sa dibdib ko.
Ngunit eto ako't patuloy na nagbubulagbulagan. Nagpapanggap na walang alam kahit alam niyo na alam ko. Eto ako't itinatago ang tunay na nararamdaman.
Dahil lamang sa iisang dahilan..
Mahal ko kayo.
BINABASA MO ANG
Thoughts
PoesiaMga essay ito na ginawa ko sa school o naisip ko lang dahil may pinanghuhugutan ako.