Sa sandali kong pagmumuni muni at paglalaro ng rubik's cube, biglang may pumasok na mga bagay sa isip ko. Ito ay maaari palang ikumpara ang buhay sa isang rubik's cube.
Minsan maayos, minsan magulo o minsan naman pinipilit sirain saka bubuuin ulit. Nagpagisip isip ko na para lang pala akong rubik's cube. Minsan masaya ako. Yung pakiramdam ba na wala ng kulang sakin at perpekto na ang buhay ko. Ngunit minsan naman parang walang patutunguhan. Yung tipong kahit saang anggulo ko tingnan, parang wala nang pag-asa pang maayos. Isa lang pala ang kailangan. Ang kailangan lang pala ay yung taong marunong mag-ayos nito.
Minsan naman, kailangan din sa buhay yung mga taong nagpapahirap satin. Yung mga taong halos sumisira satin sapagkat sa huli sila pala yung taong magiging dahilan upang mabuo tayo na mas matatag pa kaysa dati. Sila yung mga taong hindi marunong maglaro ng rubik's cube. Sila yung sumisira pero sila rin naman yung bumubuo.
Ni minsan hindi ko inakalang maikukumpara ko ang buhay ko sa isang rubik's cube. Pero nang suriin ko itong mabuti, nakita ko na ako ay tulad lamang ng isang hamak na rubik's cube.
BINABASA MO ANG
Thoughts
PoesiaMga essay ito na ginawa ko sa school o naisip ko lang dahil may pinanghuhugutan ako.