(Spoken poetry po ito 😂. Wala man akong talent sa ganto nag-try parin ako dahil exam namin to sa Philosophy. Ang philosophical thought dito ay 'nagbabago ang katotohanan)
Sinabi mo totoo..
Totoo ang pagmamahal mo.
Saksi ang buwan, mga ulap, at ang mga damo sa paligid.
Nang sinabi mong, totoo ang pagmamahal mo.Naniwala ako pagkat ang nasa isip ko, baka ang totoo para sayo ay totoo narin para sakin.
Pinagsaluhan natin ang pinaniwalaan nating totoo
Nang mga panahong 'yon, yun ang totoo para sayo
Na ako'y iniibig mo at ika'y iniibig ko.
Kitang kita ko sa mga mata mo at mga ngiti mo na totoo ang lahatTandang tanda ko pa nang walang pagaalinlangan mong sinabi saking mahal mo ko.
Tinanong kita, "totoo ba?"
Sinabi mo, "totoo"
Ngayon.. sabihin mo, nasan na ang totoong pagmamahal na 'yon?Isang araw nagising ka nalang.
Biglang nagiba ang katotohanan para sayo.
Tulad ng dati saksi parin ang buwan, mga ulap, at ang mga damo sa paligid.
Napaisip ako.. totoo kaya ang lahat nang pinagsamahan natin?
Sabihin mo mahal.. bakit nagbago ang katotohanan para sayo?Yung mga mata mong nagsasabi nang katotohanan dati, bakit may kasama nang luha ngayon?
Bilang na bilang ko pa kung ilang patak ng luha ang lumabas sa mga mata mo.
Mahal bakit? Akala ko ba'y totoo..Ngunit sinabi mo sakin na iba na ang katotohanan ngayon.
Naghalo halo ang mga nasa isip ko.
Ang pintig ng puso ko'y di ko na mabilang ngunit bakit ang bilang ng pantig ng bawat salitang binibitiwan mo ay nabibilang ko?
Sabihin mo mahal.. bakit nagbago ang katotohanan para sayo?Sa labing isang pantig ng mga salita mo.
Doon ko napagtanto
Katotohanan pala'y nagbabago.
Ang katotohanan para sakin ay pwede palang di katotohanan para sayo.Pero sinabi mo totoo..
Totoo ang pagmamahal mo.
Saksi ang buwan, mga ulap, at ang mga damo sa paligid.
Nang sinabi mong, totoo
BINABASA MO ANG
Thoughts
PoetryMga essay ito na ginawa ko sa school o naisip ko lang dahil may pinanghuhugutan ako.