(A/N: Kapag po comment ang title ng chapter, comment ko lang po yun sa mga posts sa facebook o kahit anong social media apps. Mema, che!)
Post:
"Share ko lang"
Tipong pumasok ka sa cr dahil magtatanggal ka lang ng dumi sa mukha eh sa gusto ko sa cr eh kaya hindi ka na nag-flush sa toilet. Tapos meron ka palang kasunod. Ang sama ng tingin niya kasi ang dumi ng toilet pagtapos mo. Eh hindi naman ako gumamit. Pero sige sa susunod iflush ko na kahit di ako.
-Hindi Gumamit
Comment:
Siguro kasi yun na yung naging daan para ipaintindi sa atin ang ibig sabihin ng, "kung hindi tayo, sino?"
Kung nasa posisyon na tayo na hindi naman ganun kabigat gawin para sa atin ang isang bagay pero alam nating ito ang tama, gawin na natin.
Hwag na tayong magintay ng ibang gagawa kapatid. Kung kaya natin, atin nang gawin. Tayo ang makakapagbago ng mundo.
BINABASA MO ANG
Thoughts
PoetryMga essay ito na ginawa ko sa school o naisip ko lang dahil may pinanghuhugutan ako.