Prologue:
Sabi nila, hindi mo daw pwedeng turuan ang isang lalaki upang mahalin ka sa paraan na gusto mo. Kailangan mo siyang hintaying kusang mahalin ka pabalik sa paraang hinihiling mo, at sa tamang panahon, kung kailan handa na siyang sabihin sayo. Yan ang isa sa pinakamasakit na feeling sa buhay ng isang babae....
Pero..
Sabi din nila, hindi mo rin pwedeng turuan ang isang babae na mahalin ka ulit gaya nang ginawa niya dati, lalo na't kapag napagod na siya kakaintindi at kahihintay sayong mahalin mo siya pabalik na nararapat lang niyang maramdaman. Yan ang isa sa pinakamasakit na feeling sa buhay ng isang lalaki.
"hayyyyy, lam mo, nakakainis ka, andito na nga ako sa harap mo, naghahanap ka pa ng iba"
"oo alam ko, hindi man ako ang ideal dream girl mo, pero sana naman marealize mo na nandito ako, nagmamahal sayo"
mga katagang nais kong sabihin sa kanya..
Ang hirap..
Ang sakit..
para sakin na hindi mo man lang bigyang halaga ang pagmamahal ko sayo..
Kung sabagay, ano nga bang magagawa ko..
Kung talagang 'manhid ang crush na di naglaon, mahal ko'
Hayyyyyyy.....wala na ba talagang pag-asa?
O kahit papaano, meron pa?.....
------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Yay! another story again, pero short story lang siya, uhmmmm mga 5-10 chapters lang siya, anyways sana nagustuhan niyo yung prologue..^____________^
BINABASA MO ANG
Ang Manhid Kong Crush (short story)
Teen Fiction(C-O-M-P-L-E-T-E) Isang salitang binubuo ng limang letra C-R-U-S-H Ano nga ba ang Crush? Paghanga? eh bakit minsan nasasaktan ka?. Kasi hindi mo namamalayan na yang 'CRUSH' na yan eh unti unti nang nafo-form sa salitang 'LOVE'.. Sa simula madalas na...