CHAPTER 4

673 17 6
                                    

ADRIAN'S POV

"Gooooddddmoooorningggg soulmateeee!!!!" ^___________^

Bati sakin ni Angellie pagkapasok pa lang niya ng room namin. Umupo naman na siya sa tabi ko and yeph katabi ko siya, alphabetically arrange kasi Gomez si Angellie tas ako Guerrero.

"teka, ano yang ginagawa mo?"

"ah, assignment sa physics, ngayon ko lang kasi nalaman na may assignment pala tayo sa physics" hayyyyy ang hirap naman pag namiss mo yung mga classes mo, mahirap nang intindihin yung mga lesson na narating nila, di ko nga alam eh kung tama 'tong pinagagagawa ko..

"mali.....mali yang solution mo, ganito dapat para makuha mo yung answer" tapos kinuha niya yung ballpen ko at may isinulat na kung ano anong formula sa notebook ko..

"oh ganito yan, pag yung voltage ang nawawala, takpan mo lang yung v sa pyramid diba ang matitira yung I which is yung current at yung R which is yung resistance, o yan na yung formula, i multiply mo lang sila then poof, yun na yung answer"

Haist, nagpakahirap pa ako, ganito lang pala yun, ang dali lang naman pala..

"ganun lang naman pala, btw thanks" tas ngumiti ako sa kanya..

"sus, wala yun soulmate, basta kailangan mo ako, nandito lang ako" sabay ngiti niya sakin.... Hayyyyy buti nalang nandyan si Angellie para tulungan ako, minsan nga yung mga lessons na namiss ko dati, itinuturo niya sakin para maintindihan ko..

Hindi rin nagtagal dumating na si ma'am, at ayun nag start na ang walang katapusang lecture, hindi ko naman masyadong maintindihan kasi ang layo na ng narating nila. Tumingin ako sa katabi kong si Angellie na tutok na tutok kay ma'am..

*POINK* *POINK*

"ano yun soulmate?"

"ah, pwede mo ba akong turuan mamayang uwian ng mga lessons na pinag-aralan niyo?, hindi ko kasi maintindihan yung mga pinagsasasabi ni ma'am eh"

"oh sure, why not"

*FAST FORWARD*

"oh ito i-solve mo" tas binigay niya sakin yung papel na may kung ano anong equations.. Kinuha ko naman agad at sinagutan..

Habang nagsasagot ako, napansin kong nakatingin sakin si Angellie, tinignan ko ulet siya at tinanong..

"baket?"

"ha...ah eh wala naman"

"sus, nagwa-gwapuhan ka sakin noh, naku wag masyado baka ma inlove ka sakin"

bigla siyang humarap sakin at tinignan ako sa mata..

"paano kung sabihin kong inlove na nga ako sayo?"

Naku, yan nanaman po tayo, bumabanat nanaman siya..

"tss, sira ka talaga kahit kailan"

"pero seryoso?" tumingin nanaman siya ng diretso sa mata ko..

"hayyyyy naku Angellie, yan ka nanaman sa mga trip mong yan ha, napapadalas na ata ang pangtri-trip mo sakin eh"

Tumingin siya sa iba at may binulong..

"Ang manhid mo talaga kahit kailan"

"huh? may sinabi ka?"

"wala, sabi ko ano tapos mo na ba yung pinapa-solve ko sayo?"

binigay ko naman na sakanya agad yung papel, kinuha naman niya agad yun at chi-neck.. Tinignan ko naman siya habang chine-check niya yung papel ko..

"Ang manhid mo talaga kahit kailan"

Totoo kaya yung narinig ko, o nagkamali lang ako ng pandinig?

ANGELLIE'S POV

"tara na, magdidilim na, hatid na kita sa inyo baka kung mapano ka pa" -Adrian

Hayyyyyy how I wish na sinabi niya yan hindi dahil friend niya ako kundi nag-aalala siya sakin at natatakot na may mangyaring masama sakin..

"uhm sige"

Naglakad na kami pauwi at still na sa tabi ko pa rin siya. Habang naglalakad kaming dalawa walang umiimik sa min, so I decided to break the silence between us.

"soulmate"

"hmm?"

"yung about sa sinabi ko kanina"

"bakit?"

"paano kung totoo lahat yung sinabi ko sayo kanina? anong isasagot mo?"

"sus Angellie, don't tell me pagtri-tripan mo nanaman ako?"

"No, that's not my point"

"ok, ok I get it, gusto mo talaga malaman ang sagot ko?" tumango nalang ako, at siya naman ipinagpatuloy ang sagot niya..

"uhm I'm sorry kasi hindi ko magagawang ibalik yung pagmamahal mo sakin, oo mahal kita, mahal kita as a friend pero siguro hanggang doon lang yon"

Ouch..

Ewan pero parang nadurog yung puso ko nang marinig ko yun, para bang tinadtad ng pinong pino, di ko alam na ganun pala kasakit. Ang tanga mo Angellie eh, hindi mo nalang sana inopen ulit yang topic na yan, sinaktan mo lang ang sarili mo..

"pero siguro, kung hindi kita kilala o di kaya close, mafa-fall din ako sayo, kasi sa totoo lang hindi ka mahirap mahalin eh, mabait ka, makulit, maalalahanin, hindi malabong mahulog din ako sayo"

Hindi nalang ako umimik at tumingin sa langit, grabe ang dami nanamang stars..

"uy, ok ka lang ba?"

"ha? ah oo naman noh" I smiled fakely..

"don't tell me, sineryoso mo yung mga sinabi ko sayo ah"

"h-hindi noh, example lang naman yun hahaha, bakit ko naman seseryosohin kaya nga example diba?"

I laughed fakely, but deep inside it hurts..

"sa totoo lang, nagpapasalamat ako kay God dahil pinakilala ka niya sakin, tsaka alam mo ba sa tuwing kasama kita, ewan ko pero ibang klaseng saya ang nararamdaman ko, kaya nga very thankful ako at napalapit ako sayo"

Tumingin ako sa kanya at napansin ko siyang nakangiti..

Hindi naman namin namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin..

"Ah andito na pala tayo, sige papasok na ako, baka iniintay na ako ni mama" tumango nalang siya at ngumiti, ako naman pumasok na sa bahay..

Grabe, ang hirap pala pag involve na ang friendship sa Love..

Should I give up on him? or still fight for my feelings?

-------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Hayyyyyysssssssss buti nalang natapos na, grabe nahirapan ako sa chaptiee na 'to ah swear pero kahit papaano nagawa din hihi ^______________^ I hope na sana nagustuhan niyo siya, and malapit na din pala tayo sa climax, baka this next chaptiee or sa susunod pang isa.. ok chapter 5 na din sa wakas, pero bukas na ako mag u-UD ulet, inaantok na kasi aketch eh..

Ang Manhid Kong Crush (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon