CHAPTER 10

658 14 5
                                    

A/N: Dedicated sa kanya~~~~~~~~~~~>

pasensya na kung ngayon lang ako naka pag UD, as a thank you ko na din sayo to ^___________^

------------------------------------------------------------------------------------------

ADRIAN'S POV

5 days na ang nakalipas simula nung nag-away kami ni Angellie at nalaman kong mahal niya ako, 5 days ko na din siyang hindi nakakausap. Nagkikita kami sa school kaso hindi kami nagpapansinan.

"ADRIAN!!!!! ano bang ginagawa mo?!?!" pagalit na sabi sakin ni coach, nagprapractice kasi kami ngayon dahil bukas na yung tournament, at kanina pa ako paulit ulit na pinapagalitan ni coach..

"Sorry po coach"

"Guys break muna kayo....Adrian mag usap tayo" utos sakin ni coach..

Lumapit naman ako sa kanya at umupo kami sa bleacher..

"Ano bang nangyayari sayo Adrian, ilang araw ko nang napapansin na hindi ka nakakapag focus sa mga practice. Adrian naman.. please lang, baka nakalimutan mong bukas na yung tournament, malaking kahihiyan ito pag hinyaan niyong matalo tayo"

"sorry po talaga coach"

"may problema ka ba?"

"ah w-wala po coach"

"kung ganon, ayusin mo 'to, Adrian kailangan mong mag focus, pangalan ng school natin ang dala niyo kaya sana wag niyong hayaang ma dissappoint sila sa inyo.. sige na magbreak kana" sabay tap ni coach sa braso ko at umalis..

Napasabunot nalang ako sa sarili ko.. Ano bang nangyayari sakin, ba't ako nagkakaganito?

"Adrian, are you okay?" napatingin ako sa nagsalita, si Angellica pala..

"is there any problem? habang nagpra-practice kami kanina, lagi kong napapansin na paulit ulit kang pinapagalitan ni coach"

"ayos lang ako, wag kang mag-alala" tapos ngumiti ako sa kanya..

"Adrian" sabi ulit ni Angellica at hinawakan ang kamay ko "kung may problema ka, andito lang ako sa tabi mo, pero hindi kita pipilitin kung ayaw mo talagang sabihin, naiintindihan kita" hinawakan ko din ang kamay niya "salamat Angellica"

"sus wala yun, ngumiti ka nga" sabay hinawakan niya magkabila yung gilid ng lips ko at ini-stretch para mag form ng smile..

"oh ayan, dapat ganyan, sayang ang kagwapuhan ng boyfriend ko eh"

"sira" sabay gulo sa buhok niya..

"waaaahhhh, wag mo naman guluhin yung buhok ko" sabay pout.. imbes na matuwa ako sa itsura niya dahil ang cute niyang tignan, bigla akong natigilan dahil naalala ko si Angellie, lagi ko kasing ginugulo yung buhok niya pagkatapos bigla nalang siyang mag pa-pout..

"Uy Adrian, ayos ka lang?"

"a-ah o-oo naman noh" bigla kong kinurot yung pisngi niya " Ang cute talaga ng girlfriend ko"

"ah a-aray, mashakitttt" reklamo niya habang hinihimas himas yung pisngi niya..Nagulat nalang ako nang bigla niya akong yinakap..

"Alam mo, natutuwa akong nakikita kang ngumingiti, galingan mo bukas ah, promise mo, ipapanalo mo ang laban para sakin"

Ang Manhid Kong Crush (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon