CHAPTER 7

662 15 10
                                    

A/N: request granted @ElleJane15....^_______^ di ko ineexpect na magugustuhan mo 'tong story kong 'to, tsaka na inspire ako sa mga comments mo kaya as a thank you sa pagsupport sa aking story, I dedicated this chaptieeee sayo ^____________^, anyways, pasensya pala kung mejo natagalan sa pag UD, busy-busyhan kasi ang peg ko this past 2 days :)) I hope you like this :)) and syempered pati na din sa iba kong readers.......

----------------------------------------------------------------------------------------------------

ANGELLIE'S POV

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon, basta ang alam ko lang, gusto ko muna magpakalayo-layo nang mabawasan 'tong sakit na nararamdaman ko....

Alam ko kasi, anytime babagsak na 'tong mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ayoko..

Ayokong umiyak..

Natatakot ako..

Natatakot akong ipakita sa ibang tao na mahina ako.

Ako kasi yung tipo na laging nakangiti, masayahin, palabiro, hyper at laging tumitingin sa positive side. Kaya natatakot akong makita nila ang mga luha ko..

Hindi ko namalayan, papunta na pala ako sa C.R......Tama, dito na muna siguro ako nang mabawasan 'tong sakit sa puso ko.

Pumasok ako, buti nalang walang tao. Pumunta ako sa may lababo para maghugas ng kamay, pagkatapos kong maghugas, nakita ko ang sarili kong reflection sa salamin.



"Think positive Angellie, kaya yan, diba nga sabi dun sa nabasa mo 'Good things comes to those who waits', kaya konting tiis lang Angellie"

Siguro kung may makakakita sakin dito na kinakausap ang sarili ko sa harap ng salamin, sasabihin siguro nilang baliw ako, well minsan, ganito lang talaga ang way ko para palakasin ang loob ko.

Nang mahimasmasan na ako, inayos ko na ang sarili ko at napagdesisyunang bumalik sa room.

Ang Manhid Kong Crush (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon