Chapter One : The Photo

39.8K 1K 50
                                    

 ♛ HIS GANGSTER QUEEN : One

CHASE

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mata ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at doon nalang ako napahawak sa ulo ko ng bigla itong sumakit.

Fvcking hangover!

Tumingin ako sa paligid at doon ko lang din napagtanto na nasa loob pala ako ng kwarto ko. Kahit masakit ang ulo ay pinilit kong tumayo at lumabas. Bumaba ako at nag-tungo sa kusina. Sumalubong naman sa akin ang masasayang tawanan. Napatigil sila ng maramdaman ang prisensya ko. Hindi ko nalang sila pinansin at kumuha ng isang boteng tubig at saka bumalik sa kwarto.

Ganito kami araw-araw.

Ganito ako araw-araw pagkatapos niyang mawala. Hindi lalabas ng bahay at magkukulong lang sa kwarto. Kung lalabas man ako ay sa bar lang ang diretso ko.

I let out a deep sigh at tingungga ang tubig na hawak ko. Naagaw naman ng attensyon ko bigla ang larawang nasa side table ng kama ko.

Scarlett.

Kinuha ko ito at tinitigan. We both look so happy in this photo. The day when everything was still fine. Walang gulo, walang problema. Bigla ko nalang naalala kung kailan ito kinuha at kung saan.

Nakaupo at nakapikit ako sa ilalim ng puno kung saan lagi kong tinatambayan nang bigla akong makaramdam ng presensya. Agad naman akong napadilat. And there, I saw a beautiful lady. The only one who can make my heart beats this fast. She walks towards me with a smile on her face.

Scarlett Blue Fox, what have you done to me?

Nagulat ako nang bigla niyang itinapat ang cellphone niya sa mukha ko.

"Why so serious, Chase?" said she, "Smile ka nga! Hahahaha." tawa niya habang nakatutok sa akin ang camera ng phone niya.

Her laugh is a music to me lalo na kung alam kong ako ang dahilan ng mga iyon.

"Tss, stop it Scar." I said. Nag-iwas rin ako ng tingin pero sadyang makulit at matigas ang ulo niya at pinilit iharap ang mukha ko sa hawak niyang camera.

Seriously? Napapokerface nalang ako. Then isang flash ang bumungad sa akin kaya napapikit ako.

"Opps! Sarreh, hindi ko na-off 'yung flash!" sabi niya with peace-sign. Napakunot noo ko ng bigla siyang tumawa habang nakatingin sa phone niya. "Hahahaha This is hilarious, Chase!" She showed the picture of mine with a pokerface and half-open eyes. Damn. Ang pangit ko doon!

"Hey! Delete it!" Hahablutin ko na sana ang phone niya pero agad niya itong nailayo.

"No! I wooon't~ ang cute kaya." Natatawang sabi niya at dumila pa. Aba't. "If you want to delete it then catch me first." at nag-simula na siyang tumakbo papalayo. Agad ko naman siyang hinabol.

Napadaan na kaming lahat sa harap ng campus pero hindi parin siya tumigil sa pag-takbo. She's running and laughing while looking at her phone. Dammit! Bakit ba ang bilis niya?! Napapatigil at napapatingin sa amin ang mga istundyanteng nadadaanan namin. Mga gulat at nag-tataka.

Tss.

Nawala na ang mga istudyante at namalayan ko nalang na nasa garden na ulit kami sa likod ng campus. Hinihingal akong tumigil at tinignan siya. Five meters ang layo ko sa kanya na pagod rin dahil sa pag-takbo. Inikot naming ang buong building B and for fck sake malaki ang building para takbuhin at ikutin.

"Okay tympers! Hah! Pahinga muna!" sabi niya pero agad ko siyang nilapitan. Hindi naman siya nakagalaw agad at akmang tatakbo muli ay nahuli ko na siya.

"Wahhhh! Geez, Chase! Hahaha~" nakuha pa niyang tumawa. "Okay, okay! You won! I'll delete it." nakita ko kung paano niya idelete iyong larawan ko ng nakapout! Damn! She's so cute!

Nagulat naman siya ng kunin ko ang phone niya at inakbayan siya. "Let's capture this moment." I said na nag-pangiti sa kanya.

We took a several photos together or in other words, we took a "selfie" together. Napatingin naman ako bigla sa kanya. I stared at her. I'm sorry but I can't help it. She's too beautiful.

Siya na ngayon ang may hawak ng phone. Nakatutok sa amin ang camera. Nakaset iyon ng 4 continues shots at nakatimer. Pinindot niya na ang capture botton sa screen.

3....

Napakunot ang noo niya nang mapansing nakatingin lang ako sa kanya.

2....

Then she look at me. Our eyes met.

1...

Without hesitation...... I kissed her.

And that moment got captured.

Napangiti nalang ako ng mapait ng maalala ang panahong iyon. Paano kaya kung hindi siya nawala? Paano kaya kung nandito parin siya sa tabi ko?

Damn this! I badly miss her!

Siya ang dahilan kung bakit timitigil ang oras ko tuwing nasa tabi ko siya. Sa kanya umiikot ang mundo ko. Siya ang mundo ko.

Pero ano'ng gagawin ko ngayong wala na siya?

--

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon