Chapter 28 : Comeback

27.2K 693 45
                                    

HIS GANGSTER QUEEN : Twenty-eight

Gulat na napatingin ang lahat sa kanya. Hindi makapaniwala ang lahat na ang matagal na taong hinihintay nila ay sa wakas nandito na. Kahit si Chesca na napakabilis ng tibok ng puso at tila ba naistatwa sa taong nasa harap nila ngayon. Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa taong iyon.

Ibang-iba na siya. Mas lalo itong naging nakakatakot. Presensya palang niya ay mag-papanginig na sayo. Ang mga mata niyang malamig kasing kulay nito ay nakakapag-patayo ng balahibo. Lahat ng suot nito ay itim pero mas kapansin-pansin ang dating itim na buhok nito ay naging dilaw na at lalong tumingkad ang kulay ang mga asul nitong mata.

"Finally, Black you're here. Akala ko habang buhay ka ng mag-tatago nalang sa lunga mo. Bakit? Natatakot ka bang harapin ako?" nakangising asar ng babae habang dahan-dahang lumapit sa kanya ngunit nandyan parin ang malaking layo ng pagitan nilang dalawa.

Bigla namang ngumisi ang ating reyna na lalong ikinatakot ng mga underlings na naroon at lalong ikinainis ng babae.

"Me? Scared?" nakangising tanong ni Scarlett sa kanya. "To whom? To you? Oh c'mon, you're not even scary. And shouldn't you be the one who's supposed to feel that one right now?" pang-aasar na sambit nito habang nakangisi.

Hindi alam ng babae kung bakit pero bigla nalang siyang nakaramdam ng takot. Ito ang pangalawang beses na makaharap niya si Queen matapos ang mahabang taon. Pinag-handaan niya ang araw na ito ngunit tila yata ay tinakasan siya ng kaluluwa niya nang makita itong muli. Hindi niya inaasahan ang napakalaking pag-babago nito.

'No! Hindi maaari! Hindi ako matatakot sa kanya. Kukunin ko kung ano ang nasa kanya at papatayin ko siya!'

"I already warn you, didn't I?" biglang tanong ni Queen na nag-pabalik ng ulirat niya. Nakatungo ito at nilaro-laro ang hawak nitong dagger. "Binalaan na kitang huwag galawin ni isa sa kanila but you still did. And now," bigla itong nag-angat ng tingin na ikinaatras ng babae. Naging blanko ang mukha at wala kang mababasang kahit ano sa kanya ngunit ang mga mata nito, nag-aalab. "You'll pay."

Pag-kasabi ni Queen ng salitang iyon ay mabilis siyang tumakbo papalapit sa babae. Naging alerto naman ang mga alagad nito at kahit na nangignginig at natatakot ay mabilis na prinotektahan nila ang tinatawag nilang 'reyna' at sinugod si Queen.

"Kahit gaano pa kayo karami ay hindi niyo ako mapapatay. I've already been there at kahit si kamatayan ay natakot sa'kin." Nakangising sabi ni Queen habang umiiwas at itinarak ang hawak nitong dagger sa dibdib ng taong may balak siyang saksakin.

Napatigil ang lahat sa nasaksihan nila. Kahit si Chesca ay napatakip bigla ng bibig.

"And one thing is sure for tonight," malamig na sabi ni Queen kasabay ang pag-hinigit ang kanyang dagger. "You're all gonna die."

HALOS HINDI NA MAALIS ang tingin ng dalawa sa kanikanilang laptop. Focus na focus ang mga ito sa pag-locate kay Chesca. It's been 24 hours at ni-isang segundo ay hindi manlang sila gumalaw sa kinauupuan nila, kahit ang mga kasamahan nito ay hindi narin nakagalaw habang pinapanood ang dalawa.

Halos mapatalon ang lahat sa biglang pag-sigaw ng dalawa.

"Damn! Finally, we found her." sabay na sabi nina Chris at Rae.

Nag-katinginan ang lahat at sabay-sabay na nag-tanguan.

Agad naman silang nag-madaling kunin ang mga dapat dalhin maliban nalang sa mga babae dahil hindi sila pinayagan na sumama ng kanilang mga kasintahan at para narin mabantayan ang mga bata. Sumang-ayon naman ang mga babae dahil may tiwala naman sila sa mga ito.

"And now, let's get her back."

SA KABILANG BANDA naman, isang lalaki ang tulala tila ba malalim ang iniisip.

Hindi na nga niya namalayan na malamig na ang tinimpla nitong kape at tapos na ang paborito niyang palabas sa sobrang lalim nito.

Isang tunog mula sa kanyang cellphone ang nag-pabalik ng kaluluwa niya sa kanya. Wala sa sariling kinuha niya ito at binasa ang nakalagay.

'Don't worry, we'll meet soon. I just need to stop this sh!t.'

Basa niya mula sa text.

Napakunot ang noo niya sa nabasa. Hindi niya alam kung sino ang nag-ssend ng mga text sa kanya simula noong isang araw pa. Hindi niya alam kung ano ang kailangan nito ngunit hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng kakaiba tuwing binabasa niya ang mga text.

He feels thrilled and excited.

AGAD NAG-BEND SI Queen upang mailagan ang ispadang dapat tatama sa mukha niya.

Agad siyang gumalaw muli at tumambling dahilan para masipa niya ang kamay ng lalaki at mabitawan ang hawak nito ispada. Mabilis na kinuha ni Queen ang maliit na dagger na nakatago sa suot niyang boots at inihagis rito.

Nabilis na tumayo si Queen at sinalo ang kamao ng taong nasa likod niya at walang awang binali ito. Napahiyaw naman ang lalaki sa sakit, lalo namang nakaramdam ng takot ang mga kalaban niya. Ilang minuto palang silang nag-lalaban pero maraming dugo na ang dumanak at nauubos na sila ngunit parang hindi man lang napapagod at pinag-papawisan ang ating reyna sa pinag-gagagawa niya kahit siya lang mag-isa ang lumalaban laban sa batalyon.

"Do you have some back-ups? Mukang paubos na sila?" nang-aasar na tanong ni Queen.

Naiinis naman ang babae sa sinabi nito at napakuyom ang kamay.

'Damn, so this is what the real Queen is kahanga-kanga but sorry, tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo.' - isip ng babae.

"Prepared, huh?" sabi ni Queen at sinipa sa mukha ang lalaking nasa harap niya.

Ang dapat paubos ng tauhan kanina ay dumami na naman. Halatang pinag-handaan ito at mukang ineexpect niya na ang kaya niyong gawin.

Lumipas ang ilang minuto, marami-rami parin ang kalaban ni Queen. Makikita mong may onting galos na ito at hiwa gawa ng mga nakatsambang tauhan niya.

"UNNIE!" sigaw ni Chesca kay Scarlett.

Napalingon naman sa kanya si Queen dahilan para makita ang sunod-sunod na pag-dating sa kanya ng mga patalim. Mabilis naman itong inilagan ni Queen. Nakakahanga, maliksi itong gumalaw tila ba sumasayaw habang iniiwasan ang mga patalim at para bang wala lang ito sa kanya.

Napalitan ng pag-kahanga ang kaninang takot na si Chesca sa nasaksihan. Ngayon alam niya na kung bakit Queen ang tawag sa kanya. Ang mga galaw niya, maliksi, mabilis at kalkyulado. Wala itong sinasanto, lahat ng madaan nito ay kung hindi patay, masama na ang lagay o 50/50 nalang ang buhay. Nakakatakot ito.

Hindi parin siya makapaniwala na buhay ito at hindi niya akalain na siya ang mag-liligtas dito. Ngayon nasagot na ang ilang katanungan niya pero may panibago na naman.

Biglang umalingaw-ngaw ang malakas na sigaw na ikinatigil ng lahat.

Napatingin ang lahat sa babae, bumagsak ito habang hawak-hawak ang hita niyang dumudugo.

"Don't think na ligtas ka pa habang lumalaban ako because I can still kill you even my eyes are close."

✂ - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - ✂

Been busy kaya natagalan update.

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon