Chapter Ten : Past

26.4K 709 101
                                    

Dedicating to hwan_young.

HIS GANGSTER QUEEN : Ten

CHASE

Napadilat ako bigla nang may maramdaman akong presensya sa di kalayuan. At sa pagdilat ko ay hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Anong ginagawa niya dito?

"Santiago?"

Nakita kong bahagya siyang napangiti at dahan-dahang lumapit sa pwesto ko. Tumayo naman ako at sinundan siya ng tingin hanggang huminto siya malapit sa harap ko.

"You still remember me." Said she, "Kala ko nakalimutan mo na ko." Sabi niya pa pero hindi ako umimik.

"Grabe ka naman, parang wala tayong pinagsamahan at Santiago pa talaga ang tinawag mo sa'kin.... And became a silent man." Nakangiting sabi niya na naiiling pa.

Napatitig ako sa kanya. Ibang-iba na siya sa huling pagkikila namin. Isa lang siyang simpleng babae noon pero ngayon kitang-kita ko ang pinagbago niya.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"What are you doing here, Jazmine?" Walang emosyon kong tanong. Nakita ko namang lumiit ang ngiti niya.

"Why? I'm also a student here back then and I'm invited. And surprise! Aren't you happy? I'm back."

Happy?

Tsk. Kung bumalik ka lang sana ng maaga noon baka maging masaya pa ako ng makita ka ulit pero.....

"No." Sabi ko na tuluyang ikinawala ng ngiti niya.

"What?!" Siya. "I came back for you, Chase. Is this about our past kaya ka ganyan? We can start a new one, Chase and I know na alam mo kung bakit ko nagawang iwan ka noon. And for goodness sake, Chase I still have this feelings for you at kahit kailan hindi kita nagawang kalimutan."

Hindi ko alam pero bigla nalang akong napangisi sa sinabi niya.

Still have the feelings, huh?

Tinignan ko siya ng malamig na kinaatras niya naman. Hindi ako nagsalita at sa halip ay naglakad na paalayo. Hindi ako handang makita siya at makinig sa mga sasabihin niya. I don't have time for that.

Narinig kong tinawag niya ako pero binaliwala ko lang iyon.

"Laurence!"

Atomakitong napahinto ako sa pagtawag niyang 'yon. Naikuyom ko ang kamao ko.

"I knew it. Hindi-"

"Stop it, Santiago." Pagputol ko sa kanya. "That Laurence is dead. At kahit kailan ang nawala na ay hindi na maibabalik pa." Sabi ko at tuluyan na siyang iniwan doon.

Hindi na ako bumalik sa loob sa halip ay dumeretso ako sa parking lot at sumakay na agad sa kotse ko.

Damn it!

Bakit pa siya bumalik?! Matagal ko na siyang kinalimutan. Pagkatapos ng umilis siya noon ng ganun-ganon lang ay bigla siyang babalik at sasabihing meron parin? That's bullsh*t!

Agad kong pinaharurot ang kotse ko at wala akong paki kung mabilis ang pagpapatakbo ko. Anong oras narin naman at wala na masyadong sasakyan sa daan.

Damn! Hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari noon.

Jazmine Lyka Santiago.

A childhood friend. A bestfriend. A girlfriend.

Noon.

Simula bata pa lang close na kami. Kung hindi si James o Chistian siya ang lagi kong kasama, kulitan man o kalokohan. Partners in Crime kami.

Hanggang sa maghigh-school, kami ang magkasama. Hanggang sa nagtapat ako na may gusto ako sa kanya at pinayagan niyang ligawan ko siya. After five months of courting, sinagot niya rin ako. Masaya kami at hindi nagtatalo. Kung may tampuhan man ay hindi tumatagal ng isang araw.

Laurence. 'Yan ang tawag niya sakin. My second name at siya lang ang tumatawag sa'kin niyan. At Lyka naman ang tawag ko sa kanya simula bata at ako lang ang pinapayagan niyang tumawag sa kanya non.

Marami ngang naiingit at nagsasabing perfect relationship ang meron kami pero 4 month before our second anniversary na-discover siya at natanggap bilang isang model. Syempre tinanggap niya agad 'cause it's her dream simula bata palang kami. Sa kasamaang palad kailangan niyang lumipad papuntang States para doon simulan ang career.

Hindi ako pumayag noon dahil ayokong lumayo siya sa'kin pero pumayag parin ako for her hapiness. It's her dream at ayokong dahil sa akin ay hindi niya matutupad iyon.

After 2 months of training, nakilala agad siyang model syempre ako proud boyfriend pero hindi ko inaasahan na ang pagbalik niya sa pilipinas at sa mismong 2nd anniverary namin....

She broke up with me.

Hindi ko alam kung bakit. Walang dahilan. Hindi ko alam kung may nagawa akong mali pero sh*t. Wala.

I thought she's not serious about the break up pero nabalitaan ko nalang na bumalik na ulit siya sa States then a month before nabalitaan kong she's dating. A model. Kaya ba siya nakipaghiwalay sa'kin dahil sa kanya.

Tsk. I got depressed at doon pinatay ko na si Laurence at binuhay si Chase.

The heartless.

Silent.

Cold.

The leader and became the King of Red Knights.

Binuo ko ang gang na iyon at doon ko nakilala sina Shin at Micky.

Doon na nagsimula ang lahat then after 2 years nakilala ko si Scarlett, nagbago ang lahat and the rest is a history.

*beep* *beep*

Bigla akong napapreno ng wala sa oras. Nakared and stoplight at isang truck ang dumaan sa harap ko.

"Hoy! Papakamatay ka ba?" Sigaw ng driver nito. "Kung papakamatay ka wag ka mangdamay ng iba!"

I sighed.

Ano bang nangyayari sa'kin?

So what kung bumalik siya?

Wala naman akong paki diba?

Do I?

✂ - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -✂

Author's Note:

Hi Reeeeeeeeaaaaaaders!!!

Waahhh! Nag-no.1 na ang Book 1: THE BITCHY GANGSTER QUEEN!

I'm so happy guys! Kaya ito pinilit ko talagang makapag-ud ngayon since walang pasok wahahahaha.

I love you na talaga b!tches hahaha! Thank you Thank you Thank you Thank you Thank you Thank you Thank you!! 😘 ♥ 😘 ♥ 💕

Shocking mhen!

- Ms. Genie -

Ooohh... so it was this time (genie in the future)

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon