Chapter Twelve : Flash vs Dark Shadow

28.2K 810 95
                                    

HIS GANGSTER QUEEN : Eleven

CHASE

Isang linggo na ang nakakaraan matapos ang anniversary ng R.U. Isang linggo narin ang nakakaraan simula ng makita ko ulit siya. Si Jazmine.

Hindi ko alam kung bakit siya bumalik at sinabing mahal niya pa ako. Tsk. Kalokohan.

'Laurence.'

F!

'Laurence, please.'

Dammit! Umiling ako para mawala sa isip ko iyon. Bwisit.

"O, ano? Nabaliw ka na?"

Bigla akong napaangat ng tingin at isang lalaking mukang bagong gising lang ang bumungad sa'kin.

"Tss," Nag-iwas ako ng tingin. "Wala 'to. May naalala lang."

Naramdaman kong lumapit at umupo siya sa tabi ko.

"Gusto mo ba makalimot?" Sabi niya.

"Wag na. No use."

"Tss. Hindi 'to. Siguradong makakalimot ka sa lugar na 'to."

Napailing nalang ako sa sinabi niya. Minsan ang dami ring alam nitong lalaking 'to.

"Where?"

"Sa island kung saan makakalimot ka. Kung interesado ka sabihin mo lang at ipapadala agad kita sa Camp Sawi para— damn! Aray ha!"

Ayan! Binatukan ko nga. Akala mo kung anong matino ang sasabihin niya. Tss.

"Bwisit ka James. Kung wala kang matinong sasabihin ay lumayas ka na sa harap ko."

"Grabe siya sa'kin oh~ layas talaga? Hahaha sige ito na, seryoso na, totoo na 'tong sasabihin ko pero effective ngumiti ka rin. Seryosong tao kasi tsk."

Hays. Kalokohan nitong taong 'to.

"Ito na," - siya. "Itatanong ko lang kung gusto mo sumama." Seryosong tanong niya.

"Saan?"

"Sa Camp Sawi."

Bwisit yan.

"Hahaha! Ito na, ito na. Chill. Masakit ka mambatok. Ito na," Sabi niya at hinihimashimas pa ang parteng nabatukan ko. 'Yan kasi. "Itatanong ko lang naman kung gusto mo sumama sa Camp— jk I mean, nagplano kasi kami ng one week vacation kasama sina Shin. Ya' know, tagal narin nating hindi nakakapag relax, tayong magkakabarkada."

Mahabang sabi niya. Napaisip naman ako. Napangisi ako ng marinig ko ang salitang 'barkada'. Tagal ko ng hindi naririnig sa kanila ang salitang 'yan.

"O, what 'ya think?" Tanong niya with taas-baba pa kilay.

May magagawa pa ba ako?

PRECIOUS

Nagsisimula na akong mag-ayos at mag-impake ng mga damit na dadalhin namin para bukas. Yes, bukas na ang alis namin kasama ang mga bata syempre.

I'm so excited. We're having a one week vacation sa secret island nila, ng Red Knights. Well, sabi ni Love, doon sa island na'yon ay doon sila nagsanay at doon sila madalas pumunta noon tuwing gusto nila makalayo sa gulo at makapagrelax pero dahil nga busy sila this past years ay hindi na nila nagawang magbakasyon at ngayon ito na, makakapagrelax narin kami.

"Mommy!" Agad akong napalingon nang marinig ko ang tawag na iyon.

Aww~ My angel's here.

"Oh hi baby! You seems so happy, anong meron?" Tanong ko. Ang lapad kasi ng ngiti e.

"Hihi~ I met a new friend today. She's really pretty." Masayang sabi nito.

"Really? What's her name?" Asked I.

"Ahm~ I don't really know.... But she said I can call her C.S."

C.S? How cliché. Reminds me of something.

"So, what does she looks like?"

"She's really pretty! Ayoko man aminin but I know mas may pak siya sa'kin." Said she, "And... Her eyes. It's beautiful." Sabi pa niya na parang na-inlove nang maalala niya ito.

Sa tingin ko maganda talaga ang batang iyon at ganito ang reaksyon ng anak ko sa kanya. Minsan nga lang 'to pumuri dahil mana 'to sa daddy niya, mapang-asar hahaha.

"Mom, let's eat na."

Napangiti ako nang narinig ko 'yon. Nakapout pa si baby. Omo! Keoweo~ (*o*)

"Sure baby, lets go." Kiniss ko siya sa cheeks at niyaya na siyang bumaba.

SOMEONE

"Where did you go?!"

Ayan agad ang nasabi ko pagpasok palang niya ng bahay.

Hindi niya manlang ako pinansin at kalmadong pumunta sa kusina at kumuha ng isang bote ng malamig na tubig.

"Wala ka bang isasagot manlang?" Tanong ko at pilit pinapakalma ang sarili. Dyusko, halos mamatay na ako kahahanap sa kanya sa buong bahay at sa sobrang pag-aalala sa kanya.

Baka mapatay niya ako pag may nangyaring masama sa kanya.

"Where is she?" Isang patay na tinig ang narinig ko mula sa batang kaharap ko ngayon.

See? Hindi manlang ako sinagot. May pinagmanahan nga. I sighed.

"At her favorite place." Simpleng sagot ko sa tanong niya.

Tinanguan niya naman ako at dire-diretsong umakyat ng hagdan hindi manlang ako nakuhang lingunin (-_-) tss, bata pa lang cold na, kamusta naman paglaki diba?

Napailing nalang ako nang bigla kong maalala ang nangyari 8 years ago.

That day.

Buti nalang at matigas ang ulo ko at bumalik ako noon hahahaha. Minsan ang pagiging pasaway ay nakakabuti rin pala.

Napapangiti-tawa nalang ako sa pag-aalala ko sa mga panahon na 'yon.

"Crazy."

Isang tinig na nagpabalik sa akin sa katinuan. Hindi ko parin talaga maisawang taasan ng balahibo pagnaririnig ko ang ganyang tono ng pananalita niya.

"U-unnie!" Gulat na sabi ko. Geez.

Nangunot bigla ang noo niya, "Why are you laughing?.... Alone?"

"W-wala naman, unnie. Just remember something, hehe."

Tumango naman siya pero titig na titig sa akin. Hays~ napagkamalan pa akong baliw.

"Get ready,"

Nagtaka naman ako sa biglaang pagsabi niya. Para saan?

"Why?" Ngunot-noo kong tanong.

"You're coming with me." Nakangisi niyang sabi.

Hindi ko alam pero bigla akong na-excite. Alam ko na ang galawan ng isang 'to at mukang alam ko na kung saan kami pupunta.

"We're visting the Underground."

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon