Chapter 23 : Hell

23.8K 848 161
                                    

HIS GANGSTER QUEEN : Twenty-three

Kahit gaano pa ka-busy ang mga parents ng mga bata, kahit pa si Chase ay nag-madali silang umalis sa kani-kanilang trabaho at agad umuwi matapos malaman ang nang-yaring aksidente.

Halos mapamura nalang sila sa panic at pag-kabwisit dagdag pa ng trapiko.

Halos mag-kakasabay at mag-kakasunod lang dumating ang mag-kakaibigan at nagulat na lamang sila sa naabutan nila.

CHESCA

Alam ko. Sanay na rin naman ako.

Sanay na akong makakita ng bangkay at ng taong pinatay. Normal naman 'yon sa mundo namin pero hindi ko ma-load sa utak ko kung ano ang nang-yari kanina.

Hindi ma-process ng utak ko na BATA LANG siya. Halos ka-edad niya nga lang sina Jaren.

At ngayon, kasalutuyan kong ginagamot ang mga sugat ko, hindi naman malala at gas-gas lang. Buti nga walang nasaktan sa mga bata, hindi rin sila na-trauma or something. Nagulat pa nga ako sa reaksyon nila e.

"Woow! That was so cool, hell!" Sigaw ni Princess.

"But the blood stain is kinda disgusting." Sabi naman ni Rhian.

"Yeah, how'd you do that?" Tanong ni Jaren.

"I want one to!" Sigaw ni Max at pumulot ng isang dagger pero agad naman itong inagaw ni Hell.

"This is not the right time." Simpleng  sagot ni Hell.

See?

'Yan ang flashback kanina. Nakakaloka ang mga batang 'to. Imbis na matakot ay hinangaan pa nila si Hell.

Well, napag-alaman kong siya ang tinutukoy na bagong kaibigan ng mga batang 'to. She's still a kid but already mysterious.

"Staring is rude." Walang emosyong sabi niya kaya napaiwas ako bigla ng tingin hindi ko alam na nakatitig pala ako sa kanya.

Hindi ko kasi alam ang magiging reaksyon ko. She looks..... familiar. Something on her reminds me of someone I know but I think it's impossible. Is it just a coincidence? And besides, mahirap alisin ang tingin sa batang 'to. She's different. I mean different in a good way. She's so pretty, specially her eyes. Paano pa kaya pag-laki niya?

Ang lakas rin ng pakiramdam niya. Ni hindi nga siya nakatingin sa akin at hawak lang ang tablet na pinahiram ni Max sa kaniya kanina. Speaking of them, nasa taas sila pinaligo ko muna para okay naman sila pag-dating ng mga nag-aalala nilang parents.

Tinignan ko ang watch ko and it's already 6 p.m. nakakapag-taka at wala pa sila.

Speaking of the devil, mag-kakasunod na busina ang narinig ko mula sa labas ng bahay. Napansin ko ring bahagyang napatigil si Hell sa ginagawa niya.

"Daddy!"

Napalingon ako bigla sa pinang-galingan ng sigaw. Tapos na pala sila.

Agad naman napatakbo ang mga parents nila sa kanila at sinunggaban agad sila ng matinding yakap. Awe~

"Ghad, baby! Glad your safe!" Si Pre unnie habang yakap si Princess. Yumakap rin si Shin oppa sa kanila at binigyan ng halik sa ulo si Princess.

Kanya-kanya silang drama habang ako pinapanood lang sila. Nadaan sa paningin ko si Hell na hindi manlang gumalaw sa kinauupuan niya at nakatungo lang. Aish! Bahala siya. Binalik ko ang tingin ko sa mag-iina, buti pa sila! Ako ba wala?

"Chesca?!" Speaking.

"Wahhhh! Oppaaaaa!" Wow rhyme 'yon ha?

Mabilis akong tumakbo pag-kapasok niya at agad siyang niyakap. Hindi ko alam pero muling tumulo ang luha ng maramdaman ko ang mahigpit niyang yakap.

"Oppa," narinig kong nag-shh siya at hinaplos ang buhok ko.

"What happened?" Tanong niya. Naramdaman kong nakatingin na rin ang iba sa amin.

"Oppa... *sniff* m-muntik na.... muntik na..." Hindi ko na napigilan at humagulgol na ako. Fck, kanina ko pa gustong ilabas 'to.

"Shhh~"

"Who helped you?" He asked again but I didn't answer. Feeling ko nawalan ulit ako ng lakas ng maalala ko ang nang-yari kanina.

But everything went silent nang marinig namin ang malamig na boses niya.

"She was almost raped and I'm the one who helped them."

THIRD PERSON

Halos lahat napatigil at napatulala sa taong nag-salita. Hindi nila inaasahan na may iba pa lang tao maliban sa kanila.

"Your the one who helped them?" Hindi kumbinsidong tanong ni Micky.

Sino ba naman kasing maniniwala sa kanya? E kahit nakaupo patalikod at ulo lang ang nakikita nila sa kanya ay halata mo paring bata lamang ito.

"It's true, mom, dad." Napatingin naman sila kay Rhian. Hindi nila alam ang sasabihin dahil hindi naman nag-sisinungaling si Rhian.

Nabalik ang tingin nila kay Hell nang marinig nila ang pag-lapag nito ng tablet sa maliit na table at dahang-dahang tumayo.

Tama nga ang hinala nila. Bata lang ito at mukang nasa walong taong gulang pa lamang. Pero lahat sila ay muling natigilan ng lumingon ito sa kanila. Halos manlaki ang mga mata nila sa gulat lalo na si Chase. Hindi nila alam pero nanlamig silang lahat sa tingin nito kahit isang hamak na bata lamang ito idagdag mo pa ang kakaibang kulay ng mga mata nito at walang emosyon.

Tinignan sila isa-isa ni Hell at tumigil ito sa mismong mga mata ni King. Ganoon rin naman si Chase at hindi nakipag-talo sa bata. Lalong natahimik ang paligid at kinilabutan ang lahat sa titigan ng dalawa na para bang may kuryente sa pagitan nito.

Dahang-dahang lumapit si Chase sa bata ng hindi pinuputol ang tingin sa isa't-isa. Nang halos sofa nalang ang pagitan ng dalawa ay huminto na ito at sinuri mabuti ang bata. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

'Impossible,' sa isip ni Chase. 'How can she be look like...... Her?'

"W-who..... Who are you?"

Biglang ngumisi ang bata na ikinagulat nila, na ikinagulo ng isip ni Chase.

Pero ang naging sagot nito ay ang ikinabulabog nila lalong-lalo na si Chase.

"I'm Hell, and I didn't know that we will meet at this kind of situation,

.
.
.
.
.
.
.
.

Dad."

✂ - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - ✂

Author:

Guuuuuuyss! KALMA! O 'yun puso baka malaglag!

Alam kong gusto niyo kong sapakin dahil sa pambibitin ko sa inyo pero bwahahhahaa just wait guys, malapit na ang pinaka aantay niyo 😉

But WHERE ARE YOU GUYS?! 😞 VOTE - COMMENT please.....

©ReGenie

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon