Chapter Two : Jaren Lim Villafuente

35.1K 975 59
                                    

 HIS GANGSTER QUEEN : Two

CHASE

"Chase." Pag-tawag ni James sa'kin mula sa labas ng kwarto pero nanatili lang akong nakahiga sa kama ko.

"Wala ka bang balak sumama?" tanong nito. I don't know. "It's been two years, Chase. Dalawin mo naman siya." Hindi ako sumagot. Napapikit nalang ako. Yes, it's been two years pero nandito parin ang sakit.

Mga ilang minuto pa ay wala na akong narinig na kahit anong boses. Wala narin siyang nagawa. Nakaalis narin siguro sila. Bumangon ako mula sa kama at tinignan ang larawan sa gilid ng kama ko.

"So, it's been two years?" Bulong ko sa sarili ko. Ang tagal na pala.

Today's her birthday...

Iniwas ko ang tingin mula sa larawan at napangiti ng mapait. How I wish na sana kasama ko siyang icelebrate ang birthday niya. Iyong mag-hahanda ako ng surpresa sa kanya. Ipag-luluto ko siya. At makikita ko ang mga matatamis na ngiti niya at kung gaano siya katuwa sa mga inihanda ko. Pero wala. Wala na.

Hindi ko na magagawa iyon.

ANNALIZA

"HI BESSY!" bati ko at inilapag ang bulaklak.

"Happy Birthday!!" Masayang sabi ko kahit alam kong may nag-babadyang pag-patak na likido mula sa mga mata ko. At tama ako dahil hindi ko na napigilan at tuluyan na itong bumagsak.

"Hush~" sabi ni James at tsaka ako niyakap. "Don't cry. Sigurado ako masaya si Scarlett ngayon kung nasaan man siya. At sirugado akong mababatukan ka non kapag nakita ka niyang umiiyak." Napangiti naman ako sa sinabi niya. How I wish na batukan niya ako ngayon.

Kakalas na sana ako ng yakap kay James ng biglang humangin ng malakas! OMG! Napakapit ulit ako sa kanya. Geez bessy! Joke lang 'yon! Wag i-big deal. Wag mo akong batukan! Hehe.

"Did you just wish na batukan ka niya ngayon?" James asked while chuckling. Inirapan ko siya at tinulak. Nagawa niya pa akong tawanan?!

"Che!" inis na sabi ko at umupo na. "Kain na tayo, bes!"

"Oy oy! Ito naman. Sorry na!" sabi nito.

"O ito nalang, para sayo." sabay tapat ng kutsara sa harap ko "say ahh~" the heck? At bakit ang cute niya?! Dahil hindi ko siya matiis ay kinain ko ang nasa kutsara.

"Pasalamat ka mahal kita, kundi nakoo~"

"Haha, thank you. I love you more." sabi niya ng nakangiti na ikinamula ko. Shet.

"Haha~ ang cute talaga ni Wifey." at tsaka pinisil ang pisngi ko. "Wag ka nga!" At tinabig ang kamay niya. Tumawa lang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Oo nga pala,

We're married. *blush*

Shet. Landi ko! Geez, akalain mo iyon, dati mag-kaaway lang ang gang namin tapos ngayon kami na?

"You're blushing wifey." nang-aasar na sabi ni Hubby na lalong ikinapula ko. Hahampasin ko sana siya ng biglang may tumawag sa amin kaya parehas kaming napalingon doon.

"Ma'am, Sir." bati nito. Napatayo naman kami ni James at lumapit sa kanya kasama ang isang batang mahimbing na natutulog.

"Oh, M Gee! Hi, baby!" Kinuha ko ito kay Yaya Fe at nag-pasalamat.

Si yaya Fe ang tagapangalaga ni baby. Nginitian niya naman kami at nag-paalam na. Nandito lang naman siya para ihatid si baby. Kami naman ay bumalik na sa pag-kakaupo.

"Hi baby. Tss, napakagwapo mo talaga. Mana kay daddy!" Asus! Lakas! Pinabayaan ko nalang at tumingin kay bes.

"Bes! Ito na siya! Finally, napapakilala ko na sayo si baby." nangingilid na naman ang luha ko. "Meet our son, Jaren Lim Villafuente."

"Nako bessy, kung nakikita mo lang siya sigurado akong matutuwa ka sa ka-cutan niya. Mahilig ka pa naman din sa mga babies!" At ayun, tumulo na naman ang luha ko. Agad naman itong pinunasan ni James.

"Nako Scarlett, kung alam mo lang kung gaano kakulit ang batang 'to. Hindi nga niya pinapatulog sa gabi ang mommy niya." napangiti naman ako sa sinabi ni James.

Nagulat kami ng bigla itong gumalaw at dumilat. So cute! Kamukang-kamukha niya talaga ang daddy niya. Wala yatang nakuha sa akin ang batang 'to. Baka ugali hahaha.

"Hi baby! Say "hi" to your tita Scarlett." hinawakan ko ang maliit nitong kamay at kunyari ay kinakaway. "Hiii~" napangiti naman ako ng bigla itong tumawa, ganoon din si James.

Nagkatinginan kaming dalawa. Sayang lang at hindi niya makikita kung paano siya lumaki.

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon