G/N: This is for Alliah_16004, hi baby, belated happy birthday ulit! Ito na yung gift ko sa'yo, enjoy 😘. At sa mga Team JosIah (Josh and Alliah), enjoy this!
PS: Ang special guest natin dito, magkaiba sila sa story ko at true to life. Si Jack na nasa story ko sa 60DBWY, may asawa na 'yun. Itong nandito, si Jack na single na true to life. Gets? 😂 (Isipin niyo na lang na may album na si beybi Jack, okay?)
~*~
Alliah's Pov
Nakakainis! Birthday na birthday ko, wala man lang nakaalala! Kahit man lang mga maguang ko pati si Adan, 'di rin naalala. Kinuha ko yung phone ko at tinext si Josh.
To: Josh Babes
Yah! Babes! Wala ka bang naaalala ngayon?
Sent.
Nakakainis naman, hmph! Kahit man lang yung barkada. Tinignan ko ulit yung phone nang maramdaman kong ito mag-vibrate.
From: Josh Babes
Wala naman, Babes. Except for--oh shit! Nagpapasama nga pala si Mama sa akin sa Mall. Text me later, Babes. Love you.
Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nagreply sa kan'ya. Sunod ko namang tinext si Alessa.
To: Sandria
Are you free today, girl? Let's hang out?
Sent.
Biglang nag-vibrate yung phone ko.
From: Sandria
Busy taking care of Ryker.
Hays. Ngayong nanay na si Alessa, mas naging busy na siya. Lalo na't kailangan niya magpa-good shot sa Lola ni Tyler. Yung lolang akala mo pinaglihi sa kung ano, eh! Sunod kong tinext si Mandy.
To: Mands
Yah! Let's shopping?
Sent.
Ang bilis naman magreply.
From: Mands
I'm on a date with Clint.
Edi sila na! Nakalimutan nilang birthday ng bestfriend nila ngayon, hmph. Tumayo na ako at naligo. Pagkatapos ay bumaba na. Bakit walang katao-tao? Nakita ko naman si manang sa kusina.
"Good morning, Manang. Asan sila Mama?" tanong ko.
"May date sila, hija, eh. Happy birthday nga pala." sabi niya at niyakap ako.
Bata pa lang ako, si Manang na ang tumayong magulang namin ni Adan. Dahil si Mama at Papa parang sila Tito James at Tita Nadine lang, busy sa mga tapings nila.
"Thank you po, asan si Adan?" tanong ko.
"Nasa kwarto, naglalaro." sabi ni Manang.
BINABASA MO ANG
TJATP 2: Secret Love [A JaDine Fan Fic] #Wattys2016
FanfictionMasaya na kami, eh. Kulang na lang ang pagpapakasal namin ni Tyler, but then, thanks to his Grandma. We're just secretly in love now. ~*~ ¤ All Rights Reserved ¤ Started: July 10, 2016 Finished: Story written by: Gorgeouzelle Copyrighted, 2016