UPDATE
~*~
Tyler's Pov
Pinagluto kami ng girls ng lunch namin, ang saya lang kasi kumpleto na ang barkada. Sumunod naman kasi ang girlfriend ni Thomas dito sa bahay nila Tita Nadine, si Jaelle.
"Baby?" tawag ko kay Alessa.
Tinignan niya ako, at nakataas pa yung kilay, ah.
"What?" tanong niya.
"I can't eat." sabi ko sabay pout.
"Seriously, Tyler Hugo? And'yan na yung pagkain sa harapan mo at buo pa namang yung kamay mo. Bakit 'di ka makakain?" sabi niya.
I smiled at her, "Subuan mo ko, baby." sabi ko.
Napa-poker face na lang siya at kumain.
"Hahaha! Kumain ka na kasi d'yan, Ty! May kamay ka naman, eh!" sabi ni Clint.
"Tignan mo nga si Castrix, oh. Kumakain na." sabi ni Josh.
Putek. Nagpapalambing lang naman ako sa baby ko, eh. Masama ba 'yun? Tsk. Kumain na lang ako.
"Oo nga pala, Kuya Tyler, Ate Alessa, anong plano niyo sa house niyo? Doon pa rin ba kayo titira?" tanong ni Jaelle.
Nagkatinginan kami ni Alessa, ano nga ba ang plano namin?
"Mukhang hindi muna.." sabi ni Alessa.
"Oo nga, Jae. Baka mahuli kasi sila ng Granny ni Tyler na magkasama. Baka mapahamak lalo sila." sabi ni Mandy.
"What if.." sabi ni Thomas.
"What?" tanong ko.
"What if, magsama-sama tayong barkada sa isang bahay? Hindi naman magd-doubt yung Granny ni Tyler if kami ang kasama niya." sabi ni Thomas.
Tama nga si Thomas, may point siya. 'Yun na lang din kasi ang paraan para hindi ako mahiwalay sa mag-ina ko.
"Or, pwede tayong mag-outing na lang!" sabi ni Alliah.
"Pwede rin, para mapalayo muna kayo kay Granny Lysa for the mean time." sabi ni Josh.
Tinignan namin siya.
"Oh? Bakit ganyan kayo makatingin?" tanong niya.
"Kelan ka pa natuto mag-english, bro?" tanong ni Clint.
"Anong pinagsasabi mo d'yan, Clint? I can speak english dati pa." sabi ni Josh.
Pumalakpak kami nila Thomas sa kan'ya.
"Totoo ang sinasabi ko! Tanong niyo pa kay Alliah babes." sabi ni Josh.
Tinignan namin si Alliah.
"He can't." sabi ni Alliah
"What you saying babes? I can talk english." sabi ni Josh.
Humagalpak kami ng tawa, wala na, hindi talaga siya magaling hahaha.
BINABASA MO ANG
TJATP 2: Secret Love [A JaDine Fan Fic] #Wattys2016
FanficMasaya na kami, eh. Kulang na lang ang pagpapakasal namin ni Tyler, but then, thanks to his Grandma. We're just secretly in love now. ~*~ ¤ All Rights Reserved ¤ Started: July 10, 2016 Finished: Story written by: Gorgeouzelle Copyrighted, 2016