Sharlene's POV
Today is Saturday at inip na inip na ako. Bakasyon namin ngayon at one week nalang magpapasukan na ulit. Pero dahil wala pang pasok ngayon nandito lang ako sa bahay at feeling ko inaamag na ko dito. Tss. Wala rin naman kasi akong kasama dito ngayon except sa kasambahay namin.
Si Daddy busy yun sa company namin. Lagi naman eh. Pero syempre may time naman siya para samin. Si Mommy naman ganon din. Parehas sila ni Daddy. Busy sa company. Pero nagbobonding pa rin kami kahit ganon. May kuya rin ako. Si kuya Jon. Wala rin siya ngayon. Baka nambabae yun o kaya nagbabasket ball. Ay bahala nga muna sila.
Bastaaa! Di ko na talaga kaya ang pagkainip kaya tatawagan ko nalang si Mika, bestfriend ko.
Calling Mika..
Shar: Hoy Best!
Mika: Wow ang sweet naman ng bestfriend ko. Di man lang mag hello at kung maka hoy ka wagas ha.
Shar: Hahahahaha. Sorry naman
Mika: Bakit ka nga pala napatawag B1?
Shar: Naiinip kasi ako dito. Tara. Mall tayo.
Mika: Wag muna B1. Nakakatamad. Tsaka ano naman gagawin natin dun?
Shar: Wala. Tatambay? Magshoshopping? Kakain?
Mika: Hay nako. Basta. Di ko pa rin feel mag-mall ngayon.
Shar: B2 naman iih. Tara na kasi. Libre kita.
Mika: Anong tingin mo sakin poor? A-Y-A-W
Shar: Ang sungiiiiiit! Okay. Ganito nalang, mag boy hunting nalang tayo sa mall. Maraming cute dun B2.
Eto na sure na kong papayag na si B2.
Mika: Talaga B1?! O sige sige. Mag-ayos ka na. Nanjan na ko in 10 mins.
*toooooooooooot*
O diba sabi na papayag yan. At binagsakan pa ko ng phone. Pag lalake talaga usapan ang bilis nyan.
Andito na kami ngayon sa labas ng mall sa park. Sinama ni B2 yung dalawang pinsan nya na sila Miles at Sophia.
Mika: OMG! Cute guy alert. Cute guy alert. Sigaw ni Mika
Miles: Grabe ang antena mo Mika. Itigil mo na nga yan. Para ka nang ewan jan.
Sophia: Oo nga! Maglaro nalang tayo ng Truth or Dare. Suggest naman ni Sophia
Shar: Truth or Dare talaga? Nandito tayo sa mall oh!
Mika: Wag ka nga B1. Exciting yan. Game na daliiii.
Wala na akong nagawa kaya ayun naglaro na nga lang kami. Unang tumapat kay Miles.
Sophia: Truth or Dare?
Miles: Dare. Matapang niyang sagot.
Sophia: Hmm.. Pumunta ka dun sa gitna. Tapos sumayaw ka.
Nagsayaw nga si Miles. Grabe. Kinaya niya yun. Hanep ang confidence nito ah.
Pangalawang ikot tumapat naman kay Mika.
Mika: Wag na magtanong Dare na ko.
Shar: Excited lang B2? Haha. Ganto, punta ka sa loob at ibili mo kami ng food. Libre mo na rin.
Wala namang nagawa si B2 kaya sumunod naman. Pagbalik niya naglaro ulit kami at natapat kay Sophia.
Sophia: Truth ako.
Miles: Truth? Inlove ka ba sa bestfriend mo?
Sophia: O-oo. Pag amin naman ni Sophia tapos nagsalita na siya ulit. at dahil ikaw nalang ang di pa natatapatan Shar, truth or dare?
Shar: Dare?
Sophia: Hmm.. Ano ba magandang Dare sayo?
Isip lang sila ng isip ng ipapagawa sakin. Please. Sana wala silang maisip. Sana wala.
Mika: Wait! Alam ko na. sabay ngiti ng nakakaloko
oh no! Bakit si B2 pa ang nakaisip ng ipapa-dare. Di ko ata gusto iniisip nito.
Shar: Ano? kinakabahan kong sagot
Mika: Nakikita mo yung group ng guys dun? *Turo sa mga boys malapit sa fountain* Lapitan mo...
Shar: Sus. Yun lang pala eh. Kinabahan pa ko sayo. Game na. lalapit na sana ako pero pinigilan ako ni B2 at may binulong sakin
Processing...
Shar: I SHOULD WHAAAAT? nagulat kong sabi
Mika: OA lang ang peg B1? sabay tawa
Shar: Helloooo?? Sinong tao na nasa matinong kaisipan ang gagawa nun?
Miles: Haha. Umayos ka nga Shar. Di naman ganon kahirap ang dare mo. And besides, sumunod at sumagot kaming tatlo sa dare at tanong. Its your time naman.
Oo nga no? Parang unfair kung ako lang yung hindi susunod. Tss.
Shar: Okay. Okay. Gagawin ko na. Arrrrrgh.
Tumayo na ko at naglakad papalapit sa nakapaikot ng grupo ng mga lalake. Eto na. This is it.
Kinalabit ko yung nakatalikod na lalake. Pag harap niya...
O_____________________________O
(A-N)
Ano kaya yung dare ni Mika kay Shar at bakit kaya nanlaki ang mga mata ni Shar nung kinalabit nya yung lalake? Hmm...
ABANGAN :)
Vote.Comment.Be A Fan :)
BINABASA MO ANG
She's The One (JaiLene Fanfic)
FanfictionSi Sharlene? Maganda. Mabait. Matalino. Talented. Sikat. Mayaman Manhid. Si Jairus? Gwapo. Suplado. Tahimik. Sikat. Mayaman. Torpe. Paano gagalaw ang lovestory nila kung si torpe di maamin ang nararamdaman kay manhid? At si manhid naman, di maramdam...