Chapter 18

989 34 2
                                    

Sharlene' POV

Ano ba tong napasok ko? Parang gusto ko magback out na. Nandito kasi kami ngayon kila Mika at nag-aaral. Nakaikot kami sa sala at pareparehong may hawak na libro.

Natingin ako kay Jairus at nakita kong iniintindi nga nya yung binabasa nya. Nakapalumbaba pa habang nagbabasa. Nako po. Ihahanda ko na ang sarili ko sa singing contest na yan. Pero matalino nga kaya si Jairus at sadyang tamad lang?

After ilang oras, natapos na rin kaming mag-aral.

Nash: Nice. Malinaw na sakin ang lesson natin. Salamat sainyo.

Shar: Mukhang ready na tayo bukas. Pero ngayon mukhang dapat na muna tayong umuwi. Gabi na.

Pumayag naman sila at naglalakad na kami papalabas kila Mika.

Alexa: Thanks Mika. Una na kami ha? Byeee sainyo!

Mika: Kayong dalawa, asan na sundo nyo?

Jairus: Magcocommute muna ako ngayon. Pinauwi ko na kasi si manong.

Mika: E ikaw B1?

Shar: Commute. Naflatan si manong. Wala naman si Kuya Jon. Out of town naman sila Daddy.

Mika: Sure ka B1? Pahatid ko nalang kayo sa driver namin.

Shar: Wag na B2. Maiistorbo pa sila. Kaya ko na to.

Mika: Pero delikado na. Gabi na tapos babae ka pa.

Jairus: Ihahatid ko nalang siya.

Shar: Pero gabi na. Lalo kang malelate pauwi nyan.

Jairus: Okay lang. Tara na. Mauna na kami Mika. Thanks and bye.

Nagbeso lang ako kay B2 at umalis na.

Sumakay na kami ng jeep ni Jairus. Walang nagsasalita. Tahimik lang. Pero di naman awkward. Napagod lang siguro kami parehas magreview kaya tahimik.

Nakapikit ako nun sa jeep. Hindi naman natutulog. Pinahinga ko lang mata ko. Pero biglang nagpreno ng malakas yung jeep. Sa sobrang lakas akala mo mahuhulog na ko sa kinauupuan ko. Pero instead na maramdaman ang sahig ng jeep, iba ang naramdaman ko. May mga kamay na nakapulupot sakin.

Dinilat ko ang mata ko at nakita ko sa Jairus. Nakatingin lang siya sakin ang mga kamay niya nakapulupot pa rin. Walang gumagalaw. Nagkatinginan lang kami. Yung mata nya, parang.... ay ewan. Nang medyo bumalik na ko sa pag-iisip ko gumalaw na ko at umayos ng upo. Medyo nagising na rin ata sya.

Jairus: Sorry. Baka kasi malaglag ka kaya sinapo na kita

Shar: Okay lang.

At tahimik nanaman.

Nakarating na kami ng bahay. Oo bumaba pa sya at siniguradong ihahatid ako sa bahay mismo. Nasa may gate na kami. Lumingon ako sakanya.

Shar: Salamat Jairus. Gusto mo ba pumasok muna?

Jairus: Di na. Gabi na rin naman. Hinatid lang kita.

Shar: O sige. Text mo nalang ako pag nakauwi ka na. Mag-iingat ka ha? Bye.

Tumalikod na ko at lalakad na sana papasok. Kasi naman di ko pa rin makalimutan yung sa jeep. Parang nahihiya tuloy ako.

Jairus: Sharlene. sabi nya nung nakatalikod na ko. Nung sinabi nya pangalan ko biglang bumilis tibok ng puso ko.

Shar: Hmm?

Jairus: Sweetdreams

Pumasok na ko ng bahay. Medyo wala ata ako sa sarili ngayon. Nagshower lang ako at humiga na nga sa kama. Di ko na sinabi sa kanilang andito ako baka tulog na sila manang ee.

Nakahiga lang ako at nakatingin sa kisame.

Jon: Ilang butiki na nabilang mo?

Shar: Ay butiki ka!! Ano ba yan kuyaaa!! Di ka marunong kumatok!

Jon: Kanina pa kaya ako kumakatok. Lalim kasi ng iniisip mo di mo tuloy narinig.

Shar: ...

Jon: Teka nga Shar. Kaya nga pala ako pumunta dito para humiram ng gunting. Pahiram naman.

Shar: Kunin mo sa jeep.

Jon: Huh? Jeep?

Ay ano ba yan. Puro kasi yung nangyari sa jeep iniisip ko. Ayan tuloy.

Shar: Ha? Ano yun? Ano sabi mo?

Jon: Ayos ka lang ba Shar? Wala ka ata sa sarili mo.

Shar: Okay lang ako kuya. Ano ka ba?

Jon: Sinong niloko mo? Hindi ka ayos ee. Ano na problema?

Shar: ....

Jon: May nakaaway ka?

Shar: Mabait ako.

Jon: May pinagkakautangan kang malaki at hinahunting ka nila ngayon?

Shar: Srsly kuya?

Jon: Joke. Hmm. Bumagsak ka sa exam?

Shar: Nagrereview ako.

Jon: Ah alam ko na. Lalaki. Pero joke lang. Haha. Kelan ka ba namroblema sa lalake? Never pa naman.

Shar: .....

Napatingin sakin si Kuya at nanlaki mata nya.

Jon: Lalake nga?!

Di pa rin ako umiimik.

Jon: Ano ba kasi Shar ang nangyare?

Shar: Wala lang kuya. OA ka lang kasi. Haha.

Jon: May nagugustuhan ka na ba?

Nagugustuhan? Meron ba?

Shar: Sus malay ko ba sa ganyang bagay. Paano ba yun nalalaman?

Jon: Ikaw lang makakaalam nun. Pero minsan kung sadyang tatanga tanga ka. Mas mauuna pa ang iba makaalam sayo. Makikita nila dahil sa kilos mo.

Shar: .......

Jon: Pero sa case mo, mukang dun ka sa pangalawa. Yung tatanga tanga.

Shar: Ha? Bakit naman?

Jon: Kasi nagkakaganyan ka at nararamdaman kong may nagugustuhan ka na.

Meron na ba talaga? Gusto ko na ba talaga sya?

Jon: Hay nako little sister. Iiwanan nga muna kita at mag-isip ka muna mag-isa. At para sa kaalaman mo, yung lalakeng iniisip mo ngayon, gusto ko siya para sayo.

Huh? Gusto nya ang taong iniisip ko? Kilala nya kung sino. Kaylan pa siya naging mind reader?

Pero... gusto ko sya? Kanina kasi nung nagkatinginan kami grabe ang nararamdaman ko. Bumilis tibok ng puso ko. Nung mga nakaraang araw gusto ko siyang nakikita at nakakausap kahit text man lang. Pag nakikita ko sya ewan ko ba pero kahit badtrip ako bigla akong magiging masaya. Nagawa kong pumayag na kumanta sa harap ng maraming tao para lang mag-aral siya.

Oh my god. Oo nga. Gusto ko siya.

Gusto ko na nga si Jairus Aquino

Next Chapter: Jealous :)

She's The One (JaiLene Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon