Chapter 17

1K 24 1
                                    

Sharlene' POV

Nagkaklase kami ngayon. Todo pakikinig ako today. Ang hirap kasi ng tinuturo. Trigo na to kaya dapat lang makinig. Nilingon ko friends ko, todo din sa pakikinig yung tatlo. Walang umiimik. Nilingon ko naman yung kabilang side ko, o teka. Tulog katabi ko? Wow ha. Wagi. Ang lakas ng loob tulugan ang Trigo. Kung itatanong nyo kung sino ang natutulog, well si Jairus lang naman po. Kaloka!

Teacher: Okay class, that's all for today. Maghanda kayo bukas para sa long quiz.

Tumayo si Nash at nag-unat.

Nash: Waaa. Grabe. Natuyot ata utak ko dun.

Alexa: Mukang madugo ang quiz bukas

Nag-agree naman kami. Nagising na rin katabi ko.

Jairus: May quiz

Sharlene: Opo kaya. Tulog ka kasi ng tulog jan. Paano ka ba pumasok sa first section e ang tamad tamad mo?

Jairus: Hindi ko rin alam. Baka nakatsamba ako sa entrance exam.

Napabuntong hininga nalang kami.

Alexa: Guys, mag group study tayo mamaya para maintindihan lalo tong Trigo.

Nash: Nice idea baby. Mika, sa inyo nalang tayo. Okay lang?

Mika: Yeah sure. Dun nalang tayo samin. Text ko na rin si manang para makapagprepare ng food natin.

Nash: Okay. Good for 4 lang kamo ihanda.

Shar: Bakit apat lang? Sino hindi sasama?

Alexa: Si Jairus. Never pa naman sumama yan sa group study. Mababaliw na kami kapipilit pero ayaw talaga.

Tumingin ako kay Jairus at nginitian lang nya ako. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

Shar: Di ka sasama?

Jairus: Di na. Nakakatamad. Group study? Psh. sapatusin ko to ee

Shar: Wow ha? Ang tamad mo. Bakit ka pumapasa e di ka naman nag-aaral?

Jairus: Nakakatamad kasi mag-aral. Nash, dating gawi. Pakopya ha.

Umiling muna si Nash at napangiti. Pero pumayag din sya. Nag-sigh naman yung dalawang babae.

Tumayo ako at tumapat kay Jairus. Nakapamewang na ko nun.

Shar: Hoy lalake!! Anong kopya kopya?! Ang tamad tamad mo. Sumama ka samin mamaya. Mag-aaral ka. Di ka mangongopya!

Jairus: Pero Sharle--

Shar: Hephep. Wag ka na pumalag!! Sasama ka samin. Magpakasipag ka kahit ngayon lang.

Magsasalita pa sana ulit sya pero pinigilan ko nanaman.

Shar: Oras na di ka sumama samin mag-aral mamaya, lagot ka talaga sakin!!

Jairus: *sigh* Oo na po. Sasama na ko mag-aral mamaya.

Nakatingin lang samin yung tatlo na parang gulat sa ginawa ko at sa pagpayag ni Jairus. Di na rin naman sila nagsalita after nun.

Umupo ulit ako.

Shar: Oy Jairus! Isa pa nga pala kapag bumagsak ka, sasali ka sa singing contest dito sa school. Halata sa mukha nyang gulat sya.

May singing contest kasi sa school namin 4 weeks from now. Panakot ko yun sakanya. Ayaw kasi nyang kumanta sa harap ng maraming tao. Maganda naman boses nya. Ewan ko ba jan kung bakit nahihiya.

Jairus: Ang daya naman. Trigo kaya yan. Ang daming bumabagsak. Kahit yung mga ibang nakikinig di pumapasa. Tapos akong natutulog lang inaasahan mong pumasa jan?

Shar: Kahit na. Di ko kasalanan na tinutulugan mo yang subject na yan.

Jairus: Ugh. Ayoko.

Shar: Ang duwag mo naman Jairus. Takot ka ba matalo sa deal?

Jairus: Ako, takot? Haha. Hindi ha. O sige. Payag ako.

Shar: Good.

Jairus: Pero ano gagawin pag pumasa ako?

Shar: Hmm?

Jairus: Ganito. Pag pumasa ako ikaw ang sasali sa singing contest.

Ako sasali? Never pa ko sumali sa ganyan. Si Mika at ang pamilya ko pa nga lang nakakarinig na kumanta ko tapos isasali nyo ko jan? Baka mapagtawanan lang ako pag kumanta ko sa harap ng maraming tao.

Pero kung papayag ako, nafifeel kong seseryosohin ni Jairus ang pag-aaral at kaya nyang maipasa ang Trigo.

Nararamdaman ko ng matatalo ako. Haaay. Pero alang-alang sa pagpasa ni Jairus..

Shar: Deal. Kakanta ako pag pumasa ka.

(A.N)

Hi! Bakasyon naaa :D yan na mag start na ulit ako mag UD sorry kung natagalan :)

Enjoy! :)

Next Chapter: Jeepney :)

She's The One (JaiLene Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon