Sharlene's POV
Shar: Jairus?
Jairus: Bakit?
Shar: Libre mo ulit akong ice cream. Peace offering ulit. Please? nagpuppy eyes at pout ako. Pangpacute lang baka sakaling madaan to dun ee
Jairus: Sure. Pero sa isang kondisyon Yay! Pumayag. Yes!
Shar: O sige sige. Ano?
Jairus: Pakurot sa pisngi.
O__________________O
Oo na. Ako na nanlaki mata. Natatakot kasi akong pakurot dito. Baka umuwi na akong namamaga pisngi.
Jairus: Oy. Oy. Makareact to. Hindi ko naman lalakasan na e. Sige na? Isa lang? nangungulit nanaman to.
Alexa: Shar, pagbigyan mo na nga yang si Jairus. Naglalambing lang yan. Haha.
Naglalambing? Marunong pala sya non?
Shar: O sige. Isa lang ha? Pag masakit yan galit ulit tayo.
Jairus: Opo. Promise.
Shar: Honesto?
Jairus: Oo na nga! Haha.
Tinagilid ko na ang pisngi ko para makurot nya. Please lang po wag sana masakit. T____T
Nakurot na nya ako at awa ng Diyos hindi na nga masakit.
Mika: Kayong dalawa jan. Tumigil na nga kayo. Kinikilig ako e.
Shar: Whatever B2!
Nagkwentuhan lang kami nun ng biglang may tumawag kay Jairus.
Crismille: Jairus may naghahanap sayo. Andun sa may pinto. classmate namin yan.
Napatingin kami sa may pinto. May magandang babaeng nakatayo dun. Parang nakita ko na to somewhere. San nga ba yun?
Ah! alam ko na. Don sa resto na kinainan namin dati ni kuya. Yung kasama ni Jairus dun (Chapter 4)
Girlfriend nga kaya nya to? Mahilig pala tong si Jairus sa mas matanda sakanya. Nakauniform ng pangcollege yung babae. Sa Malaya University din siya nagaaral.
Jairus: Wait lang guys ha. Punta lang ako dun. tapos umalis na siya.
Nash: Still pretty as ever.
Alexa: Ano?! May sinasabi ka ba NASH? Haha. Pinagdiinan pa niya yung name ni Nash.
Nash: Eto namang si Babe. Joke lang kaya yun. Sabi ko ang ganda mo.
Alexa: Hoy lalake!! Wala kang sinabing ganon. E kung ingudngod ko kaya yang pagmumuka mo sa desk! May pagka-amazona din pala to.
Nash: Babe naman. Sorry na. Wag ka na magselos. Ikaw lang naman talaga maganda para sakin ee. Promise!
Alexa: Che! Narinig kita. Pinapantasya mo nanaman yan no?
Nash: Hindi nga. Nagagandahan lang ako sakanya. Pero para sakin mas maganda ka pa rin.
Mika: Yun yon e. Under si Nash! Wahahahahahaha
Nagtawanan lang kami ni Mika dun tapos napalingon ako sa may side ng door. Nakita ko si Jairus kausap pa rin yung babae. Tapos bigla silang nag-hug.
Ano ba yan? PDA much. Hug hug pa e nasa may corridor sila. Pwede namang sa ibang lugar nalang mag-hug. Maka-inis pa.
Sharlene dont spoil the mood. Tsaka may libreng ice-cream ka mamaya. Libre yun kaya Umayos ka Shar. GV ka lang.
BINABASA MO ANG
She's The One (JaiLene Fanfic)
Fiksi PenggemarSi Sharlene? Maganda. Mabait. Matalino. Talented. Sikat. Mayaman Manhid. Si Jairus? Gwapo. Suplado. Tahimik. Sikat. Mayaman. Torpe. Paano gagalaw ang lovestory nila kung si torpe di maamin ang nararamdaman kay manhid? At si manhid naman, di maramdam...