-Asha-
"Ikaw na bata ka. Ikaw pa ang nagsabi sa akin na uulan kahapon tapos ikaw ang umuwing walang payong at basang basa sa ulan?" sermon sa akin ni Teacher Kilian.
"Nakalimutan ko po." sabi ko tsaka pinunasan yung sipon ko. Geezz... Ang bigat ng ulo ko.
"Sige na at kumain ka na. Sigurado ka bang sipon lang yan? Wag ka na kaya muna pumasok?" sabi ni Teacher Kilian kaya nailing ako.
"Wala lang po ito Teacher Kilian. Tsaka yung sa kaklase ko po, si Robin. Gusto ko lang pong malaman kung sinunod niya ako." sabi ko tsaka tumayo na. Late na ako eh, baka sa klase na ako ni Mrs. Right umabot at paniguradong mapapagalitan ako kapag nalate pa ako sa klase niya.
"Asha..." tawag sa akin ni Teacher Kilian na nag-aalala kaya napangiti ako. Alam ko namang ayaw lang niyang umasa ako na nakinig sa akin si Robin.
"Ok lang po ako Teacher Kilian. Hahaha! Ako pa ba? Sige po. Bye bye!" sabi ko tsaka mabilisan siyang kiniss sa pisngi. Lumabas na ako ng bahay tsaka naglakad na lang, ang bigat ng pakiramdam ko eh. Hindi yata ako makakatakbo. Hahaha... nakakainis.
"Sushi." sabi ko nang sumabay sa akin si Sushi, yung ibon. Nakakatawa dahil sinasabayan niya ako.
"Hindi niya ako sinunod, di ba?" tanong ko kay Sushi kahit alam kong hindi naman siya sasagot. Tahimik lang akong naglakad hangang sa makarating na ako ng University. Ramdam ko yung sama ng tinggin nila sa aking lahat pagpasok ko ng klase.
"Sorry po sobrang late na po ako, Mrs. Right!" sabi ko tsaka yumuko. Tumango naman si Mrs. Right tsaka tinuro yung upuan ko. Hindi pa ako nakakalapit sa upuan ko nang hatakin ni Jasmin yung buhok ko.
"Halimaw ka! Sinumpa mo si Robin kaya siya naaksidente! Ikaw ang pumatay sa kanya." sabi niya tsaka ako hinatak gamit yung buhok ko. Napangiwi ako sa sakit.
"Hindi ko siya sinumpa. Binalaan ko lang siya." sabi ko tsaka pilit hinihiwalay yung kamay niya sa buhok ko. Lalong sumasakit yung ulo ko.
"Halimaw ka! Halimaw!" sigaw niya tsaka ako tinulak-tulak. Bumanga naman ako sa upuan ni Frances na tumayo at lumayo sa akin.
"Dati kung anu-ano lang ang sinasabi mo! Yung uulan, may madadapa, hindi papasok dahil sa magkakasakit at kung anu-ano pa! Ngayon sinumpa mong mamatay si Robin! Hindi ba ganun din ang ginawa mo sa mga magulang mo? Halimaw ka!" sigaw niya kaya napatakip ako ng tenga. Ang tinis ng boses niya. Dahandahan naman akong tumayo tsaka siya hinarap.
"Binalaan ko siya, hindi siya nakinig. Bakit ba ayaw niyong makinig?" tanong ko. Umiiyak siya sa harap ko samantalang ako ay nakatingin sa kanila.
"Bakit kami makikinig sayo! Mangkukulam ka. Halimaw!" sigaw niya tsaka binato sa akin yung mga gamit niya.
"Tama na Jasmin!" sigaw ni Mrs. Right.
"Halimaw!" sigaw na din ng iba kong kaklase tsaka nakibato. Tinakpan ko naman ang ulo ko ng mga kamay ko.
"Husmiyo! Guard!" sigaw ni Mrs. Right tsaka tumakbo palabas para humingi ng tulong dahil hindi na niya mapigilan ang ng kaklase ko. Galit na galit sila.
Wala akong masabi.
Dapat di ba umiiyak na ako sa lagay na to? Puro na ko sugat. Masasakit na ang sinasabi nila pero kagaya ng dati, hindi ko pa rin magawang umiyak.
"Halimaw!"
"Ikaw ang pumatay kay Robin!"
"Mamamatay tao!"
Ang ingay nila. Masakit na sa tenga. Sumpa nga siguro ang kakayahan ko.
"I said enough!"
Nanahimik sila. Wala na ring tumatama sa akin. Dahandahan ko namang inangat yung paningin ko.
Yung lalake sa park...
-Justice-
"I said enough!" sigaw ko tsaka sila nanahimik na lahat. Pinatabi ko pa sila tsaka ko nakita yung babae kahapon.
"F*ck..." bulong ni Quinlan tsaka lalapitan sana yung babae.
"Quinlan, gather all this students and bring them to my father's office." sabi ko tsaka lumuhod at tinignan yung babae. Ang dami na niyang sugat.
"Kaya mong tumayo?" tanong ko kahit alam ko namang hindi. Akala ko iiling siya pero tumango siya at tumayo, nanginginig pa yung mga paa niya.
"Sa-sala..."
She collapsed.
Kinarga ko naman na siya, do I have a choice?
"Mrs. Right, sumunod ka na lang sa office ni Dad." sabi ko tsaka siya tumango. Buti na lang at nasalubong niya kami kanina. So, my father let me transfer here to see how stupid his students are?
"Quinlan, tell me the whole story later." sabi ko tsaka siya nilagpasan. Dadalhin ko muna sa clinic to.
"Gosh." sabi lang nung nurse tsaka inayos agad yung higaan. Kumuha siya ng mga gamit tsaka nilinisan yung sugat nung babae.
"May lagnat pa siya." sabi nung nurse. Nakaupo lang ako at pinapanuod sila.
Kakahanap niya siguro sa kwintas niya kahit na umuulan kahapon kaya siya nagkalagnat. Tsk..."Siya din yung nanghingi ng yelo kahapon dahil namumula yung pisngi niya na nasampal daw kasi may lamok." sabi nung nurse tsaka pinalitan yung tubig sa palangana. So, nabubully siya dito? My Dad really can't handle his students eh?
"Ah by the way, ikaw yung anak ni Sir Austine hindi ba?" tanong nung nurse kaya tumango na lang ako.
"Ako nga po pala si Nurse Lucy." pakilala niya kaya tumango na lang ulit ako. I don't have time to talk with someone.
"Justice." tinignan ko naman si Quinlan kaya siya nanahimik.
"Excuse me lang. Iwan ko na muna kayo." sabi nung nurse kaya tumango ako at tinignan si Quinlan na pumasok.
"I don't think na magugustuhan mo ang napanood ko sa Video na to." sabi niya tsaka pinakita yung cellphone niya.
The actual scene earlier.
"One of their classmate died yesterday, pagkatapos niyang sabihan na masasagasaan siya ng truck. Ang sabi, her words are curse, nagkakatotoo yung sinasabi niya kaya siya yung sinisisi." sabi ni Quinlan. Binalik ko naman sa kanya yung cellphone niya tsaka ko siya tinignan.
"What's my father's opinion with this?" tanong ko.
"Honestly, hindi ko alam. Pinalabas ako ng Dad mo bago pa niya sabihin yung punishment." sagot naman ni Quinlan.
"Ok. You can go home." sabi ko na lang tsaka sumandal sa upuan.
"Huh? Teka... pano ka?" tanong niya.
"Do what I say. Go home. I'll wait for her to wake up." sabi ko tsaka naman siya napalunok.
"Fine. Iiwan ko yung sasakyan." sabi niya tsaka inilapag yung susi sa harap ko.
"Una na ko." sabi niya kaya tumango na lang ako at kinuha yung susi.
Tinignan ko naman yung babae.
Yun pala ang dahilan kaya niya hinahabol yung lalake kahapon.
"Asha! Naku Asha." I look at the woman who just enter this clinic.
"Teacher Kilian." sabi nung nurse sa babae.
"Lucy, kamusta si Asha?" tanong nung babae.
"Asha? Ah siya pala yung ampon mo? Ok naman na. Nagamot ko na yung mga sugat niya pero may lagnat pa din siya." sabi naman nung nurse. Mukha namang nag-alala lalo yung babae tsaka hinaplos yung ulo ni Asha, well if that's her name. Pangalan nga niya pala talaga yung nasa kwintas.
"Una na muna ako Teacher Kilian, magliligpit lang ako." Paalam nung nurse tsaka ako tinignan.
"Nga pala, Teacher Kilian, si Sir Justice, yung tumulong sa kanya." sabi nung nurse tsaka ngumiti at umalis. Nilapitan naman ako nung babae.
"Salamat! Maraming salamat sa pagtulong mo kay Asha." sabi niya na umiiyak. Tumango na lang ako tsaka tumayo, siguro naman pwede na kong umalis.
"Salamat ulit." sabi nung babae bago ako makaalis ng tuluyan pero ang nakakapagtaka, naiwan ata sa babaeng yun ang isip ko. Ano bang meron sa kanya?
Edited.

BINABASA MO ANG
Defying Destiny
FantasyWeird things started to happen the moment I met her. Asha is known as one of the daughter's of faith. She is gifted with the power to see the future but then, for her the power is not a gift but a curse which drives everyone away until she met a you...