3

89 16 3
                                    

-Asha-

"Ok na ok na ok na ok na nga po ako." sabi ko kay Teacher Kilian, nasa tapat kami ng gate ng university. Isang linggo din akong absent. Madami dami akong hahabuling lesson.

"Asha, ayaw mo ba talagang lumipat ng school? I mean..." pinutol ko na yung sasabihin niya at kiniss siya sa pisngi.

"Malelate na ko. Bye bye Teacher Kilian. Ingat!" sabi ko tsaka nagflying kiss pa at tumakbo na papasok.

Isang linggo akong di nakapasok, nalibing na din si Robin. Ang sabi dinala daw siya dito, buti na din siguro at wala ako dito nun.Baka kalbo na ko paglabas ko ng university kung nagkataon.

"Asha." nilingon ko naman yung tumawag sa akin. Salbahe na kung salbahe pero napahawak talaga ako sa pisngi ko ng makita ko siya. Naalala ko yung pagsampal niya sa akin.

"Laura..." mahinang sabi ko tsaka napaatras. Hindi na kakayanin ng pisngi ko ang isa pang sampal galing sa kanya, baka makalas na ng tuluyan yung pisngi ko.

"Hahaha..." tawa niya kaya napakunot ang noo ko.

"Hindi kita sasampalin. I just want to say thank you." sabi niya tsaka hinawakan yung kamay ko.

"Ok na kami ng mama ko." sabi niya kaya napangiti ako.

"Apat na araw na kong nakatira sa kanya, natakot kasi ako sa nangyari kay Robin. I mean, nagkatotoo yung sinabi mo kaya natakot ako na baka mawala si Mama nang hindi kami nagkakaayos." sabi niya. At least, meron isa na nakinig.

"Hindi totoo na mawawala si Mrs. Right. Tinulak lang kita ng unti para mapilitan kang kausapin siya." pag-amin ko tsaka tumingin sa langit. Oha nakapuntos ako!

"Pano mo ba nalaman? Tsaka pano mo nalamang magnanay kami? " tanong niya, umupo naman ako tsaka bumuntong hininga. Late na naman ako sa first subject ko pag nagkataon.

"Wala lang. Basta?" patanong na sagot ko tsaka siya nginitian. Kailangan ko ng umalis.

"Papasok na ko. Salamat sa hindi pagsampal." pabirong sabi ko tsaka umalis.

...

Normal lang naman kanina sa klase, malamang wala na namang pumapansinn sa akin. Nasanay na din.

"Sushi." sabi ko ng lumapag sa tabi ko si Sushi. Naglapag agad ako ng durog na biscuit sa tapat niya. Buti pa tong ibon na to, sinasamahan akong kumain.

"Mabilisan lang Sushi ha? Maglilinis kasi ako ngayon sa library. Alam mo na, nalate kasi ako kanina sa first subject." sabi ko tsaka siya nginitian at kumain. Uwian na kaya maya maya na ko maglilinis pag-wala ng estudyante.

Kinuha ko naman yung cellphone ko tsaka tinext si Teacher Kilian para sabihing malelate ako ng uwi. Baka kasi mamaya, mag-alala na naman yun.

Nagbasa muna ko hangang sa maubos na yung mga estudyante. Niligpit ko muna yung gamit ko tsaka naglalakad papuntang library. Hindi naman ako takot mag-isa kasi sanay akong mag-isa kaya nagtataka ako kung bakit kinakabahan ako. Wala naman akong nakita sa hinaharap.

"Hayy... mabilisang linis lang to." sabi ko tsaka binuksan yung pinto ng library at naglinis.

Nagpupunas ako ng bookshelf ng may nagbukas ng pinto.

"Ah Sir William, malapit na po tong matapos." sabi ko dun sa Prof. ko sa first subject. Mas binilisan ko pa kasi kinakabahan ako sa kanya. Hindi ko nga lang din alam kung bakit.

"Sige lang." sabi niya tsaka sinara yung pinto. Napatulala naman ako ng may makita ako. Future ni Sir William.

Ba-bakit ngayon ko lang nakita ... Napalunok ako at napaatras na palayo sa kanya.

Ngumisi pa siya tsaka lumapit sa akin.

"Mukhang alam mo na? Nakita mo ba ang mangyayari sayo ngayon?" sabi niya.

"Si-sir..." Kinakabahan akong tumingin sa pinto.

"Wala kang matatakasan Asha. Kahit na sabihing halimaw ka, maganda ka naman. Pwede ng pagtsagaan." sabi niya tsaka lalong lumapit sa akin.

"Lu-lumayo ka." sabi ko nung wala na kong maatrasan. Lumapit naman siya at kinorner ako sa mga kamay niya.

"Mabango" bulong niya kaya kinilabutan ako.

"Nahuhulaan mo ba kung pano kita babaliwin sa sarap?" tanong niya. Umiling naman ako tsaka pinipilit siyang itulak.

"Lumayo ka!" sigaw ko pero parang wala siyang naririnig. Inaamoy niya yung buhok ko.

Natatakot ako.

"Alis! Lumayo ka!" tinutulak ko siya pero tumawa lang siya.

"Hahahaha... Matakot ka! Tama yan. Matakot ka para mas masaya!" sabi jiya tsaka sinimulang amuyin ang leeg ko.

"tulong..." mahinang bulong ko habang pumapalag sa pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko.

...

-Justice-

Ang matandang yun, sa akin na naman pinatapos ang mga dapat niyang pirmahan. Tsk!

Naglalakad na lang ako pababa ng building ng harangin ako ng maliit na ibon.

Anong ginagawa ng ibon na to dito?

lalagpasan ko na sana yung ibon ng may marinig ako...

"tulong..." sigurado akong walang tao sa floor na to kaya napatigil ako. Isang tao lang ang naalala ko tsaka ko tinignan yung ibon na nakatingin sa akin tsaka lumipad.  Hindi ko alam kung anong kalokohan ang pumasok sa isip ko pero sinundan ko yung ibon. Huminto yun sa may tapat ng library, walang ilaw.

"Kalokohan." bulong ko tsaka aalis na sana ng may marinig akong kalabog.

Napatingin pa ko sa may ibon tsaka binuksan yung pinto at ilaw.

"lumayo ka... pakiusap."

Nag-init agad yung ulo ko sa nakita ko at sinuntok si Sir William. Napatumba to tsaka ko hinatak si Asha, medyo punit na yung damit niya.

"Si-sir Justice!" sabi ni Sir William tsaka tumayo. Saglit lang siyang nataranta tsaka para na namang baliw sa laman ng mapadapo ang tingin niya kay Asha. Tinago ko agad sa likod ko si Asha.

"Gusto mo din ba si Asha? Pwede naman pagkatapos ko sa kanya o kaya kung gusto mo, sabay tayo?" sabi niya kaya lalong kumulo yung dugo ko. I'm not as stupid as he is.

"D*mn..." mura ko tsaka siya sinuntok. Gumanti pa ito kaya sinipa ko siya sa may tagiliran, nung napahiga siya, pinagsusuntok ko siya hangang sa mawalan na siya ng malay.

Kumuha pa ko ng mga taling pinangtatali sa mga lumang libro tsaka siya tinali.

"Are... are you ok?" tanong ko kay Asha. Nakatayo lang siya at nakatulala.

Hinawakan ko siya sa may pisngi, para naman siyang nagulat na lumayo sa akin.

"Asha..." tawag ko sa kanya tsaka niya ko tinignan sa mata.

"Hi-hindi pa din ako umiiyak. Pambihira..." sabi niya tsaka ngumiti.

Ano bang sinasabi niya?

"Bu-buti na lang dumating ka. " sabi niya tsaka pinunasa yung may leeg niya, mukhang hangang dyan pa lang si Sir William kanina. Hinubad ko naman yung coat ko at inabot sa kanya.

"What are you doing here?" tanong ko. Akala ko ok na siya pero hindi ata, kasi hindi siya sumasagot.

"Asha?" tanong ko tsaka niya ko tinignan. Napaatras pa ko ng yakapin niya ko.

"Hindi ko alam kung pano, pero nagpapasalamat ako na ikaw ang nakarinig sa akin." sabi niya
habang nakayakap sa akin. Wala pang limang sigundo ng maramdaman ko ang pagbigat niya.

"Asha..." pangigising ko pero mahimbing na ata siyang nakatulog. Saan ko ihahatid to?

Sh*t...

Aishi's Note:

3:5O a.m. Update!

Comment please :)

Defying DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon