10

35 1 1
                                    

-Asha-

Maaga akong nagising kaya ako na ang nagluto ng almusal. Five pa lang ng umaga kaya tulog pa sina Quinlan, ang alam ko kasi nine pa ang first class nila tapos ako ten pa ng umaga. Tatambay na lang siguro ako sa school mamaya habang nag-aantay ng oras. 

"May naamoy akong mabango." nilingon ko naman si Cristan na nasa tapat ng pinto ng kusina. Nginitian ko muna siya bago ko binati.

"Good Morning!" bati ko sa kanya. Dito din pala siya natutulog, ang sabi ni Quinlan tuwing weekends lang umuuwi si Cristan. Nahuli daw siya ng transfer kina Justice kasi hindi siya agad pinayagan sa school dahil may ilan siyang kulang na activity. Sabi kasi ni Quinlan mahina ang IQ ni Cristan hindi kagaya niya na henyo sa pangogopya.

"Good Morning din! Mukhang masarap to ah." sabi niya habang tinitignan yung sopas. Hindi ko nga alam kung kumakain ba sila ng ganyan.

"Ah eh, simpleng sopas lang iyan." sabi ko tsaka pinatay na yung apoy. Kumukuha ako ng basahan nang dumating si Quinlan.

"Hoi! Cristan anong ginagawa mo dito? Tampalasan ka! Layuan mo ang prinsesa namin." pasigaw niyang sabi.  Napangiti naman ako, ang aga-aga tapos ang lakas ng topak niya.

"Hoi ka din! Pagkain ang habol ko dito sa kusina hindi babae." sagot ni Cristan. Nilapitan siya agad ni Quilan tsaka pasakal na inakbayan palayo sa akin. Natatawa kong kinuha agad yung serving bowl na may sopas tsaka dahan dahang dinala sa dinning area. Iniiwas ko sa kanila yung dala ko dahil mainit pa to pero dahil malikot sila halos manlaki yung mata ko nang muntik na nilang masagi yung dala ko. Mabuti na lang at nahatak ni Justice si Quinlan at Cristan.

"Hey!" halos tumilapon nga yung dalawa sa paghatak niya. Nilapag ko agad yung sopas sa lamesa bago hinarap yung tatlo. Magulo pa yung buhok ni Justice, halatang bagong gising lang at malamang nagising siya dahil sa ingay nina Quinlan at Cristan.

"Muntik na!" sabi ni Cristan na nakahawak pa sa dibdib niya. Kinabahan siguro sila na baka maligo sila ng mainit na sopas.

"Crap! What are you two doing?" galit na sigaw ni Justice. Napalunok ako dahil sa gulat at takot. Nakakatakot kasi siya magalit.

"Master este Justice, buti dumating ka. Man, muntik na kaming tatlo doon!" sabi ni Quinlan na humiwalay na kay Cristan.

"Shoot! Muntik na nga. Magkakaroon ako ng peklat kung nagkataon. You're my savior, man!" sabi naman ni Cristan tsaka niyakap si Justice. Lumapit din si Quinlan at niyakap si Justice kaya lalong kumunot ang noo ni Justice.

"Move!" sabi ni Justice tsaka pwersahang pinalayo ang mga kaibigan. Tinignan naman niya ako kaya napakurap ako. Bakit?

"Be careful." sabi niya bago tumalikod at bumalik sa taas. Mag-aayos siguro saglit.

"Na gets ko na!" biglang sabi ni Quinlan na pinokpok pa sa kaliwang palad niya yung kanang kamao niya.

"Ano yun?" nagtatakang tanong ko naman dahil ang weird nila.

"Ow, gets ko na din." sagot naman nin Critan tsaka nakipag fist bump kay Quinlan. Ok, parang na-op ako bigla sa kanilang dalawa.

"Ano ba yun?" tanong ko ulit pero kinindatan lang nila akong dalawa bago nagpaaalam na mag-aayos muna.

"Secret lang princess. Akyat muna kami at maliligo." sabi ni Quinlan na naka-akbay na kay Cristan. Minsan naiisip ko na may bromance na na nagaganap sa kanilang tatlo.

"Oo nga. Babalik kami, ingat ka Asha baka mapaso ka. Naku, ewan ko na lang." sabi naman ni Cristan. Sabay silang umakyat na nagbibiruan pa din. Pumunta na muna ako sa kusina para ihanda ung mga mangkok at kutsa. Magtitimpla na din ako ng mga kape nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Defying DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon