U n a

581 24 11
                                    

Tao's POV

Pumikit ako at sinusubukang matulog. Pero kahit pagod ako sa byahe ay hindi ko parin magawang makatulog dahil sa unang pagkakataon ay muli akong nagbalik sa bansa kung saan iniwan ko ng dahil sa isang babae na dahilan din ng pagbabalik ko dito.

7 years ago ako ay nasa unang baitang ng secondary or 1st year high school nang una akong nainlove sa isang babaeng-- nakalimutan ko na ang pangalan ngunit ang mukha nya tandang tanda ko pa.

Isa lamang akong nerd na lalaki noon, wala akong kaibigan dahil wala namang gustong makipagkaibigan sakin maliban sa babaeng iyon. Sya ay sikat sa school dahil sa angkin nyang kagandahan at kabaitan na naging dahilan ng malalim na paghanga ko sakanya na dahil sa sobrang kabaitan nya sakin ay mas lalo panglumalim ang paghanggang iyon.

Naging magkaibigan kami, kaya lahat ng istudyante sa school ay hinahadlangan iyon. Mas lalong tumindi ang pangbubully sakin ng mga kalalakihan na may gusto sakanya pero lagi nya akong pinagtatanggol kaya mas lalo ko syang hinangaan-- mali, minahal ko sya.

Pinagbataan nya ang lahat na kung sino mang maggugulo at mangaaway sakin ay sya ang makakaharap kaya dahil doon ay naging maluwag na ang buhay ko.

Lumipas ang mga buwan at di ko na nga mapigilan ang puso ko kaya nagtapat na ko sakanya ngunit di ko inasahan ang ginawa nya..

Pinahiya nya ko sa buong school, pinagsalitaan nya ko ng masasakit na salita at pinamukha sakin na isa lamang akong nerd na hindi nababagay sa dyosang katulad nya. Buong studyante sa school ay pinagtatawanan ako ng mga oras ba yun.

Mas lalo pa kong nagulat ng batuhin nya ako ng crumped paper kaya pati ang iba kong kaiskwela at pinagbabato na rin ako.

"Ba't mo nagawa sakin to?!" Umiiyak kong tanong sakanya

"Dahil isa kang malaking salot sa buhay ko Tao. Alam mo bang pakitang tao lang ang lahat ng ginawa ko sayo pero hindi ko alam na magkakagusto ka sakin.. Sino ka sa tingin mo? Isa ka lang pipityuging lalaki Tao. Hindi ka bagay sakin, kalimutan mo na ko. Yuuuck!" Sabi nya sabay talikod sakin at kinuyog na ko ng mga lalaking dati pa ko gustong saktan.

Napaupo ako sa kama ko at sinabunutan ang sarili.

Nung araw ding iyon ay pumunta akong China upang doon manirahan. Kinalimutan ko silang lahat at naging madali naman iyon sakin.. Ngunit may iba sa parte ng pagkatao ko na gusto ang paghihiganti kaya nangako akong babalik ng pilipinas upang gantihan sya.. Ngunit paano ko gagawin yun kung tanging itsura nya nalang ang naaalala ko?

Napahinga ako ng malalim.. Kahit anong mangyari, maghihiganti ako sayo.. Gagawin ko yung mga bagay na ginawa mo sakin noon.

Humanda ka..

Oppa's Revenge FAILEDWhere stories live. Discover now