Tao's POV
"Wooh~ ang galing. Diba kayo yung may-ari ng M.U Tao?" Naupo ako sa sofa ganun din naman sila
"Yea." Walang gana kong sabi
"Sakto! Dun na lang tayo mag--" pinutol ko ang sasabihin ni Luhan hyung
"Ayoko. Ayokong magaral sa school na yun." Nakabusangot kong sabi. Ba't kasi sa dami ng school dun pa sya nagaral?!
"Sige. Sa Lucky One University nalang." Pagssuggest ni Suho Hyung sa school na pagmamayari nila.
"Ayoko." Sabay sabay naming sabi
"So, Ayaw nyo sa school namin edi sa school tayo ni Tao mageenroll. That is the final decision, walang kkontra!" Matapang nasabi ni Suho hyung sabay lakad papunta sa taas, panigurado ay matutulog na sya. Kaya nagakyatan narin kaming lahat upang matulog.
Naupo ako sa kama ko at napahinga ng malalim ng may kumatok sa pintuan ko.
"Tao?" Boses mula sa labas nito. Alam kong si Lay Hyung iyon
"Pasok." Pumasok sya at tumabi sakin
"Yung kanina.. Yung babae kanina.. Sya ba? Sya ba yung dahilan kung bakit tayo pumunta dito?" Napaiwas ako ng tingin sakanya at dahan dahang tumango
"Blade ba talaga pangalan nya?" Tanong nya ulit
"Di ko alam.. Basta ang alam ko sya yun--"
"Paano ka nakakasiguradong sya yun?"
"Kasi.. Magkamukha sila, kahit yung ibang kilos nila magkaiba at yung mag mata nila iba, alam kong sya yun.. Kasi hanggang ngayon nakatatak parin sakin yung itsura ng babaeng una kong minahal." Napakuyom ako ng kamao ko
"Pero.. Pero bakit di ka nya maalala?!" Dahil sa tanong na iyon ni Lay Hyung ay agad akong napatingin sakanya at napakunot ang noo
"Yan din yung kanina ko pa iniisip." Humiga ako sa kama ko, samantalang si Lay Hyung ay tumayo na at tumungo na sa pintuan.
"Pagisipan mong mabuti kung gagawin mo pa yung binabalak mo." Nangongunsesyan nyang sabi bagi tuluyang lumabas sa kwarto ko
Napahinga ako ng malalim at napangiti. Makakaganti narin ako sa wakas.
Blade's POV
Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang nagtype.
To Tao
Hi.. Hmm, Thankyou pala ulit. :)
Goodnight. :D See you tomorrow. :)Sinend ko iyon sa kanya at inilapag ito sa side table ko..
Limang minuto na ang nakakalipas ngunit wala parin akong natanggap na reply mula sakanya. Kanina kasi nagkapalitan kami ng number para may contact kami sa isa't isa kasi sasamahan ko sila sa pagpunta nila sa school bukas.
Nagmadali akong damputin ang cellphone ko ng marinig ko itong tumunog.
From Tao
You're welcome. See you when I see you. Goodnight Blade.
Di ko alam pero pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko at---
"KYAAAAH!!! NAGREPLY SYA!!! OMO!!!" gumulong gulong ako sa kama ko
Ito ata ang unang beses na kinilig ako. Muling nagflash back sakin yung pagliligtas nya sakin kanina, yung mga mata nyang galit na galit sa mga kulugong lalaking yun, yung pagbugbog nya sa mga ito ng walang kahirap hirap, yung pagbabanta nya na parang isang knight in shining armor ko.
"Haaaay~" napapikit ako at napangiti. Bata palang ako ay halos gabe gabe na kong nananaginip tungkol sa isang lalaking niligtas ako. Dahil isa nga iyong panaginip ay malabo ang itsura nya pero ngayon mukhang kilala ko na sya.
"Sana.. Maging Knight in shining armor ko din sya sa school."
Kinabukasan..
10 minutes na ako nakatayo dito sa harap ng 7/11 pero hanggang ngayon wala parin sila. Tumingin ako sa orasan ko, 7:12 na.. Ilang minuto nalang ay magsstart na ang first class ko.
Inayos ko ang salamin ko at huminga ng malalim.
"BLADEEEE!!!" Napalingon ako sa grupo ng kalalakihan na naglalakad palapit sakin, agad akong napangiti ng matanaw ko si Tao na merong blangkong expresyon sakanyang mukha at mukhang antok na antok pa.
"So.. Tara na?" Pagaaya ko ng makarating sila sa harap ko
"Anong sasakanya natin papunta dun?" Tanong na lalaking.. Wait kilala ko to.. Su--suho?
"Ah. Magjjeep tayo." Masaya kong sabi at nauna ng naglakad sakanila
"Anong?! Anong jeep?" Sabay sabay nilang sabi
Napalingon ako sakanila, yung mga mukha nila curious na curious at parang natatakot.
"Wag kayong magalala.. Safe dun." Napasmirk ako.. Mukha magiging masaya to.
Kasalukuyan kaming naghahantay na jeep sa sakayan.
"Pwede pabang magtaxi nalang tayo?" Pagtatanong ni.. Ahm.. Eh.. Sehun?
"Nope. Jeep dapat." Napakunot naman ang noo nilang lahat.
"Or bus nalang.." Dugtong ko pa na lalong nagpakunot ng noo nila
"Anong bus?" Tanong ni... Chen?
"Ayun oh!" Tinuro ko ang isang bus na sobrang bilis at pagewang gewang pa.. Hahaha! Masaya talaga to
Nilingon ko silang lahat.. Naglakihan ang mga mata nila at namutla.
"BYAHENG LANGIT ATA YAN EH!!!" Pagmamaktol nilang lahat dahilan para matawa ako.
YOU ARE READING
Oppa's Revenge FAILED
FanfictionEXO SERIES #11 [Huang Zi Tao FF] "He broke my fragile heart just to make a revenge but he failed." STATUS: C O M P L E T E D