P a n g w a l o

317 21 0
                                    

BLADE'S POV

Nagising ako dahil sa mga boses na sumisigaw mula sa labas ng bahay namin

"BLADE!!! GISING!!! PAKAIN KAMI NG ALMUSAL!!!" Dali dali akong tumayo at sumilip sa bintana ko. Nakita ko sila Tao sa labas ng gate mga nakauniform na sila.

Nang makita nila ako sa bintana ay ngumiti sila ng malalapad at kinawayan ako

"Noona, sorry kung nagising ka namin pero gutom na kami eh. Nagdala kami dito ng pwedeng maging almusal tapos nagsearch na rin ako kung paano to lutuin. Pwede ba yun Noona? Pleaseeee~" nagpout si Sehun samantalang ang iba ay nag please din.

Kaya pumasok ako sa cr at naghilamos at ng toothbrush. Tinali ko ang buhok ko ng pamessy bun, muli akong lumabas at kinuha ang bra ko tsaka ito sinuot. Bago matulog ay nagtatanggal ako ng bra at alam kong ganun din ang iba sainyo. Heaven kaya pag ganun.

Dalidali ako bumaba ay pinagbuksan sila ng gate.

"Ano bang lulutuin?" Tanong ko. Pinakita sakin ni Sehun ang mga ito.

"Fried rice, tocino, longganisa, hotdog, fried egg and bacon. Madali naman tong lutuin eh?"

"Ayoko sa luto ni D.O hyung eh! Sawa na ko noona, ikaw nalang magluto~" Sehun

"Oo na, oo na." Umupo na sila sa sofa

"Nasan mama at papa mo?" Tanong ni Lay

"Ah, Nasa Italy sila. Ako nalang magisa dito simula nung mag college ako." Paliwanag ko

"Bakit wala manlang pictures dito sa bahay nyo?" Tanong naman ni Xiumin habang iniikot ang tingin nya

"Ah.. Ewan eh."

"Wag nyo na ngang interview-hin si noona! Di sya makapagluto eh!" Pagmamaktol ni Sehun kaya naglakad na ko papunta sa kusina at nasimulang magluto

"Kain na!" Sigaw ko. Nagmamadaling umupo si Sehun sa harap ng mesa kasunod nya ang iba.

Nagsimula na kaming kumain at nung natapos ay nagsabi na kong maliligo muna ako.

Pagtapos kong maghanda ay muli na kong bumaba. Naabutan ko silang--- natutulog ng mahimbing.

Ssly?! May balak ba silang pumasok?

"Guys gising na." Mahinahon kong sabi pero wala lang sakanila yun. Ilang beses ko na silang ginising pero walang epekto yun. Asdfghjkl!

7:20am na at ilang minuto nalang ay start na ng klase namin.

"GUYS!!! GISING NA!!! DEFUTA NAMAN OH!!! MALLATE NA TAYOOOOO!!!" Dali dali silang tumayo

"May sunog ba?!" Natatarantang tanong ni Suho

"Guys kumuha kayo ng tubig na may baldeee!" Dagdag pa nya. Nagulat ako ng bigla silang nagtabukhan papunta sa cr kaya agad ko silang sinigawan

"Guys walang sunog! Late na tayo. Tara na." Napahinto sila. Napahinga sila ng malalim.

"Kala namin may sunog grabe ka naman kasi makasigaw." Tao na halatang kulang pa ang tulog

"Tch. Tara na."

Pagdating namin sa school ay 8:39 am na. Sinabihan ko silang mag bus nalang kami pero ayaw nila kaya wala kaming nagawa kundi maghintay ng jeep na kasya kaming 13. Duh! Traffic pa kaya ayan ang nangyari.

"Tao mauna kang pumasok! Anak ka ni Mr. Huang eh." Chanyeol

Binuksan ni Tao ang pintuan. Ang maingay at magulong classroom ay biglang nanahimik sa pagpasok namin. Lahat sila ay nakayuko at ayaw tumingin kay Tao

"Wala ba si Ma'am?" Tanong ni Baekhyun sa isang lalaki na medyo nanginginig.

"W..wa...wala po."

"So nakita nyo yung ginawa namin sa mga lalaking nanggalaw dito kay Blade kahapon kaya kayo nagkakaganyan ngayon, right?" Natatawang sabi ni Tao

"I told you, wag na wag nyo syang gagalawin para maging maayos ang lahat pero mukhang hindi nyo sila classmate kaya hindi nila narinig ang pagbabanta ko. Nasampulan tuloy sila.. Again, don't touch my girl." nagulat ako ng hilain ako ni Tao at akbayan.

Putangina yung obaryo ko sumasabog.

Months past..

Lumipas ang ilang buwan at naging maayos na ang lahat. Wala ng nanggugulo sakin dahil sa pagbabantang yun ni Tao.

Kasalukuyan akong nakatayo sa labas ng gate. Sa di kalayuan ay natanaw ko si Tao kasama ang EXO. Yup, nasabi nila sakin na EXO nalang daw ang itawag ko sakanilang lahat dahil iyon ang group name nila.

Nginitian ako ni Tao mula sa malayo. Hindi ko alam pero bigla nanaman bumilis ang tibok ng puso ko, pinagpawisan ako ng malamig at pakiramdam ko lahat ng dugo sa katawan ko ay napunta na sa mukha ko.

Confirm na guys, inlove ako kay Huang Zi Tao.

"Blade." Napalingon ako sa dalawang babaeng tumatakbo palapit sakin.

"Elonah! Ella!" Niyakap nila ako kaya niyakap ko sila ng mahigpit.

Oppa's Revenge FAILEDWhere stories live. Discover now