Tao's POV
Tumakbo si Blade palayo samin habang ang mga estudyante dito ay nagtatawanan. Gusto ko syang habulin para liwanagin ang lahat ngunit wala akong lakas ng loob.
"So ikaw pala yung lalaking sinaktan nya way back then? Tara, sumama ka samin. We'll explain everything." Dahil sa kagustuhan kong malinawan ay sumama ako kila Ella at Elonah samantalang ang EXO ay nakasunod din samin
Sumakay kami nagjeep at bumaba sa.. Sementeryo?!
"B--bat nandito tayo?!" Tanong ko
"Don't tell me dahil sa galit nyo kay Tao hyung ililibing nyo na kami ng buhay?!" Sehun
Nagtinginan silang dalawa.
"Di kami galit kay Tao, alam naman namin na anytime babalik sya dito at gaganti pero bakit kay Blade ka gumanti? Haist." Sabi ni Ella habang naglalakad papasok ng sementeryo.
Tumigil kami sa isang puntod.
"Ayan. Nandito na tayo so everyone, meet Blood.. Blade's twin sister." Masayang pakilala ni Ella dito
"Blood.." Nagulat ako ng magflashback lahat ng alaala sakin.
Flashback
"Hi, Tao right? I'm Blood. Simula ngayon wala ng mangaapi sayo."
-
"Blood! Sabay na tayo umuwi."
-
"Blood wag ka makulit sinasagutan ko tong aasignment mo."
-
"Blood gusto kita."
-
"Babalik ako dito at gaganti ako sayo.. Blood."Sa muling pagkakataon tumulo ang luha kong matagal ko ng pinipigil.
"Namatay sya nung araw na sinaktan ka nya Tao, death anniversary nya ngayon." Ella
"Sinaktan ka nya para mabilis kang makamove on sakanya dahil alam nyang mamamatay din sya and the day she hurted you is the same day she past away." Elonah
"Pagkapanganak sakanila ni Blade, si Blood ang mahina.. May sakit sya sa puso samantalang si Blade ay malusog pero kahit na ganun si Blood ang nagpakita ng tapang, She's so brave samantalang si Blade ay sobrang duwag at lampa nun." Dahil sa sinabing yun ni Ella ay nagtawanan silang dalawa.
"Blood is Blade's savior.. Hahaha! Baliktad right? Dapat si Blade ang nagtatanggol kay Blood dahil sa sakit nito. Pero wala eh, mas matapang si Blood." Elonah
"Yung dalawang yun pagnagsama ibang klase." Nakangiting sabi ni Ella. Halata sa mga mata ny ang saya habang inaalala ang lahat.
"Sila Janice ay kaibigan si Blood ngunit si Blade? Ayaw na ayaw nila dito kaya nung namatay si Blood ay naging mainit na sa mata nila si Blade kaya sinimulan na nila itong bullyhin.. Dati pa naman binubully na nila si Blade pero nanjan si Blood para ipagtanggol sya nung nawala si Blood nagbago ang lahat." Ella
"Lahat naging masama kay Blade at nung dumating ka? Blade felt that she's safe again." Elonah
"Natatandaan ko kung gaano kasikat si Blood sa buong school nun kasama ang mga ibang sikat din nating schoolmate kaya kami nila Blade ay hindi na sya nakakausap pag nasa school kami, and ayun.. Pumunta kami nila Elonah sa Italy at iniwan silang dalawa for some reason pero nagkkwento parin sila samin via skype." Ella
"Nagulat nga kami nung sinabi ni Blood na may nagugustuhan na syang lalaking lagi daw binubully ng schoolmates namin kya ang mission nya daw ay maging saviour nito at iyon pala yun Tao." Elonah
"Sobra nyang saya nung naging close na kayo. Pero isang araw muling inatake si Blood ng kanyang sakit na akala namin ay wala na." Ella
"Sinabi ng Doctor nya na.. Malala na sya at ilang buwan nalang ang itatagal nya. Kaya yung mga buwan na yun pinilit nyang mas lalong mapalapit sayo Tao." Elonah
"Pero hindi nya aklain na mamahalin mo sya dahil wala yun sa plano nya. Ayaw ka nyang masaktan dahil sa pagkawala nya kaya sinaktan ka nya nung araw mismo na nagtapat ka." Ella
"Pagtapos nyang gawin yun sayo.. Sobra syang nasaktan, iyak sya ng iyak sa loob ng kwarto nya at walang makapasok dito maski si Blade. Nung gabing yung ay pinilit nila itong binuksan at nakita si Blood na wala ng buhay." Pagkkwento ni Elonah na nangiyak-ngiyak pa.
"Blood loves you so much.. But too much love will kill you." Ella
"And now, Blade loves you so much.. Is she gonna die?" Elonah
Kumunot ang noo ko.
"P..pupuntahan ko si Blade." Aalis na sana ako ng pigilan ako ni Ella
"It's too late Tao. Blade just texted, uuwi na syang Italy at wala na syang balak bumalik dito." Ella
"Kung itatanong mo ang address nila samin, sorry but we can't tell you." Elonah
Tumakbo silang dalawa palabas ng sementeryo, gusto ko silang pigilan pero dahil sa mga nalaman ko ay di ako makagalaw.
Pakiramdam ko ay gumuho ang buong mundo ko. Dahil sa galit sa puso ko na hindi naman tama ay nasaktan ko ang isang babaeng inosente at mahal na mahal ko.

YOU ARE READING
Oppa's Revenge FAILED
FanfictionEXO SERIES #11 [Huang Zi Tao FF] "He broke my fragile heart just to make a revenge but he failed." STATUS: C O M P L E T E D