BLADE'S POV
Naupo si Tao sa tabi ko samantalang ang iba sakanila ay naupo sa bakanteng upuan kung saan walang nakaupo, wala kasing gustong tumabi sakin. Kahit isa kung meron man bubullyhin din ito.
Nagsimula ng magturo si Ma'am Ruby. Ang mga katabi kong lalaki ay busy sa pakikinig sakanya, lalo na si Tao.
Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay lunch break na.
"Tara na Blade." Yaya sakin ni D.O na ngayon lang nagsalita
"Sige, kayo nalang. Dito nalang ako." Nginitian ko sila
"Dali na! Arte naman this girl." Hinila ako ni Baekhyun patayo kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod sakanila.
Naguusap sila habang ako ay nasa likuran lamang nila. Nagulat ako ng may nagbuhos sakin ng isang baldeng tubig at kasunod ang isang baldeng puno ng harina na may... Itlog.
Nagtawanan ang lahat ng istudyante sa paligid. Napapikit nalamang ako, sana kasi hindi nya ko iniwan para hindi nangyayari to sakin ngayon. Sa muling pagkakataon ay napaiyak ako hindi dahil sa ginawa nila kundi sa pagkawala nya.
"Shit. Blade?! Are you alright?" Nakarinig ako ng mga paang tumatakbo palapit sakin ng bigla nalamang lumabo ang paningin ko at tuluyang nawalan ng malay.
Nagising ako sa isang puting kwarto. Sinubukan kng tumayo ngunit di ko magawa dahil sa sakit ng ulo ko
"Na..nasan ako?" Unti unting luminaw ang paningin ko. Kasalukuyang nakapalibot sakin ang doseng lalaki na bakas sa mukha ang pagaalala.
"Nasa clinic ka. Bigla ka nalang kasing nahimatay pagtapos kang buhusan ng tubig, harina na may itlog ng mga lalaking yun pero wag kang magalala pinagbayaran na nila yun at hinding hindi mo na ulit sila makikita sa school na to." Pagpapaliwanag ni Suho
"An..anong ginawa nyo sakanila?"
"Sabi ni Tao bugbugin namin eh. Edi ayun ginawa namin tapos pinakick out namin." Nakangiting sabi ni Kai
"Ba..bat nyo ginawa yun?! Kawawa naman sil---"
"Wag kang maawa.. Wala ka namang awa dati pa diba?" Nilingon ko si Tao na seryosong nakatingin sakin. Wait, anong sabi nya?
"Ano?" Imbis na si tao ang sumagot ay si Chen ang dumepensa.
"Ang ibig nyang sabihin ay simula ngayon wala ng makakapanakit sayo dahil nandito na kami.. Kaya wag kang maawa sakanila." Tumango tango nalang ako.
"Thankyou. Kung di nya lang naman sana ako iniwan hindi mangyayari to eh."
"N..nino?!" Kunot noong sabi ni Tao
"W..wala wala. Nevermind. Gabe na pala ang haba naman ng tulog ko. Tara, uwi na tayo."
---
Humiga ako sa kama ko at tumingin sa frame na nasa taas ng side table ko. It is me and her, happy together. Napahinga ako ng malalim.
"I miss her so much."
Nagpapasalamat parin ako at nanjan sila Tao para sakin.. Sana wag nila akong iiwan tulad nya.
Tao❤ Calling..
"Hello?"
"Bl..blade? Nasa labas ako ng bahay nyo, kailangan ka namin sa bahay. Di kasi kami magurong magluto, pwede mo ba kaming paglutuan? Gutom na gutom na kami eh di kami makaorder sa fast food dahil itong si Sehun gusto ng lutong bahay. Wait, marunong ka bang magluto?"
"Yea. Sige saglit lang, magbibihis lang ako at lalabas na ko jan."
"Ahm. Gustong ulam ni Sehun ay.. Ano ulit yun? Hmm. Adoba!"
"Anong adoba? Hahaha."
"Wala bang ganun? Adidas ata yun."
"Pft! Hahaha! Anong adidas?! Brand yun ng sapatos huh."
"Basta nagsisimula sa A bilisan mo na Blade, nagwawala na yung maknae namin."
"Hmm. Anong maknae?"
"Basta pinakabata samin tawag sakanila maknae. Marunong kaba magluto ng adido? Yung! Adido ata yun."
"Tsk! Adobo yun wag kang ano! Sige na, pababa na ko."
Lumabas ako ng gate at naabutan si Tao na nakatayo dun.
"Tara na, magluluto pa ko ng adidas nyo. Hahahaha!" Nagsimula na kaming naglakad
"Wag ka nga jan. Kanina pa nagwawala yung maknae namin mukhang naglilihi sa adobo."
"Kung maknae ang pinakabata paano naman ang pinakamatanda?"
"Ako tawag ko kay Suho ay Hyung since mas matanda sya sakin at si Sehun tawag sayo ay Noona dahil babae ka at mas nakakatanda sakanya."
"So, hyung din tawag ko sayo dahil mas matanda ka sakin ng konti? At Noona din tawag ko sa babaeng magnakakatanda akin?
"Nope. Itatawag mo sakin ay Oppa at sa babaeng nakakatanda sayo ay Unnie dahil.. Babae ka. Ang Hyung at Noona ay para sa nga lalaki lang." Napatango ako
"Okay po Oppa!" Nginitian ko sya kaya napangiti rin sya at ginulo ang buhok ko
"WOY!!! KAYONG DALAWA BILISAB NYO SI SEHUN 50/50 NA DAHIL SA GUTOM AT KALAWA NYA!!!" Bulyaw ni Suho hyun mula sa gate kaya tumakbo na kami palapit dito.
Naabutan ko si Sehun na nakahandusay sa sahig at nakapout
"Noona~ magluto ka nito oh!" Pinakita nya sakin ang picture sa cellphone nya.. Adobo nga ito. Hahaha.
"Okay, kompleto na ba ang ingredients?" Tanong ko
"Yup. Namalengke na sila Luhan, Chanyeol at Suho hyung kanina." Sagot naman ni Sehun at tumayo na sa pagkakahandusay
Sinamahan nila ako sa kusina at nakatingin lang sakin habang nagluluto ako si Chanyeol at D.O naman ay tinutulungan ako
"Waaah, ang bango." Tuwang tuwang sabi ni Sehun habang pumapalakpak pa.
"Kailan ka pa natutong magluto?" Out of nowhere na tanong ni Tao
"highschool palang marunong na ko." Sagot ko
"Ah.. Talaga." Parang di sya makapaniwala dito
"Ito na luto na!" Kumuha ako ng mangkok at inilagay ito doon. Nagunahan silang naupo sa harap ng lamesa at nakatingin sakin habang dala dala ang niluto kong ulam.
"Kain na kayo." Nagsimula na silang kumain
"Upo ka na Blade, kain na tayo." Yaya ni Lay sakin kaya naupo na rin ako
Masaya kaming kumain. Pagtapos ay pinaghugas nila si Sehun dahil pinagbigyan na daw sya bg mga hyung nya sa gusto nya kaya iyon ang kapalit.
"Guys. Uuwi na ko." Paalam ko
"Hatid na kita Blade, baka mapaano ka nanaman sa daan." Tao
"Kitakits bukas."
"Sige Blade. Kamsahamnida!" Nagbow silang lahat
"Sarap ng luto mo, lutuan mo kami gabe gabe huh?" Chen
"Oo naman."
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Tao ng tahimik.
"Blade? Do you remember someone you hurted before?" Pagbasag ni Tao sa katahimikan
"Wa..wala naman." Sagot ko
"Ahm. What if you hurted someone before then he or she wants to make a hurt you too what will you do?" Tanong nyang muli kaya tinitigan ko ang mga mata nya.
"Kung sa paghihiganting gagawin nya sakin ay magiging masaya sya at mawawala yung galit sa puso nya ay hahayaan ko syang gawin yun sakin. Hahayaan ko syang saktan ako, basta sisiguraduhin nyang ako yung taong nanakit sakanya para maging matagumpay yung plano nyang yun."
YOU ARE READING
Oppa's Revenge FAILED
FanficEXO SERIES #11 [Huang Zi Tao FF] "He broke my fragile heart just to make a revenge but he failed." STATUS: C O M P L E T E D