Tao's POV
Dahil di ako makatulog ay kinatok nya si Lay kaso mukhang wala sya dun kaya kinatok ko ang kwarto ni Kris pero wala rin. Nasan ba sila?! Pinuntahan ko lahat ng kwarto ng EXO members kaso wala talaga silang lahat kaya nagpasya akong bumaba ng bahay at naabutan ko sila 11 na nanunuod ng T.V sa sala.
"Kung saan saan ko kayo hinanap nandito lang pala kayo." Bungad ko kaso walang pumansin sakin dahil busy sila sa pinapanuod nila.
"Pupunta akong 7/11.. Sinong sasama?" Tanong ko. Agad silang naglingunan sakin at sabay sabay na tumayo.
"Ako!" Sabay sabay nilang sabi
"Sige magbihis na kayo." Utos ko
"Nakabihis na kami, anong tingin mo samin mga nakahubad?"
pamimilosopo ni Chen"Pilosopo." Maarte kong sabi na ginawa naman ni Baekhyun
"Pilosopo." Mas OA nyang gaya
"Tara na nga, magaasaran nanaman kayo jan!" Singit ni Suho hyung st nauna ng naglakad palabas ng bahay
"Lalakad lang ba tayo?" Tanong ko sakanila habang nakatayo kami sa labas ng gate
"Try mong lumipad Tao." Chanyeol
"Or gumapang." Baekhyun
"Kung gusto mo gumulong ka." Chen
Nagtawanan naman silang tatlo at ibang EXO members. Tangina.
"Tama na guys, lagi nyong binubully si Tao. Saan tayo dadaan?" Saway ni Suho hyung
"SA DAANAN MALAMANG!!!" Sabay sabay na sabi nila Chanyeol, Baekhyun at Chen kaya pinagbabatukan sila ni Kris hyung.
"Bish please." Cold nitong sabi
"Ba't kasi kayo nagtatanong ng mga bagay na alam nyo na ang sagot?" Kunot noong pagtatangol ni Lay hyung sa tatlong kulugo na ikinatahimik naming lahat.
"Tara na nga, 8:39 pm na oh! Saang direksyon ba? Dito o dito?" Inis na sabi ni Xiumin hyung
"Dito.." Turo ko
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng village namin.
"Ang layo." Reklamo ni Sehun
"Buhatin moko Luhan hyung." Nagpout sya sa harap ni Luhan. Sumenyas naman ito na pumapayag sya kaya agad na sumabit si Sehun sa likod nito
"Arte ng maknae na to." Puna ni Suho hyung
Nang makarating sa 7/11 ay agad akong kumuha ng soda at chips ganun din naman sila. Naupo ako sa bakanteng upuan dun, mula sa kinauupuan ko ay tanaw na tanaw ko ang labas kung saan madilim na ang paligid at tanging liwanag nalang ng ilaw sa poste ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.
Napako ang tingin ko sa babaeng magisang naglalakad ng bigla syang harangin ng grupo ng mga lalaki na mukhang nakainom. Tinangka nya itong iwasan ngunit bigla na lamang syang hinila nito.
Napatayo ako sa kinauupuan ko. Shit.. Dali dali akong lumabas ng convenience store at lumapit sakanila.
"Ano ba! Bitiwan moko!" Mangiyak ngiyak na sabi nung babae
"Paisa lang naman miss eh." akmang hahalikan na sya ng isang lalaki kaya agad akong nagsalita.
"Hoy. Bitiwan mo sya." Utos ko
"At sino ka naman?" Tinignan ko sya ng masama kaya agad nyang binitiwan yung babae samantalang yung pitong lalaking kasama nya ay pinalibutan ako.
"Naghahanap ka ata ng sakit ng katawan?" Dagdag nyang sabi sabay tulak sa babae na dahilan ng pagkasubsob nito sa sahig.
Mukhang nasaktan sya dahil dun ka nahirapan syang tumayo lalapitan ko sana sya ng bigla akong sapakin nung isang lalaki, napahawak ako sa gilid ng labi ko.
"Sino ka sa tingin mo para sapakin ako?" Nilapitan ko sya at agad na sinikmurahan dahilan para mapaluhod sya sa sahig.
Naramdaman ko ang paglapit ng ibang lalaki sakin kaya pinagsisipa ko sila at pinagsasapak.
Nilingon ko ang mga lalaking kasalukuyang naminilipit sa sakit.
"Subukan nyo pang mambastos ulit ng babae hindi lang yan ang aabutin nyo. Bibilang ako ng hanggang lima at gusto ko wala na kayong lahat sa paningin ko.." Hindi pa ko naguumpisang magbilang ay nagmadali na silang tumayo at tumakbo kahit hirap na hirap sila.
"Ah.." Rinig ko mula sa likod ko kaya agad kong napalingon dito. Dali dali kong nilapitan ang babaeng hirap na hirap sa pagtayo.
"Miss okay ka lang?" Tinulungan ko syang tumayo
"Okay.. Okay lang ako medyo nahihilo lang ako." Pamilyar ang boses nya..
Inangat nya ang tingin sakin.
"Salamat pala sayo.. Naku may sugat ka." Nagaalala nyang sabi
Nanlaki ang mata ko.. Sya nga yun, ang babaeng gusto kong paghigantian..
"Ako nga pala si Blade.. Ikaw si?"
"T..tao." Wala sa sarili kong sabi
Blade.. Muling nagflash back sa utak ko lahat ng ginawa nya sakin years ago..
YOU ARE READING
Oppa's Revenge FAILED
FanfictionEXO SERIES #11 [Huang Zi Tao FF] "He broke my fragile heart just to make a revenge but he failed." STATUS: C O M P L E T E D