Blade's POV
Pinara ko ang bus na iyon na may smirk saking mga labi. Kung ganitong bus ang sasakyan namin ay paniguradong makakarating kami agad sa school at di ako malalate sa first class ko.
Tumigil ito sa harap namin, hahakbang na sana ako papasok dito kaso napansin kong di gumagalaw ang mga lalaki sa likod ko kaya agad ko silang nilingon.
Ang mga mukha nila ay pinagpapawisan at ang puputla pa nila.
"Ano sasakay ba kayo?!" Sigaw na tanong ng konduktor.
"Opo manong, wait lang po. Woy! Tara na!" Pumunta ako sa likod nila at pinagtutulak sila paakyat ng bus.
Nang nakapasok na silang lahat ay umakyat na rin ako at agad namang umandar ng mabilis ang bus. Asdfghjkl! Di pa nga game eh, tangina muntik na ko masubsob. Ibang klase talaga ang mga ordinary bus like this.
Naghanap ako ng upuan ngunit puno na pala ito, tumingin ako sa labing dalawang lalaki na ang sarap ng upo.
"Guys, ayokong nakakakita ng nakatayong babae sa bus." Nakangiting sabi ni Chanyeol. Nagtinginan naman sila sakin. Shit! Gentlema---
"KAYA PIKIT TAYO!!!" Sigaw nila Chanyeol, Baekhyun at Chen.
Ay.. Defutanginang mga to. Pumikit naman silang lahat.
Nagulat ako ng biglang tumigil yung bus kaya kamuntikan nanaman akong masubsob, nakarinig naman ako ng mahinang tawanan mula sa pwesto nila.
Tumayo ako ng maayos at inayos ang sarili ko. Boset tong mga lalaking to. May bumabang isang tao kaya dali dali akong naupo sa pwestong iniwan nya na katapat lang nag pwesto nila Tao.
Nagsimula ng gumewang gewang ang bus dahil nga sa kakaover take nito sa ibang mga sasakyan kaya nakarinig na ko ng reklamo mula sakanila.
"Nahihilo na ko." Xiumin
"Nasan tayo?! Lumilindol ba?!" Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Lay.
"Fuck! Pagako nainis ako na magddrive jan! Bish please." Iritadong sabi ni Kris
"Guys, pakisabi nalang sa pamilya ko na mahal na mahal ko sila." Mangiyak ngiyak na sabi ni Baekhyun na sinuportahan naman nila Chen at Chanyeol
Asdfghjkl. Mga pasaway.
Pagbaba namin ng bus ay dali dali silang napahawak sa tyan nila at yung iba ay napahawak sa tuhod nila at parang nasusuka na.
"Pakiramdam ko naiwan kaluluwa ko dun." Malamyang sabi ni Tao na sinangayunan nilang lahat kaya napailing nalang ako.
"Nandito na tayo!" Lumiwanag ang mga mukha nila at inangat ang mga tingin sa Monster University na katapat lang namin.
Nauna na kong naglakad naramdaman ko naman ang pagsunod nila sakin nagulat ako ng bigla akong tabihan ni Tao.
ASDFGHJKL, KALMA LANG BLADE!!
"Kailan kapa natutong sumakay sa mga ganung klase ng sasakyan?" Tanong nya dahilan para magsulubong ang kilay ko
"Huh?"
"At kailan pa lumabo yang mata mo? Kailan kapa nagsuot ng back pack imbis na hand bag?" Dahil sa sinabi nyang yun ay lalong nagsalubong ang kilay ko
"Bat nakaflat shoes ka lang? Bat black na ang kulay ng buhok mo?" Napayuko ako at napaisip.. Is he preferring to someone?
TAO's POV
Kasalukuyan syang napayuko dahil sa mga tanong ko at mukhang malalim ang iniisip..
Magsasalita sana ako ulit ng napadako ang tingin ko sa grupo ng kababaihan na naglalakad din papasok ng gate-- kilala ko sila.. Tama sila yung mga kaibigan ng babaeng nanakit sakin, sila yung kasama nitong namahiya sakin, Napakuyom ako ng kamao.
YOU ARE READING
Oppa's Revenge FAILED
FanfictionEXO SERIES #11 [Huang Zi Tao FF] "He broke my fragile heart just to make a revenge but he failed." STATUS: C O M P L E T E D