Everything's Settled.
From Invitations to Venue.
Kasalan na
Sila na siguro ang pinaka-masayang tao sa mundo.
Buong gabi silang magka-sama, magka-yakap sa gabi ika nga.
Bulungan, kilitan, tawanan, kwentuhan... Masyado silang masaya, hindi na nila kailangan matulog, buti na lang at pareho silang naka-leave.
Kina-umagahan, nag-luto si Luhan ng pagkain, at pag-dating naman ng gabi, bumili si Sehun ng pagkain.
"Luhan, hindi ko alam pero bakit ngayon lang tayo ganito kasaya?" sabi ni sehun habang akap-akap ang asawa n'ya.
Siguro dahil wala ng pag-aalin langan...
Ngumiti lang si Luhan.
"Mahal na mahal kita" sabi ni Sehun
"Mahal na mahal din kita" sagot naman ni Luhan.Natapos na ang leave nilang dalawa, at dahil sa ka busy-han, hindi na naaasikaso ni Luhan yung pagkain nila, kaya pag-uwi ni Luhan galing trabaho, hihintayin n'ya si Sehun, o kaya naman iintayin ni Sehun si Luhan at sa isang fast food chain sila mag-hahapunan.
"Kamusta?" Tanong ni Sehun tapos hinaplos n'ya ang mukha ni Luhan.
"Ayos lang, ikaw?" tanong ni Luhan
"Ayos lang din, alam mo bang miss na miss kita kanina, niloloko nga ako ng mga estudyante ko kasi lutang daw ako"Tumawa naman ng mahina si Luhan.
Pagbalik nila ng bahay...
"Good night, I love you" bulong ni Sehun
Masaya silang natulog ng magkatabi
Masaya...
Hanggang sa magising na lang si Luhan na wala na si Sehun sa tabi n'ya, hindi naman kasi ito umaalis hangga't hindi pa gising si Luhan, at kung gano naman kaaga umalis si Sehun, ganoon din ka-gabi ang pag-uwi nito sa bahay.
Siguro overtime lang, extra work siguro... Tama... Extra work. Yan ang palaging iniisip ni Luhan. Lalo na't nag-resign na si Sehun bilang History teacher at kasalukuyan na s'yang isang Relations Manager sa isang kompanya.
Hanggang sa na-promote si Sehun, kesyo may business meeting kaya maagang aalis at late namang uuwi.
Alas tres na ng madaling araw pero hindi pa'rin umuuwi si Sehun, kaya naman tinawagan n'ya si Kai, baka sakaling alam n'ya kasi kung nasaan si Sehun o kaya naman kung kasama n'ya ba ito.
Halos mabingi si Luhan sa narinig n'ya ng sagutin ni Kai ang kanyang cellphone, malalakas na alingawngaw ng speakers."Hello, Luhan napatawag... napatawag ka ata?" Sabi ni Kai habang sisinok sinok at tatawa-tawa
"Kai, alam mo ba kung nasaan si Sehun?" nag-aalalang tanong ni Luhan kay Kai
"Ha? Si... Si Sehun..." matagal na hindi sumagot si Kai, hanggang sa may kumuha ng cellphone n'ya
"Hello, Luhan" sabi nito
"Hello, Yeol, kasama mo ba si Sehun?"
"Oo, andito s'ya, na-promote kasi si Kai kaya naisipan n'yang manlibre"
"Ah, ganon ba, pwede ko ba s'yang maka-usap?"
"Teka...Sehun!" sigaw ni Chanyeol "Luhan, mukhang lasing na din ata si Sehun, ako na lang maghahatid sa kanya d'yan, pabayaan mo na, minsan lang naman 'to eh"
Napabuntong hininga si Luhan sa sinabi ni Chanyeol, wala naman na s'yang magagawa."Sige, salamat Yeol"
Halos isang oras na naka-upo si Luhan sa paborito n'yang upuan... naghihintay, nang may kumatok sa pintuan n'ya.
"Sorry Yeol, salamat na din"
"Wala 'yon Luhan, sige alis na ko, ihahatid ko pa si Kai"
Inalalayan ni Luhan si Sehun papuntang kwarto nila
"Saehayan light majim deo balgajin haha!" sabi ni Sehun habang e-embang embang at sisinok-sinok
"Ano ba Sehun, maawa ka naman, alas quatro imedya na ng madaling araw, may pasok pa ako mamayang alas sais"
"Eto naman, ang sungit sungit! Da-da da-dalawang bote pa nga lang ako ng beer inuwi na ko ni Chanyeol e!" pag-rereklamo nito, bigla n'yang inakap ng mahigpit si Luhan
"Sa susunod kasi, wag kang iinom, alam mo namang mahina ka sa mga ganyan diba? Tsaka wag mo nga kong yakapin amoy alak ka"
Nilapag ni Luhan si Sehun sa kama, mahirap kayang buhatin ang asawa mong mas malaki sa'yo.
Pinunasan n'ya si Sehun, pinalitan ng damit at kinumutan, pagkatapos non, nahiga na rin s'ya sa kama, naramdaman n'yang may kamay na yumakap sa kanya.
"Goodnight, hindi na mauu-ulit, sorry, I love you" sabi ni Sehun

BINABASA MO ANG
Open Arms {hunhan}
FanfictionI'm here, waiting for you, with open arms. (BOOK COVER INSPIRED BY SUJIROUMANABE'S ARTWORKS)