"Kumain ka na ba?" tanong ni Luhan mula sa kusina kay Sehun na kasalukuyang naka-upo sa sala.
Pano ko 'to sasabihin sa kanya? Yan ang kasalukuyang tumatakbo sa isip ni Sehun. Para kasing kailan lang eh nangako sya sa harap ng altar na hindi nya iiwan si Luhan, pero eto ngayon sya. Hawak-hawak ang mga papeles na magpapawalang bisa sa kasal nila ni Luhan.
"Okay lang ako Luhan, may-" sasabihin na sana nya ang pakay nya pero pinutol sya ni Luhan
"Naku Senshine, kilala kita, alam kong gutom ka"
Hindi alam ni Sehun ang nangyari sa kanya, hindi nya alam pero parang biglang tumigil sa pagtibok ang puso nya ng marinig nya ang palayaw na binigay sa kanya ng asawa nya.
Naalala nya na yun yung binigay sa kanyang palayaw ni Luhan nung bago palang silang magka-sintahan.
"Luhan... Hindi ako magtatagal, nandito ako para-"
Hindi na n'ya naituloy ang sasabihin n'ya kasi ngumiti si Luhan, ngiti na para bang alam nya na yung mangyayari.
"Andito k aba kasi may papipirmahan kang divorce papers kasi may nakita ka ng iba? Hahaha!" pabirong sabi ni Luhan
Natatigilan si Sehun. Hindi n'ya alam kung paano n'ya tuloy sasabihin ang talagang pakay n'ya. Dahil tama si Luhan.
Nakakuha ng lakas si Sehun para sabihin 'yon kay Luhan "Tama ka, nandito ako para gawin 'yon"
Hindi makapaniwala si Luhan sa sinabi ni Sehun "Seryoso ka?"
Tumango si Sehun at inabot n'ya kay Luhan ang isang envelope na naglalaman ng mga papeles na magpapawalang bisa sa kasal nilang dalawa
Katahimikan ang bumalot sa sandalng 'yon.
Tinitigan lang ni Luhan ang mga papeles, at tumawa s'ya. Isang mapait na tawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/9407968-288-k692752.jpg)
BINABASA MO ANG
Open Arms {hunhan}
FanfictionI'm here, waiting for you, with open arms. (BOOK COVER INSPIRED BY SUJIROUMANABE'S ARTWORKS)