"Bakit?"
"Wala na sya..."
"Ah!" napasigaw si Sehun sa narinig nya, nagulat sya...buti na lang, panaginip.
Dahil sa nangyaring yon, hindi na nagdalawang isip si Sehun na puntahan si Luhan sa dati nilang bahay, dali-dali syang nagpaalam kay Mars at lumabas ng bahay nila.
---
"Tao po?" kumatok si Sehun sa gate ng dati nilang bahay, medyo matagal na din syang hindi napagawi dito, nakita nya na wala na yung charm na nakasabit sa pintuan nila, yung charm na ginawa nilang dalawa ni Luhan
"Tao po?" patuloy na kumakatok si Sehun
"Wala ng tao dyan" napalingon si Sehun sa lalaking nagsasalita "Matagal nang wala"
"Pwede ko bang malaman kung saan nagpunta yung dating nakatira dito?" tanong nya
"Pasensya na, pero wala na kaming balita sa dating nakatira dyan" at tuluyan nang umalis ang lalaki,
Hindi nya alam kung bakit, pero bigla na lang may namuong luha sa gilid ng mga mata nya, sa totoo lang, hindi nya alam kung ano ba talagang dahilan, dahil ba sa tuluyan nang umalis si Luhan, o dahil tuluyan nang umalis si Luhan, nang di man lang sya nakarinig ng kahit isang balita mula dito sa nakaraang anim na buwan dahil sa kagustuhang makalimot ng tuluyan. Dalawang Linggo pagtapos malaman ni Sehun na umalis na si Luhan sa dati nilang bahay, nagtext sa kanya si Kai
Kai : Pre, nakipag-Skype kami kanina ka Luhan, nakita ko nga na medyo pumayat ang loko kumpara noon, sabi nya din na nadagdagan daw yung gamot na iniinom nya para sa theraphy nya, nga pala, sorry kung tinext kita, alam ko naman sitwasyon mo, ayaw ko na dumagdag sa iniisip mo, alam ko si Luhan din, ayaw ka nya nahihirapan, pero alam ko namang kahit papano gusto mo pa ring mabalitaan yung tungkol kay Luhan.
Napaisip si Sehun, therapy? gamot? nadagdagan? Ni hindi nga nya alam na may iniinom palang gamot si Luhan, na may therapy palang nagaganap, hindi na nya maintindihan sarili nya, binabalikan nanaman sya ng nakaraan, ng mga 'what ifs', na parang ang tanga tanga nya, na ang insensitive nya pagdating kay Luhan, pero kahit paikot-ikutin man nya, kahit na ilang beses nyang itatak sa isip nya na mahal nya si Luhan at aalagan nya to, naiisip nya si Mars, yung magiging anak nila, na hindi nya maalis sa isip nya na may kasalanan sya, na hindi pala si Luhan ang may mali about telling him the truth, kung hindi sya, dahil sa pagiging selfish nya, na hindi man lang nya inalam yung kalagayan ni Luhan bago nya isipin ang sarili nya, pero Luhan always thinks about Sehun's thoughts first before his.
Sehun: Anong therapy? wala namang sinasabi si Luhan na nagthe-therapy sya, kung di ko pa nga pinuntahan yung doctor nya, di ko pa malalaman na ganon na pala lagay nya
Kai: Like what I said, ayaw ka nyang nahihirapan
pero kahit paikot-ikutin man nya, kahit na ilang beses nyang itatak sa isip nya na mahal nya si Luhan at aalagan nya to, naiisip nya si Mars, yung magiging anak nila, na hindi nya maalis sa isip nya na may kasalanan sya, na hindi pala si Luhan ang may mali about telling him the truth, kung hindi sya, dahil sa pagiging selfish nya, na hindi man lang nya inalam yung kalagayan ni Luhan bago nya isipin ang sarili nya, pero Luhan always thinks about Sehun's thoughts first before his.
--
Walong buwang buntis na ni Mars non, isang buwan na lang at manganganak na sya, simula nung magtext si Kai, pagtapos non hindi na nya nabalitaan pa ang kahit ano kay Luhan. Sinamahan ni Sehun si Mars non para pumunta sa bagong OB nya.
"May I have a word with you, Mr. Oh?" sabi ng OB ni Mars
"Your wife is now experiencing high risk pregnancy, meaning mayroong komplikasyon kay Marceline na maaring magdulot ng mas malala pang komplikasyon sa kanya pag nanganak sya, in Marceline's case, she has hemophilia, causing her to have a hemorrhage kapag nagdeliver na sya ng baby nyo"
"Pero bakit wala namang sinabi yung huli nyang OB na may Hemophilia pala sya?"
"Honestly, I don't know, dapat nga sinasabi yan para mapaghandaan yung delivery ng isang babaeng may high risk pregnancy"
Pagkauwi ni Sehun sa bahay, pinagmamasdan nya si Mars na kinakantahan ang malaki nitong tyan, napangiti sya, napamahal na sya kay Mars, nakakalungkot nga lang isipin na malalagay sa peligro yung buhay ng mag-ina nya, sobrang bilis ng karma, yan yung naiisip nya, na yung kasalanan nya na dapat sya na lang ang sumasalo ay nadadamay pa yung mga taong malapit sa kanya,
"If this is what I get for hurting him, I'm very sorry, please, wag nyo na pong idamay ang mga taong mahal ko, alam kong ako ang may mali, dapat ako ang tumatanggap ng consequences" tumayo sya sa pagkakaluhod, at lumabas ng simbahan
--
Hi~! So, magulo na ba? Pasensya na po, nawala na kasi yung plot ko, sorry kung na-disappoint kayo, lalo na sa mga nagiintay, hindi ko kayo nabigyan ng magandang update~ Mianhaee~ :((((
VOTE>COMMENT>SUBSCRIBE>ADD TO YOUR RL
Hindi naman sapilitan, kung gusto nyo lang naman yung story (y)
Ayun, sensya na uli~
- Manang Shin
BINABASA MO ANG
Open Arms {hunhan}
FanfictionI'm here, waiting for you, with open arms. (BOOK COVER INSPIRED BY SUJIROUMANABE'S ARTWORKS)
