Hi! Hindi ko alam kung may nagbabasa pa neto, pero kung meron man, sana hindi nyo nalimot yung storya, ako kasi limot ko na, taragis lang diba ahahaha, so ayun, balak kong tapusin to, kaya eto ako ngayong pipigain ang powers ko. Sobrang nalungkot lang kasi ako nun nung nawala si Luhan, nawala feels ko sa EXO and stuff, ayun don't hate me bcos I'm beautiful, char hahahah. SALAMAT KUNG NANDITO KA AT BINABASA MO ITO MATAPOS ANG DALAWANG TAONG PAGKABITIN. I LOVE YOU.
--
Hindi nya alam gagawin nya, malapit na kasi kabuwanan ni Mars, at abot langit ang pagaalala nya kay Luhan dahil wala na silang naririnig mula dito. Masaya sya, kasi magkakaanak na sila ni Mars, pero mas namamayani yung lungkot at regrets sa katawan ni Sehun ngayon.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Mars kay Sehun sabay hagod sa likod nito. Masama ang loob ni Sehun, pero matapos ng matagal na pagsasama nila sa isang bubong ay natutuhan nya na ding mahalin si Mars, naging mas importante na ito sa kanya kung ikukumpara dati.
Tumango lang si Sehun, ngumiti ng kaunti.
"Se, I'm so sorry..." nararamdaman ni Sehun ang pagnginig ng kamay ni Mars na nakahawak sa braso nya "Alam kong galit na galit ka sakin ngayon kasi nakasira ako ng relasyon, alam kong ako yung may kasalanan, ang ayoko lang naman ay yung lumaki yung anak natin ng walang tatay, ayokong malaman nya na yung tatay nya may asawang lalaki at pinagpalit kami don, oo, sobrang babaw ng rason ko, kinakahiya ko kung anong meron ka at naging makasarili ako, I'm very sorry"
"Wala kang kasalanan, wag ka na umiyak" pinipilit ni Sehun na patahanin si Mars dahil alam nyang sobrang sensitibo ng kalagayan nito ngayon, pero humahagulgol na ito, at iba na ang paghikbi, sabay hawak sa kanyang tyan na animo'y makirot.
Gulong-gulo ang isip ni Sehun habang nagmamaneho sya papuntang ospital, naalala nya yung mga sinabi sa kanya ng doktor ni Mars at sa mga posibleng nangyari dito. Naluluha sya, malabo ang kanyang paningin dahil sa pagiyak, alam nya kasing naging kabayaran ng lahat ng gulong ginawa nya yung mga nangyayari sa kanya ngayon. Nasa huli nga ang pagsisisi.
Habang nagaantay ng sa labas ng operating room, tahimik lang syang nakayuko, nakapatong ang ulo sa mga nakayukom na palad at pinipilit na wag humagulgol ng malakas.
Iniisip nya na paano kung hindi nya ginawa yung kagaguhang yon, siguro masaya't naalagaan nya si Luhan at nasa tabi sya ngayon nito't dahil mas mabigat ang kanyang pinagdadaanan. Siguro si Mars makakahanap ng lalaking mas magmamahal pa sa kanya at hindi siguro makakaapekto yung komplikasyon nya sa panganganak ngayon, siguro may mas mabuting tatay yung anak nya ngayon. Sinisisi nya ang lahat sa kanya, parang guguho na mundo nya.
Makalipas ang ilang oras ng paghihintay, nalaman ni Sehun na hindi kinaya ni Mars ang naging panganganak, at sumakabilang buhay na ito, pero malusog naman ang anak nila at wala itong komplikasyon.
--
Pangatlong araw ng burol ni Mars nang dumalaw ang mga kaibigan nila ni Luhan.
"Ano nangyare sayo Se? Masyado mo na pinabayaan sarili mo" tanong ni Chanyeol
"Wala to, ayos lang ako, may balita na ba kayo kay Luhan? Kamusta na daw sya?"
"Wala eh, pero sasabihin namin as soon as may mabalitaan kami, kamusta yung anak mo?" tanong ni Kai
Hinila ni Sehun ang stroller para mas malapit pa ito sa kanya, "Aalagaan ko ng mabuti tong anak kong to, sya nalang natitira sakin bakit hindi ko pa aalagan diba? Sa daming beses na nasaktan ko yung nanay nya, masyado kong pinagsisihan yon, ayoko mangyari sa kanya yon kaya gagawin ko yung lahat para maprotektahan sya, tangina ko kasi, kung hindi ako naging gago edi sana maayos ang lahat" niyakap ni Kai at Chanyeol si Sehun.
BINABASA MO ANG
Open Arms {hunhan}
FanficI'm here, waiting for you, with open arms. (BOOK COVER INSPIRED BY SUJIROUMANABE'S ARTWORKS)