Madalas ng ginagawa iyon ni Sehun, aalis ng maaga, uuwi ng gabi, at kung dati, bago sila matulog ang mga binibitang salita ni Sehun ay
"Good night, di na mauulit sorry. I love you"
Nabawasan iyon ng nabawasan hanggang sa "Goodnight" na lang ang natatanggap ni Luhan mula sa kanyang asawa.
Wala na ring maiinit na bisig na bumabalot sa katawan ni Luhan.
Madalang na lang din ang palitan ng 'I love you's sa pagitan nilang dalawa... siguro si Luhan sinasabihan n'ya si Sehun pero minsan lang s'ya makatanggap ng 'I love you, too'
Sinasabihan lang naman s'ya ni Sehun ng 'I love you' tuwing gabi, tuwing binibigyan n'ya ng init ang katawan ni Sehun, pero alam n'ya sa sarili n'ya na nadadala lang emosyon si Sehun kaya n'ya nasasabi 'yon.
Madalas na rin n'yang nahuhuli si Sehun, amoy pabango ng babae, may bakas ng lipstick sa kwelyo ng polo.
"Sorry na..." habang may payakap-yakap pa sa likuran.
Hindi alam ni Luhan kung bakit pa s'ya nagpapa-uto sa mga ganung bagay, siguro nga dahil mahal n'yang totoo ang kanyang asawa. Nangako nga naman s'ya na hindi n'ya iiwan ang asawa n'ya sa hirap at ginahawa.
Gabi-gabi, tinitiis ni Luhan ang unti-unting paglamig ng relasyon nilang dalawa, magka-halong inis, galit, at lungkot ang nararamdaman ni Luhan para sa kanyang asawa, kaya noong umuwi ng gabing-gabi si Sehun, hindi na s'ya nakapagtimpi pa at nasigawan n'ya ito.
"Hindi kaba nahihiya Sehun? Dati kang teacher! Tapos...Tapos...Ganito?!"
"Putang ina, gabi na nga ako uuwi tapos ganito pa aabutan ko? Ano bang paki-elam mo?!" sigaw ni Sehun
Nabigla si Luhan sa inasta ng asawa n'ya, hindi n'ya akalaing sasagutin s'ya ni Sehun ng ganoon, kaya hindi napigilan ng luha n'ya... pumatak ito sa mga mapupula niyang pisngi.
Napaluhod si Sehun sa harap ni Luhan, maski kasi s'ya nagulat sa ginawa n'ya, ayaw pa naman n'ya ng nakikitang umiiyak si Luhan
"Lu-Luhan... Sorry... H-hindi ko sinasadya..."
Tumakbo papuntang kwarto si Luhan at nag-simulang mag-impake
"Ayoko na Sehun" sabi ni Luhan ng mahina habang pinupunasan ang luha sa pisngi n'ya
Niyakap s'ya ni Sehun "Luhan... please... Isa pang pagkakataon..." bulong nito, halatang pinipigil nito ang pag-iyak
"Tama na Sehun! Ayoko na! Pagod na talaga ako!"
"Luhan, maniwala ka sa'kin mahal kita, wala akong paki-elam sa kanila! Please Luhan"
Pumiglas sa pagkaka-yakap ni Sehun si Luhan at umalis s'ya ng bahay nila.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------"Ikaw talaga! Haha!"
"Nandyan na 'ko!"
Masayang naghahabulan sa loob ng bahay nila si Sehun at Luhan, para bang hindi sila nag-away noong isang gabi.
Wala eh, mahal na mahal ni Luhan ang asawa n'ya kaya pinatawad n'ya ito. Katwiran n'ya, nangako naman si Sehun na hindi na n'ya uulitin 'yon. Totoo naman, hindi na nga inulit ni Sehun ang mga ginawa n'ya, maaga na rin s'yang umuuwi, madalas din na pinaghahandaan ng almusal si Luhan bago s'ya umalis.
Masayang nahiga si Sehun at Luhan sa sapin na nakalatag sa damuhan
"Luhan..." sabi ni Sehun
"Hmm?"
Tinignan n'ya si Luhan,
"Luhan...
buntis ako..."
ECHOS.
"Nalipat ako ng opisina, sabi kasi ng boss ko kailangan daw ng RM sa isang branch"
Umiwas ng tingin si Luhan "Ah.. ga-ganon ba?"
"Hindi naman ako aalis sa tabi mo eh, isang oras lang naman ang byahe papunta at pabalik" hinawakan niya ang pisngi ni Luhan "Alam mo namang hindi ko kayang mabuhay ng wala ka"
Natawa si Luhan sa sinabi ni Sehun... isang mapait na tawa. Naalala n'ya kasi yung ginawa ni Sehun,
Hindi kayang mabuhay ng wala ako? Huh, grabe
![](https://img.wattpad.com/cover/9407968-288-k692752.jpg)
BINABASA MO ANG
Open Arms {hunhan}
FanfictionI'm here, waiting for you, with open arms. (BOOK COVER INSPIRED BY SUJIROUMANABE'S ARTWORKS)