Open Arms - 8

1.2K 40 2
                                    

Pagpasok na pagpasok ni Sehun sa kwarto ni Luhan ay agad n'yang niyakap ito

"I'm..sorry..." bulong ni Sehun. Hindi na n'ya mapigilan yung bugso ng damdamin n'ya. Nalaman n'ya na may sakit si Luhan, na malala na ito, na pwedeng kahit anong oras ay mawala na si Luhan. Hindi na n'ya kaya, parang gumuho na ang mundo n'ya.

Tila nahabag ang puso ni Luhan ng marinig n'yang umiyak si Sehun. Hindi n'ya pa kasi nakikita si Sehun na ganito, kaya unti-unti na ding tumulo ang luha sa mata n'ya

"Lu...ba..bakit?" yon na lang ang lumabas sa bibig ni Sehun, hindi na s'ya makahinga ng maayos. Para kasing sinasakal s'ya dahil sa pagpigil sa paghikbi.

"Shh... Sehun... Taha na.." sambit ni Luhan na hinihimas ang likod ni Sehun "A..." huminga ng malalim si Luhan "Ayoko ko lang na... Na... Maging miserable yung buhay mo, sa pagaalaga sa'kin..." mahinang bulong ni Luhan
Humarap si Sehun kay Luhan "Diba nga nangako ako..." mahina n'yang sabi. Hinalikan n'ya si Luhan sa noo "Nangako ako na aalagaan kita, hindi ko kinalimutan 'yon" at sa labi na matagal na n'yang hindi nagagawa "Mahal kita, Luhan..." sabi n'ya. Hindi kaya ni Luhan ang nakikita n'ya, ang bawat pagbagsak ng luha mula sa mata ni Sehun. Sobrang sakit tignan.

"Hindi na kita iiwan" halos pumiyok na si Sehun "Hinding hindi na, kahit kailan" kinuha ni Sehun ang kamay ni Luhan at hinalikan ito "Pangako"

Biyernes ng umaga. Maganda ang sinag ng araw na mula sa bintana. Nasilaw si Luhan kaya naman minulat n'ya ang kanyang mga mata. Masaya n'yang nadatnan si Sehun sa kusina na nagluluto.

"Good Morning, Lu" bati ni Sehun. Ngumiti naman si Luhan bilang sagot.

Habang kumakain sila, hinawakan ni Sehun ang kamay ni Luhan na s'ya namang ikinagulat nito.

Tinignan n'ya sa mata si Luhan "Ica-cancell ko yung pag-file ng divorce papers" seryosong sabi ni Sehun.

"B-bakit?"

"Dahil kailangan mo ko, Luhan. Kailangan din kita. Nangako ako na hindi kita iiwan diba? Kaya eto na ko" hinigpitan n'ya ang hawak sa kamay ni Luhan "Andito na ko, hindi na ko lalayo"


"Sehuna, anong magandang kulay ng kurtina?" tanong ni Luhan kay Sehun.

Nasa mall sila. Malapit na ang pasko at kasalukuyang namimili si Luhan ng iba't-ibang gamit para sa bahay n'ya.

Ngumiti naman si Sehun "Beige" sagot n'ya.
Ngumiti naman si Luhan at sinunod ang sinabi ni Sehun.

Halos isang buwan na rin ang lumipas nung napag-desisyonan ni Sehun na kanselahin ang pag-file ng mga papeles, naka-usap na din n'ya si Mars. Masakit man sa kanyang kalooban na makita si Mars na magmakaawang wag s'yang iwan, pinanindigan ni Sehun ang kanyang desisyon at pinaliwanag na kailangan s'ya ni Luhan.

"Kailangan din kita, Sehun" mangiyak-ngiyak na sabi ni Mars.
Hinawakan ni Sehun ang braso ni Mars.

"Alam ko, pero mahal ko si Luhan at kailangan n'ya ako"

Napasok tuloy sa isip ni Sehun. Kaya ba n'ya napiling manatili sa tabi ni Luhan dahil kailangan s'ya nito? Na wala naman talagang pagmamahal na kasama? Napa-iling si Sehun. Minahal n'ya si Luhan—mahal, at mamahalin.

Open Arms {hunhan}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon