Maayos ang naging daloy ng pagpasok ni Sehun, bumalik nanaman ang pag-alis n'ya ng maaga dahil nga mahaba pa ang byahe n'ya, ganoon din sa pag-uwi.
Pero gumagawa ng paraan si Sehun para magkaron sila ng oras na magkasama si Luhan, kahit na alas tres pa 'yan ng madaling araw, kakantahan at kakantahan n'ya si Luhan, o kaya naman kakausapin at kakamustahin, ayaw na n'ya kasing maulit yung nagyari dati, baka kasi tuluyan ng mawala si Luhan.
Pero unti-unting nagiging hectic ang schedule ni Sehun, dumamin ang business meetings, bumilis ang deadlines, maraming paper works na kailangang tapusin, at kailangan ng overtime.
"Sehun, na-promote ako" sabi ni Luhan habng yakap-yakap n'ya si Sehun, gabing-gabi na no dahil kakauwi pa lang ni Sehun galing trabaho
"Talaga? Wow, ang galing naman, kaya mahal na mahal kita e" sabi naman ni Sehun na animoy inaantok na
"Inaantok ka na ba?" dismayadong tanong ni Luhan
"Naku, hindi, sige mag-kwento ka lang, ayos lang ako"
Nag-kwento lang ng nag-kwento si Luhan,
"Dapat magcelebrate tayo" buong galak na sinabi ni Luhan, pero wala ng sumasagot sa kanya...
Naka-tulog na si Sehun sa sobrang pagod
Nakita ni Luhan ang paghihirap at sakripisyo ng asawa n'ya kaya naisipan n'yang kausapin ito
"Sehun, napansin ko lang na tuwing uuwi ka, parati ka na lang pagod"
"Okay lang ako Luhan"
"Hindi ka okay, tignan mo nga itsura mo, mukha ka ng zombie, nangangayayat ka pa"
Naaawa si Luhan sa asawa n'ya, kaya naman naka-isip s'ya ng pwedeng gawin para mabawasan ang kalbaryo ng asawa n'ya.
"Pano kung makitira ka muna kay Kris? Tutal diba naikwento mo sa'kin na malapit lang yung bahay n'ya-"
Hinampas ni Sehun ang lamesa at saka s'ya tumayo
"Ano ba Luhan, diba sinabi ko na ngang okay lang ako? Hindi ko kailangang umalis sa tabi mo, diba sabi ko sa'yo hindi ko kayang mabuhay ng wala ka?"
"Pero Se-"
"Hindi, bakit ba ang kulit mo?!"
"Ayoko lang kasi ng nakikita kitang nahihirapan!"
"Ang sabihin mo, ayaw mo lang na nandito ako!"
Hindi nila namalayan na nag-aaway nanaman sila. Natahimik silang pareho matapos iyon sabihin ni Sehun.
Tumayo si Luhan "Aakyat na 'ko" at umakyat na papuntang kwarto nila.
Nagsisi naman si Sehun sa sinabi n'ya, bakit nga naman s'ya ipagpapalit ni Luhan? Alam naman n'yang mahal na mahal s'ya ne'to.
BINABASA MO ANG
Open Arms {hunhan}
FanfictionI'm here, waiting for you, with open arms. (BOOK COVER INSPIRED BY SUJIROUMANABE'S ARTWORKS)