Open Arms - 9

1.1K 42 11
                                        

Naiwan si Sehun na naka-yuko sa may lamesa. Di niya maintindihan siLuhan. Ano nga bang gusto n'ya? Iwan s'ya ni Sehun at bumalik kay Mars? Tapos ano? Makikita n'ya si Luhan na unti-unting bumibigay gaya ng dati na kulang na lang eh lumuhod s'ya para lang balikan s'ya ni Sehun?

Parang di na ata n'ya kayang mangyari 'yon. Guhong-guho na 'yung mundo't pagkatao n'ya. Ano pa bang gusto ni Luhan?

Umakyat si Sehun sa kwarto nila ni Luhan pero naka-lock ito. Kukunin n'ya sana yung spare key sa bulsa n'ya pero naalala n'ya na naiwan n'ya iyon sa loob ng kwarto nila kaya napa-upo na lang s'ya sa gilid ng pintuan ni Luhan. Naghihintay na buksan n'ya yung pinto. Marahas na isinuklay ni Sehun ang buhok n'ya at napa-yuko. Hanggang sa unti-unting nagdilim ang paligid.

--

Nagising si Sehun ng may naramdaman s'yang kalabit

"Sehun..." ani 'yo. Hindi alam ni Sehun kung sinoito. Kaya naman kahit na hirap s'yang imulat ang mga mata n'ya dahil sa maga ito, ipinilit n'ya padin itong imulat upang makita kung sino ang nasa harapan n'ya.

"Luhan? Anong ginagawa mo dito?" tanong n'ya at agad namn s'yang bumangon sa pagkakaupo n'ya.

"Pumasok ka na sa loob, don ka na matulog" at iniwan na s'ya ni Luhan.

---

Komplikado.

Yang salitang yan ang makakapagpaliwanag sa sitwasyon nilang dalawa ngayon.

Si Luhan nasa taas ng kama at mahimbing na natutulog, habang si Sehun nasa lapag, nakatingin sa kisame--hindi alam kung anong nangyayari.

Parang kanina nagtatalo sila, ngayon nandito s'ya, sa kwarto ni Luhan,

Bumangdon si Sehun sa lapag at tumabi kay Luhan.

"Luhan, mahal na mahal kita, wag mong pagdudahan yung nararamdaman ko sayo. Alam ko din na mahal mo ko. Pero sana lang bumalik na tayo sa dati? Miss na miss ko na kasi yung dating ikaw" tumawa s'ya ng mahinaat hinalikan sa pisngi si Luhan at bumalik na sa kanyang higaan sa lapag.

Hindi alam na narinig ni Luhan ang bawat salitang lumabas sa kanyang labi nung gabing iyon.

--

Kinaumagahan, nagising si Sehun sa mga kalampag ng kawali't siyanse na nagsisikalampagan sa kusian, pagtayo n'ya, maayos na naka-tiklop ang mga kumot at nakaayos ang mga unan, at wala na si Luhan sa higaan n'ya. Bumaba si Sehun, at doon. nakita n'yang naghahanda si Luhan ng almusal

"Good morning" bati ni Luhan ng naka-ngiti

Medyo nagulat si Sehun sa inasta ni Luhan pero "Good morning din" sagot n'ya ng naka-ngiti din.

Open Arms {hunhan}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon