"Mark! Nasan nayung bwisit kong kapatid?!" Sigaw nung kambal ko, ang aga-aga nag bu-bunganga nanaman. Tsss...Tinakpan ko ng unan ung tenga ko and tinuloy lang ung tulog ko.
"Mell, bat parang ready ka ng patayin yung kapatid mo?" Tanong ni Mark,
"Natutulog pa sya noh?" I heard her say tapos bigla nalang pumasok si Mell sa kwarto ko tapos hinila ung kumot ko. "Hoy! Bumangon ka nga!" Dinaganan ako ni Mell.
Kababaeng tao pero ang bigat-bigat.
"Mell... Ano ba. Late na ko nakauwi kaya hayaan mo muna akong matulog." I said with my squashed voice,
"Anong hayaan?! May pasok ka ano ba! May test pa nga kayo eh bangon na!!!" Sigaw nya.
Eto yung ayaw ko sakanya eh pag nanggigising, ang brutal manggising.
"Melissa please? Inaantok pa ko, 2 hours palang tulog ko oh. Pag-bigyan mo na ako." I pleaded, sobrang drain yung energy ko kagabi eh.
"N.O!!" Ayun tinulak ako sa kama, "Masyado na yang pag b-bar mo ha! Di mo na na-aasikaso yang pag aaral mo! Ano ba Rey?!" Sigaw ulet nya.
Tangina nakakarindi na ha!
Tumayo ako, "Ano bang paki-elam mo? Eh ikaw nga nag skip ka ng isang term bakit? Kase inaatupag mo puro lalake! Nabuntis ka pa nga diba? Nakapa--" di ko na natapos ung sasabihin ko kasi bigla nya akong sinampal.
I look down at her and she's glaring at me "Bahala ka sa buhay mo!" Sinarado ni Mell ung pinto ng padabog.
Pinuntahan ako ni Mark "Bro, feel ko sobra na yang pag inom mo. Pati kapatid mo napag salitaan mo pa ng ganun. Maligo ka na para mahimasmasan ka." Mark said then he left my room.
Naligo na nga ako para naman mahimasmasan narin ako, ugh. Okay maybe they're right masyado na kong nalu-long sa pag iinom pero... YOLO dude and besides lagi nalang nila akong iniiwan.
Si Mell may date kasama si Shane, tapos si Mark and Katie mag d-date din pano naman ako? Forever alone? Eh di mag b-bar nalang ako diba? At least di ako mag iisa dun for sure.
Pag katapos kong maligo nag bihis nako and pumunta ng school, kasabay ko si Mark and medyo pinag sabihan nya nga ako.
Tama naman kasi sya, sumobra na ko dun,
Alam ko naman na di ginusto ni Mell na mangyari sakanya un eh, nainis lang talaga ako kasi wala pa kong tulog.
Sabi nga nila asarin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising.
Sinubukan kong makinig sa lecture, pero ang sakit talaga ng ulo ko. I should've bought coffee awhile ago para pampa-gising and dagdag energy.
I tried... I really did... But my eyes kept on shutting down.
**********
"Dude, okay ka lang?" Tanong ni Mark, pabalik na kasi kami sa condo.
Sawakas! Tapos narin ung class ko! Pwede na kong mag pahinga!
"Inaantok lang." Inaantok kong sagot,
"Ikaw naman kasi, gabi gabi umiinom ka yan tuloy."
"Oo na, mali na ko." Sermon nanaman kasi eh, oo na nga mali na ko.
Kainis na ha.
"Makikipag bati ka ba kay Mell?" Biglang tanong ni Mark,
Nakarating na kami sa lobby ng Torre V. and pumunta na sa may elevator, "oo naman, di ko naman matitiis un eh. And besides ako naman may kasalanan eh." Pinindot ko na ung floor namin.
BINABASA MO ANG
Turning Her Into A Woman
AdventureBeing the only SINGLE one in the group sucks, pero... Its way more fun! Walang hassle, I can do whatever I want. But having a nosy best friend is tough. I've been enjoying myself too far so nung napansin nayun ng mahal kong kapatid and best friend...