CHRISTINE'S POVSumakay na kami sa car ni Rey, medyo iba yung feeling kasi ang bango ng car nya ngayon. Hindi naman sa mabaho yung car ni Rey pero dati kasi walang amoy, neutral lang pero ngayon ang sweet ng amoy.
Parang candy na... Bubblegum na... Cotton candy.
Ang tamis talaga.
"Gusto mo ba yung amoy? If naiirita ka sa amoy sabihin mo lang, tatanggalin ko nalang." Ngiti sakin ni Rey.
"Hinde, ang bango nga eh." Smile ko sakanya, "San pala tayo mag..." Shit! Bakit di ko masabi?! Date lang Christine, date lang!
Nakita ko na ngumiti si Rey nung napansin nya di ko masabi-sabi yung word na date. Nag seatbelt na sya and looked at me "Well... Naisip ko kasi na mag Sky Ranch sana tayo."
"Diba sa tagaytay pa yun?" Nag nod sya, "Eh traffic na ng ganitong oras tas pag pabalik uumagahin na tayo." And mag dr-drive pa sya.
"Makakarating tayo dun exactly 7 p.m mas maganda kasi sa Sky Ranch pag gabi, napa-alam naman na kita sa kuya mo. Don't worry iuuwi naman kita." Biro nya.
I rolled my eyes at him "Alam ko naman yun noh, ang ina-alala ko is kung nasa condition ka pa bang mag drive mamaya pag pauwi na tayo." Mamaya antukin sya sa daan or something ma-aksidente pa kami.
"Don't worry I'm a pro at driving," wink nya sakin and nag roll lang ulit ako n eyes sakanya "We'll deal with that later but for now I'm looking forward to my date with you." And now he's back to the sweet talker Rey.
I bit my lower lip and just nod, he smiled at me and drove off to tagaytay.
**********
Nakarating kami saktong 7 and buti nalang pinagdala ako ni Sheryl ng cardigan kasi ang lamig. Yung dress na suot ko pa naman ang presko sa katawan so sooobrang linalamig ako.
Nag bayad na kami sa entrance and tama nga si Rey, mas maganda talaga sa Sky Ranch pag gabi kasi syempre dun mo mas a-appreciate yung lights and everything.
"So anong gusto mong i-try? Wait, have you been here before?" Tanong nya.
Nag nod ako "Oo kaso saglit lang yun kasi wala naman sa plano nung time na yun." Papauwi na kasi kami nung, nag vacation kami sa tagaytay tapos na tripan naming mag Sky Ranch kaso hapon nung time na yun eh so mainit di namin na enjoy.
"Anong rides na yung nasakyan mo?" Tanong nya ulit.
"Yung Super Vikings and yung Sky Eye." Turo ko sa anchors away nila and ferris wheel. Nag nod sya habang sinundan nya ng tingin yung tinuro ko and then he looked at me and grinned "So... You haven't tried their zip-line?"
I frowned at him "No and I never will."
Like duh! Kahit na wala pang nababalita na nalaglag dyan or anything ayoko nga lalo na gabi pa! Ano ba! No way.
"Try mo na Chris masaya sya promise," pilit nya.
"No Rey, akala ko ba date to bakit pinipilit mo kong gawin yung ayaw ko?" Di ba sa date usually and girls ang masusunod or something?
"This is a date, pero ayokong gawin yung mga ginagawa ko sa mga date ko before. Gusto ko iba kasi you're different Christine." Smile nya sakin.
Sana alam ko kung kelan nya ilalabas si sweetie-- yung sweet talker side nya --para na re-ready ko sarili ko hindi yung ganya lagi nya kong na ca-caught off gaurd napapa blush tuloy ako.
"Still not going to ride zip-line tho." Sabi ko nalang para maiba na yung subject.
"Okay ganito na lang, you will ride the zip-line and I will ride Sky Eye with you." Offer nya, tinaasan ko sya ng kilay and gave him the look: niloloko mo ba ako?
BINABASA MO ANG
Turning Her Into A Woman
PertualanganBeing the only SINGLE one in the group sucks, pero... Its way more fun! Walang hassle, I can do whatever I want. But having a nosy best friend is tough. I've been enjoying myself too far so nung napansin nayun ng mahal kong kapatid and best friend...