"Ouch! Ouch! Ouch!" Nagtatalon ako sa sakit. Sheeeet! Iyong makinis at magandang skin ko.Nagpiprito kasi ako ng fishda. Kung sa bahay lang siguro ay steak ang ulam ko, hindi tong malansang fishda.
Firstime ko lang magluto at mamalengke kanina. Like ewww! Ang baho sa public market, doon lang kasi mura yung isda at rice. Hindi naman ako pwedeng kumain sa restaurant dahil 3 thousand lang ang pera ko. Ang pa namang taong pawis na pawis at mukhang mabaho kanina. Gaaad! Madaming germs! Eww lang talaga, kapag nagkasakit ako hu-huntingin ko talaga kong sino ang nagdala ng virus at germs tsaka paliliguan ko ng disinfectant.
"Ouch! Ano baa isda! Nananakit ka e." Pagbaliktad ko kasi tsaka naman nagtalsikan ang mantika. Chineck ko agad kung luto na at pinatay yung stove. Mabuti nalang at fast learner ako. Oh ha! Thank you, youtube at google. Siguro nextime gagawa akong vlog sa pagprito ng isda at pagsaing sa rice cooker.
"Mukhang okay nato. The best ka talaga Ana." I took a pic sa pritong isda at kanin na hinain ko sa harapan. Nilagyan lagyan ko pa ng design para kunwari pangmayamang dinner. Nilagay ko sa IG stories ko. Hah! Magiging proud yung followers ko. Siguro isesend ko to kay Tito Gordon Ramsey. Di ka na inform? Tito ko siya sa next life ko. Heh!
Nagsisisi talaga ako kung bakit naghihirap ako ngayon at ito lang ang nakakakain ko. Mabuti nalang at malaki ang condo ko. Malaki rin ang kitchen, malamang mayaman ako eh.
Lalalalalala~
Ringtone ng cellphone ko. Napaka cool no? Parang ayaw ko na sagutin yung tawag sa ganda ng ringtone ko. Ako kumanta niyan, hirap na hirap pa nga ako sa pagsulat ng lyrics. Available siya sa spotify kung hindi ka naman premium edi poor ka!
Nakalimutan kong tumawag pala ang bestfriend ko na si Ariel, mabuti pa nga at itinuring ko siyang bestfriend. Magkatulad din kasi kami nito, takot pumanget. Kung ako minalas dahil kapangalan ko ang stepsister ni Cinderella, siya naman ay swerte dahil kapangalan niya si Little Mermaid. Kaso ang malas nga lang dahil utak isda naman.
"What?!" bungad ko agad sa kanya.
"Sis agad? Bitch mode kana?" tanong niya
"Badtrip lang ako. Oh! Ano na naman ang kailangan mo?" Di naman kasi yan tatawag kong walang kailangan. Ganyan naman ibang mga tao ngayon kakamustahin ka kasi may kailangan sila. Mga hayop!
"R.I.P sis! Hahahaha!" Alam kong ini-insulto niya ako. Parehas nga kami niyan maganda at mayaman. Parehas din kaming maarte kung ako maldita, siya naman ay di katalinuhan.
"89X67" sagot ko
Tingnan natin kong di siya mainsulto. Baka hindi niya kilala ang binangga niya.
"Eh?" sabi ko sa inyo diba? Hahaha! Maganda nga yan, kinulang lang sa utak.
"5963 gamitin din kasi ang brain minsan ha?" sabi ko pero kung ina-akala niyo na maiinsulto ang ate niyo nagkakamali kayo. Trip din kasi namin na insultuhin ang isa't-isa ganito kami magbond. Inggit ka no? Wala ka kasing bestfriend kasi lahat pinaplastik ka. Pwe!
" Pumasok ka din sa simbahan minsan ha? Ang panget na kasi ng ugali mo teh! Kinulang ka sa GMRC. Teka! Anong pumasok diyan at naglayas ka ha?" Nabalitaan niya na siguro, FYI tinawagan na yan ni Tatay para sabihan na wag akong tulungan.
"Wala lang naman, trip ko lang maging independent. Bakit ba? Pake mo!"
"Oh gosh! Independent? Eh 17 ka pa lang, tapos yan na ang plano mo?" Napairap ako sa pinagsasabi niya.
"Oo, wala kang pake. Teka bat ka ba tumawag? Pauutangin mo ako?" masaya kong tanong sa kanya. Si Ariel yung kaibigan kong pag pinautang ako kahit piso sisingilin ka pa. Hayop!
"Ofcourse not! Kinausap ako ni Tito, ang sabi niya wag kitang tulungan. Kasalanan mo naman daw kung bakit ka pinagalitan. Bumalik ka nalang daw sa bahay niyo pag wala ka ng pera."
Nagstart na akong kumain. Kung sa bahay to ay pinagsisilbihan ako na parang reynawith matching tagapaypay pa habang kumakain. Nakakapagsisi tuloy. Si Demi pa naman tagapaypay ko. Siya kasi yung inggitera at sinasagot sagot ako.
"No way! Ayokong ibaba ang pride ko. Pagtatawanan niya lang ako, kasama yung stepmother ko at mga hampaslupa kong kapatid. Kaya wag nalang"
"Teka paano na yan? San ka kukuha ng trabaho? Don't worry kung kailangan mo ng pangload pauutangin kita." Kuripot talaga!
"Magkano? 15 pesos? Sus! Wag na, nahiya naman ako sayo. Okay naman sana kung 500 pesos ang ibibigay mong pangload."
"Aba't sobra ka naman! Pero sige na nga, dahil mas rich ako na sayo ngayon. Sige na! Gora na ako. Babuush Mwah!"
"K" sagot ko at ibinaba ko na yung Iphone ko.
Walang kwentang kaibigan talaga yon. Pero pag- iisipan ko muna yung trabaho, kailangan ko ng pera. Stalker lang naman, hindi naman siguro ako mapapahamak dito.
Tinapos kong kumain ko at hinugasan ang mga plato ko. Like eww! Maghuhugas? Huhuhu Pero kailangan wala na yung mga maids ko.
Naligo ako at nag ayos. Nagbihis ako ng mamahalin kong damit. Victoria secret blouse at H&M denim skirt. Humarap ako sa salamin at umikot-ikot pa.
"Ang ganda ko talaga. Grabe!"
Dinampot ko yung mamahalin kong Iphone at idinial yung number sa newspaper. I'm interested sa Job na nakita ko doon. Ang tagal sumagot ng tinatawagan ko. Umupo muna ako sa mamahalin kong sofa. Ofcourse, di pa ba halata? Lahat ng gamit ko dito sa condo ay mamahalin. Mayaman ako eh.
Maya maya ay sinagot na nung tinatawagan ko yung phone.
"Hoy! Sino ka?! Kabit ka ng asawa ko no?! Walang hiya kang babae ka-. " In-end ko yung call. Sino kayang panget na babae ang sumagot nun? Like duh?! Ako kabit?! Over my dead gorgeous body?! Yuck! Teka?! Mali ata yung number na na-dial ko eh.
Tinignan ko sa nakakadiring newspaper yung number. Ay nako! mali nga. Sorry maganda lang nagkakamali din. Kaya nag dial agad ako! Hay! Leche! Ubos yung load ko nito. Ito na naman ako sa tinatawagan ko. Nakakainis ! Ako si Anastasia hindi dapat pinaghihintay. Matapos ang 152689 years may sumagot rin.
"Hello?" sagot nung pag aaplyan ko.
"Hey?! Why so tagal nang pagsagot niyo sa call ko?!" Tanong ko. Nakakainis! Sinisira niya ang kagandahan ko.
"I'm so sorry miss, medyo busy kasi eh."
"So?" pagmamalditang sagot ko. Pake ko naman kung busy siya. May benefits ba akong makukuha don?
"Sorry ulit anyways, mag-aaply ka ba sa work?" tanong niya. Lalake siya at ngayon ko lang napansin. Boses pabo kasi.
"Sa tingin mo ba tatawag ako sayo kung hindi?! Luhh?! Ofcourse!" Bopols ba tong sumagot ng call ko? Pinapainit yung ulo ko.
"Haha! Okay Okay! Sorry. Meet me sa Osmund Restaurant. I will tell you the details" Aba tumawa pa. Anong karapatan niyang tumawa at ano ang nakakatawa?
" K fine, but be sure not to be late. I don't have patience. Reyna ako! Ayokong pinaghihintay ako. Don't you dare na lokohin ako or scam lang to. I will tell my daddy na ipakulong ka if ever." Banta ko sa kanya. Malay ko ba kung niloloko ako nito. Sana naman hindi to networking hindi ako openminded sa business at yan kasi yung uso ngayon. PM me how. PAWER!
"Okay miss, I'm here at Osmund Restaurant. Just find my name Abelardo Osmund."
"K bye" I ended the call. Tumayo ako at sinuot ang stilleto shoes na kabibili ko last week. Binitbit ko din ang gucci bag ko at lumabas sa condo.
This is it! I'll prove to you daddy that I can find a job on my own.
BINABASA MO ANG
My Stalker is Cinderella
HumorCinderella Story with a twist. Si Cinderella na may 4 sisters. Si Cinderellang may curfew dahil strict ang parents. Si Cinderellang stalker ni Prince Charming. Ang storyang ito ay para lamang sa mga mababaw na tao kagaya ko. -Author 😅