Chapter: 8 Movie Marathon

52 1 0
                                    

Ngumunguya ako dito sa condo ng popcorn nang may tumawag sa mamahalin kong phone.

"Oh" Mataray kong sagot habang hindi nag abalang tignan kung sino yung tumatawag.

"Anastasia" sabi nung caller

"Tatang Osmund paos ata boses mo?" mataray kong komento.

Tumawa naman yung matandang to. Ano akala niya sakin joker?

"Pwedeng Tito nalang? Nakakatanda ang Tatang but you really did a great job iha. Pano mo pala nakilala yung boses ko kahit paos?" masaya niyang tanong

"Kasi panget yung boses mo. Bakit ano naman ginawa ko? Nababagot na ako sa trabaho ko wala namang sekreto ata yung anak mo."

Totoo naman ginawa pa nga akong girlfriend nung anak niya. Baka sikreto niya na may kabit siya? Patay sakin yung kabit kung ganun.

"You did a great job kasi naging girlfriend ka ng anak ko."  sabi niya

Wait, how did he know?

"Did you hire someone para sundan ako?"

Niloudspeaker ko nalang yung call. Tinatamad akong hawakan ang maganda kong phone, so parang sinisigawan ko lang si Tatang Osmund.

"Hindi naman iha. Ako yung nag imbestiga alam mo naman nagtitipid din ako kaya ako nalang ang sumunod sunod sa inyo." Mukhang proud pa siya sa sinasabi niya.

"Hindi naman kayo masyadong cheap niyan." Sarcastic kong sabi.

"Medyo lang Hahaha! Pero may nakita pala ako dito. Pinicturan ko pa nga sa DSLR camera ko eh. Di ko alam sweet pala yung anak ko." Parang kinikilig niyang sabi. Ang tanda na nga kinikilig pa.

"Ano ba  yung nakita mo? Na maganda ako no? OMG naman tang parang tatay ko lang kayo wala namang ganyanan, baka na inggit na pala kayo sa beauty ko."

Tumawa na naman siya. Pepektusan ko sa ears tong matandang to. Ginawa niya na kasi akong joker.

"Ginawa mo naman akong bakla iha, nakita ko lang naman yung kissing scene niyo ng anak ko noong isang araw. Andito pa nga sa akin yung pictures eh. Pwede mo namang bilhin eh, tag 1500 lang isa. Byeee"

Ayon na binaba niya agad. Lokong matandang yon ah. Teka baka panget ako dun? Oh gosh! Noooo way! Kailangan ma edit yun at mapaganda ako. Teka kissing scene nga di ba? Paano pa pala ako gaganda e pinanganak na akong dyosa.

Maka movie marathon na nga lang. Ang boring ngayong sabado, mag-isa kong panunuorin ang walk to remember baka sakaling umiyak ulit ako. Oh yes! I got teary eyed sa movie, naiyak ako dahil cliffhanger siya masyado, nakakainis sana sinabi nalang na patay na si Jaime di ba? Pero okay din naman sa tingin ko way din yun ng author na mag conclude tayo ng ending. Oh haa! I'm using my brain. Talino ko talaga di ba?

Nag start na yung movie nang may kumatok sa pintuan ko. Bastos naman alas otso na ng gabi, katok pa nang katok. Sino kaya tong lapastangan na to?

Nagmartsa ako papuntang pinto at binuksan agad para masapak ko na kung sino ang walanghiyang panira sa movie marathon ko.

"Oh?" tamad na bati ko

"Hi babe!" Nakangiti niyang sabi at dumiretso papasok sa loob ng condo ko.

Bastos di ba? Hindi na nahiya at dumiretso pa upo sa couch ko. Nilagay niya naman ang box ng pizza at plastic na hawak niya sa small table sa harap ng couch ko. Grabe talaga! Ang kapal!

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko

"Baka makikiupo lang sa couch mo?" balik niyang tanong.

"Ah? Wala kayong ganyan sa bahay niyo? Naghihirap? Lumayas layas ka nga!" Pagtataboy ko sa kanya. How can I start the movie kung nandito pa siya. Nakakaiyak yun kaya gusto ko mapag-isa pero. Pero may hampaslupa akong kasama paano pa ako iiyak? Okay pinaghandaan ko po ang nakakaiyak na scenes. May tissue na nga ko kung sakali.

My Stalker is CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon