Chapter 1- Dyosang si Anastasia

166 1 3
                                    


"Lumayas ka! Umalis ka dito sa bahay namin." sabi ng una kong Stepsister.

Tinapon lahat ng mga gamit ko pati ang mga panty ko di man lang sila naawa, nakakahiya kaya sa dumadaan. Hustisya naman diyan.

"Heh! Aalis talaga ako sa pamamahay niyo akala niyo ha? Matapos niyo akong gawing alila? Taga labada niyo, taga luto niyo, taga lahat-lahat na. Eto pa ang igaganti niyo sakin? Mga walang utang na loob." Nakaupo ako sa labas ng bahay, umiiyak habang pinupulot ko ang mga damit ko. Pinagtitinginan ako ng mga tao na dumadaan sa bahay namin pero wala akong pakialam.

"Nakikiusap ako sa inyo, nagmamakaawa kunin niyo na lahat sa akin wag lang siya." Teka parang kanta ata tong sinabi ko.

"Hoy! Kanta yan ni Angeline ah, teka sinong Angeline nga yon?" tanong ng first stepsister ko na si Miley liberated na ngayon iniwan kasi ng boyfriend este fiance nakakaawa depressed na ata.

"Ah yung sa ina kapatid anak? Di ba si Angeline yon?" sagot ni fourth sister kong si Taylor

Binatukan naman siya ni Second Sis ko na si Selena.

"Gaga! Si Celine yon! Si Angeline ng temptation of wife ang kumanta nun."

Pinagsasapak sila ni third na si Demi.

"Mga tanga si Angeline Quinto kumanta nun masyadong kasi kayong adik sa mga teleserye." Inis na sabi ni Demi

"Sorry naman? Pwedi mag sorry?" sabay na sabi nilang tatlo.

Tumayo ako at lumapit sa kanila habang yung iba kong gamit ay hindi ko pa napupulot.

Teka parang may kulang?

"Oh bakit?" tanong ni Demi at nakataas pa ang kilay.

"Yung mga Louboutin shoes at LV bags ko asan na? Ilabas niyo kung ayaw niyong sunugin ko yung bahay niyo." Galit na sabi ko.
Regalo pa naman sa akin yun ni Dad. Kahit na alila nila ako ay mayaman pa rin ako no. Ina-arbor pa nga nila ang mga branded bags and shoes ko eh.

Nagbubulong bulungan silang apat at yes apat ang stepsisters ko. Di ko naman sila totoong kapatid. Paano ba naman ang landi ng tatay ko at naghanap pa ng asawa na may apat na anak. Ang sosyal pa ng mga pangalan tinalo pa ako. Miley, Selena, Demi at Taylor samantalang ako nakakapanget ng pangalan ko.

"Susunugin niya raw." Parang kinakabahan na sabi ni Taylor.

"Maniwala ka diyan. Parang kaya niya naman." Napaikot ang mata ni Selena. Kala niya di ko totohanin.

"Oo nga" Sumang ayon naman si Miley.

Nagbubulungan silang apat pero rinig ko naman.

"Oh ano asan na yung mga bag ko? Magbibilang ako ha. Teka bago ako magbilang kukunin ko muna to." Nilapag ko ang mga damit ko at pumunta sa may gilid na halamanan malapit sa gate. Kinuha ko yung isang black na galloon at pospro.

Nagulat naman sila, pero yung totoo tubig lang naman laman nito.

Dali dali lang naman sila sa pagkuha ng mga bags at shoes ko mukhang kumpleto naman. Natakot ata ang mga loka.

"Oh well thanks! Teka may isa pa akong reklamo, pakitawag nga yung driver magpapahatid ako sa Condo unit ko" Yes! Baka magtanong kayo kahit alila ako mayaman nga ako at ofcourse may sarili akong unit.

"Yes yes, sandali lang" nataranta na naman sila at tinawag nila ang si Manong driver.

Ipinasok ko sa kotse ang lahat ng mga gamit ko, dahil lahat to mamahalin. Baka masira pa, aba mahirap na.

"Miss Anastasia saan po tayo?" tanong ng driver namin
Yes! Tama ang nababasa niyo, Anastasia ang pangalan ko. Bobo ata ang tatay ko at ipinangalan ako sa panget na kapatid ni Cinderella. Tapos ang title ng story na to ay "My stalker is Cinderella" dapat Cinderella nalang ang pangalan ko dahil yun naman ang role ko dito api-apihan.

My Stalker is CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon