Chapter 7 Babe?

58 3 3
                                    


Hinanap ko ang bwiset na lalakeng kilala ko. Saan ko pa ba mahahanap e sa swimming pool lang naman ang tambayan nun. Sana nga matuluyan siyang maging shokoy.

Pumasok ako sa gate ng swimming pool. Umupo ako sa isang bench na malapit. Nakakapagod kaya maglakad masakit na yung paa ko. Buti nalang walang paltos at kung meron man baka mahampas ko sa mukha niya yung sapatos ko. Tama nga ako na dito ko siya makikita. He's busy doing butterfly stunt pero napansin niya atang may nakatingin kaya tumigil siya. Agad naman siyang umakyat sa hagdan ng pool. Inalis niya yung goggles at swimming cap niya. Kinuha ang nakasabit na tuwalya at lumapit sakin. Naka swimming trunks pa siya at tumatagaktak yung tubig sa katawan niya. Tumabi siya sakin.

Nagpahid siya ng katawan. Yuck! Medyo naasiwa ako kaya hindi ako tumingin. Nilingon ko siya at nakapatong sa ulo niya yung tuwalya. Pero nakatitig siya sa akin, na conscious tuloy ako bigla. Pero who cares? Confident naman ako sa beauty ko.

He looked at me with amusement in his eyes. Baka na absorb na ng utak niya na maganda ako. Kaya napataas ako ng kilay.

"Mukhang sinadya mo pa ata akong puntahan. Di ako magugulat kung na-fall kana sa akin." Sabay kindat niya at napa ubo naman ako.

"Yuck! As if! I just want to clear the things between us okay?"

"May "US" na pala? I didn't know that."

"Oh gad! Stop! I know may crush ka sakin but stop telling them that I'm your girlfriend. Hindi ako pumapatol sa lamang dagat!" Nangagalaiti kong sabi.

"Oh talaga? Ikaw naman lamang lupa." Nanlaki ang mata mo sa sagot niya.

No one can insult me the way he did. Kaya hinila ko yung buhok niya at sinabunutan ko.

"Oy! Stop! Stop! Stop!" Mabilis naman siyang nakaalis. Mabuti nalang at mahina lang pagsabunot ko.

"Hoy! You don't talk to me like that. Hindi pang lamang lupa ang beauty ko."

"Grabe! Kala ko naubos yung buhok ko sayo." Hinahawakan niya pa yung buhok niya.

Tumayo siya sa harap ko habang ako nakaupo. Napansin ko yung katawan niya. Bakit ba hindi pa nagbibihis to. Anong kala niya magnanasa ako sa kanya? Pero napatingin ako agad. He is lean with six packs abs. Eww! I'm not a perv! Gosh! Ana! Stop staring.

"Pwede mo namang hawakan." Sabi niya sabay kindat.

"Yuck! Shut up! Magbihis ka." Kinuha ko yung towel sa tabi ko at tinapon sa mukha niya.

Tumawa naman siya nang nakakaloko. Bwiset! 

Pumasok siya sa shower room at nagbihis. Kinuha ko nalang yung cellphone ko para mag post ng selfie ko sa IG. Alam mo na. Baka makalimutan na ako ng mga fans ko. Ilang araw na kasi akong di nakapag upload. Di ko napansing nakabalik na pala siya. Tumabi na naman siya sa akin.

"What do you need?" tanong niya.

Tinitigan ko ang mukha niya. Actually, gwapo si Syokoy. Moreno siya at makinis ang face niya. Ngayon ko lang napansin na may dimples siya kaso napansin kong mas malalim yung dimples niya sa left side. Ang perfect din ng kilay niya for a guy. I can't blame girls here in school kung bakit sila nababaliw sa kanya. Pero hindi ko talaga siya type. Yuck!

"Hmmm! Do you have a crush on me babe? Kanina pa nakatitig e." He asked me at tinaasan ko siya ng kilay. Babe? Ang landi haa!

"I do babe" Sarcastic kong sagot at sinakyan ko lang trip niya.

My Stalker is CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon