Chapter 3 Panget

75 1 0
                                    

Andito na ako ngayon sa Osmund Restaurant at hinahanap ko yung tinawagan ko. May napansin akong kumakaway sa akin, isang panget na nilalang.

Lumapit ako sa kanya.

"Hey! Is that you?" I asked
Umupo ako sa tabing upuan kung saan siya naka pwesto. Tumingin siya saakin at nakatulala. Nasilaw ata sa kagandahan ko. I can't blame him naman ngayon lang ata siya nakakita ng dyosa. Gosh! Grabe talaga! Tinitigan ko siya kung siya nga yung kausap ko.

Eww! Medyo 35+ na ang age and he has a lot of pimples. Ito ba yung tinawagan ko? Nakakapagsisi! OMG!

"Hey! tinatanong kita" Tulala talaga siya sa ganda ko. Nakatitig siya sa mukha at naka nganga with matching tulo laway pa. Yuck! Nagbalik naman siya sa ulirat nang hampasin ko yung mesa.

"I'm so sorry miss ahm-" biglang may pumutol sa pagsasalita niya

"How dare you, Rolando?!" Tumingin ako sa likuran ko woth matching taas ng kilay. Nakakita kasi ako ng mababang level ng kagandahan. Masakit sa mata. Gaad my precious eyes.

"Siya na ba ang ipinalit mo sa akin? Siya na ba? Sumagot ka! " Sabi ulit ng babae habang tinuturo ako.

Am I wrong? Rolando daw ang name? Abelardo ang hinahanap ko. Oh my poor ears. My bad!

Tumayo ako at tumalikod na sa kanila ayokong sumali sa mga endangered species. Pero biglang hinila ni babae yung damit ko.

"What the! Hey! What's wrong with you?" I asked. Anong karapatan niyang hilahin ang mamahalin kung damit? Napansin kong pinagtitinginan kami ng ibang customer.

"Wag mo akong ine-english ha?! Ikaw ba ang ipinalit ni Rolando sa akin?" Tanong niya.

Narinig kong nag tsismisan ang ibang kumakain.

Ngumiti ako nang nakakaloko. Joke ba to? Tatawa na ba ako?

"OMG! Me?" tinuro ko ang self ko na parang mahihimatay na.

"Yuck! Asabels ka ha! Sa ganda kong to ha. Sa tingin mo papatol ako sa boyfriend mo? Never! Kaya don't you hawak my dress ha! Yong germs ng kamay mo teh ipinapasa mo sakin, baka masira mo ang kagandahan ko. Gad trauma to for me. Pinagbintangan pa akong pumapatol sa panget. I can't believe this."

Tumalikod na ako sa kanila. Mga hampaslupa, obvious naman na tumambay lang sila sa restaurant. Tubig lang yung order nung lalake.

Pero bago ako umalis sa pwesto ko ay lumingon pa ako sa kanila. "Bagay kayong dalawa hindi parehong good looking at masakit sa mata." Nag away silang pareho tapos ako naman ay nagtuloy tuloy palabas sa restaurant.

What a scene! Dahil sa pagkakamali ko sa isang tao, yon ang nangyari. Grabe talaga ang naidudulot ng kagandahan ko. Inayos ko muna yung buhok ko at yung nalukot kong blouse. Puro germs ata to.

Argh! Saan ba na yong Abelardo Osmund na yun?! Ang init kaya dito sa labas baka magka sunburn ako. Okay lang sana kung sa beach ako with tan lines pa. Kaso sa mapolusyong lugar at maalikabok na kalsada ako nakatayo ngayon. Nakakainis!

"Miss!" may tumawag sa akin na lalake. Men in black ang pormahan. Aba! sosyal black suit.

"What?" Naiirita kong tanong at nilingon siya.

"Are you Ana-" Pinutol ko na agad ang sasabihin niya. Alam ko naman na ako ang tinutukoy niya.

"Yes! I'm Anastasia Griego. Ikaw ba yung si Abelardo?" Asar kong tanong. Ang init init na kasi at baka umitim ako. Goodness gracious!

"Hindi po kas-" Pinutol ko ulit yung pagsasalita niya.

"What?! Hindi ikaw si Abelardo?Oh May Gad" maarte kong sabi with matching panlalaki pa ng eyes. Nakatakip pa sa mouth ko yung kamay ko. Nakalimutan ko may germs pala to. Ew! Tumalikod na ako, ayokong kumausap sa strangers. Di naman siya pogi.

My Stalker is CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon