Chapter 9- Break Up

53 1 0
                                    

Nagising ako sa pa ulit-ulit na doorbell at pagkatok sa pinto ko. May balak atang sirain ang pesteng nilalang na nambubulabog sa tulong ko.

"Ano ba! Bwiset!" sabay talukbong ko ulit ng kumot. Inaantok pa talaga ako.

Ay peste! Ayaw na ayaw ko talaga sa lahat ang sinisira ang tulog ko.

Asar! Mapapatay ko talaga to.

Bumangon na ako na parang zombie at lumabas sa kwarto ko. Binuksan ko yung pintuan nang nakasarado pa ang mga mata ko. Feeling ko natutulog ako na nakatayo.

"Hi babe! Happy weeksary!" bati ng kong sino sa umaga.

"Walang baboy dito, pwede ka ng umalis." sabay sarado ko sana ng po

Gusto ko pang matulog huhuhu ang beauty rest ko nasira

"ikaw. Ambaboy mo sa bigat grabe" asar na sabi niya at pumunta sa kusina ko.

Bahala siya jan matutulog ulit ako kaya parang zombie ulet akong naglakad papuntang kwarto at nahiga sa kama ko

Yes makakatulog na ulet ang beauty ko

"babe" tumawag na naman linteks asar di ko nalng pinansin

"BAAAAAAABBBEEE" sigaw niya argh! kainis tlaga nagtalukbong pa ako ng kumot

Naramdama kong pumasok siya sa kwarto ko sa lakad ng paa eh

"BAAAAABEE! Hindi ka ba naghuhugas ng pinggan? Nagluluto man lang o namumulot ng basura" asar na asar niyang sabi at wala akong pakialam

"Di halata?" tamad na tamad kong sabi

"Ay ano ba gagawin ko sayo, late ka na wala kabang pasok?" Tatay ko ba to?

"Meron. At wala kang pake kong papasok ako o hindi" yan na hindi na ako makaktulog neto

"Boyfriend mo ako" pa cool niyang sabi

"Ah edi break na tayo" at nagtalukbong uli ng kumot nakakainis na kasi eh

"edi sige" di na ako nagulat na umalis siya narinig ko nalang yung pagsarado ng pinto

"Bahala siya sa buhay niya" natulog ako ulet

Nagising nalang ako sa sinag ng araw. Anong oras na ba? Pagtingin ko sa oras ah 11 na pala? 9 klase ko eh. 3 hrs akong late so sa hapon nalang ako papasok.

Paglabas ko sa kwarto ko pupunta sana ako sa kusina nang nagulat ako. Eh?

Hugas na ang mga pinggan ko nakaayos pa nga. Pate mga kaserola na ginamit ko hugas na rin. Sobrang ayos ng kusina ko nahiya naman akong magkalat yung mga basura kong saan tapon na rin. Pagtingin ko rin sa mesa may pagkain dun. Bacon eggs, hotdog and fried rice. Siya ba may gawa neto? Ay? Nakakapangkonsensya naman wala sa vocabulary ko yung sorry pero mag so sorry din ako sa kanya mamaya. Kumain na ako at nagbihis nang unform ko. Arte may mga uniform pa kasi buti nalang di naman ako pinababayaan ng tatay ko wala lang akong allowance pero siya naman nagbabayad ng kuryente, tubig, pa laundry ko at grocery. Nagsuot nalang ako ng flat shoes from celine kasi feeling ko nagkaka muscles ang paa ko pag highheels

Palabas na ako ng pumunta ako sa sala ko okay siya na ang may talent mag ayos ng gamit wla na rin yung mga basura na pinagkainan namin kagabi.

Paglabas ko napatingin ako sa pintuan niya. Talaga bang sinabi ko yun? Break na kame? Tapos pumayag siya? Ah ewan.

Nagtaxi na ako. Pinadalhan naman ako ni Mr. Osmund nang 5K for a week eh parang wala naman akong trabaho paano pa ako magiging stalker eh jowa ko na nga ang anak?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Stalker is CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon