Chapter 6- The FairyGod Mother

86 2 1
                                    

Gosh! I hate him. I really hate him. Sarap ibaon sa lupa yung pagmumukha niya.

Pumunta agad ako sa CR at naghilamos. Pinahid ko pa sa lips ko yung panyo. Ampucha! Kadiri! Yuck talagaa!

Tapos may pumasok na tatlong girls sa Comfort Room.

"Oh my!! May ipinakilala na daw si Baby Reizen na girlfriend?" Sabi ni Ate girl number one. Habang sinuklay yung hair niya.

"Ayon nga daw ang balita, tapos di naman daw kagandahan yung girl. Duh! Hindi naman pumapatol si Reizen sa panget" sagot naman ni Ate Girl number two.

"Panget yung girl kawawa naman ang baby Reizen ko." Naintriga ako sa sagot ni Ate girl number three.

Tumaas yung kilay ko. As far as I know, ako yung ipinakilala ni Reizen na girlfriend. So panget ako? OMG!

Tumayo ako sa harapan nila. Isa-isa kong kinuha at binuksan yung make-up up kits nila. Tapos binuksan yung gripo at isa isa kung binasa at pinagbubuksan yung mascara. Tinapon ko yung foundation nila sa sahig. I'm a bitch and gusto ko silang turuan ng leksyon.

Nagulat silang tatlo. Yung isa pinipigilan pa ako at naiiyak na.

"Omaygosh! That is so expensive. Stooop! You bitch. What's your problem?" Galit na galit na tanong ni Ate Girl number one.

"Oh nothing! Ang problema ko lang naman ay maganda ako. Ikaw? I bet hindi mo yan problema. Hindi ka naman maganda." I crossed my arms at napairap sa kanila.

Tinalikuran ko na sila. Pero hinawakan nung isa yung braso ko, kaya humarap ako sa kanya at sinampal ko siya. Anong karapatan nilang sabihin na panget ako at kawawa si Reizen?Goodness! Siya pa ang kawawa?

"I hate your face." Sabi ko at tinalikuran ko sila at lumabas ng CR. Don't mess up with me. Pumapatol ako sa panget.

"Bestfriend!" may sumigaw sa likod ko. Di naman ata ako ang tinatawag nun dahil wala akong bestfriend.

"Huy! Bestfriend!" patuloy lang siya sa pagsigaw at ako tuloy tuloy lang sa paglakad.

"Tasya!" Lumingon ako na nakataas ang kilay.

"Hehehe! sabi na eh lilingon ka eh" tapos may umakbay siya sa akin. Sino pa ba ang feeling close dito sa kwentong to? Edi si KSP.

"Anong problema mo? Bat ang kulit kulit mo?" Naiirita kong tanong.

"Wala naman akong problema pogi ako eh." with matching smile pa

"Gaya gaya." I roll my eyes.

Pero ginulo niya yung buhok ko.

"Eto naman si Ateng Ganda oh, narinig ko kayo sa CR nung dumaan ako kanina. Nakuuu! maldita mo talaga" Sabay akbay saakin pero kinurot ko yung kamay niya.

"Isa bibitawan mo ako o paduduguin ko yang braso mo?" binitawan niya ako agad.

"Wag kang susunod." inirapan ko siya at tumalikod ako.

Wait for my revenge Reizen. Lintek lang ang walang ganti.
Dumaan ako sa may malapit sa bulletin board. Napansin ko kasing may naka post na colorful bond paper. Binasa ko siya. Meron daw fairytale ball para sa Acquaintance party. Like duh? Ano to pambatang ball? Attendance is a must pa daw. Pero sige dahil mahilig naman ako sa party a-attend nalang ako.

Kaso wala akong pera! Paano naman ako a-attend? Hayy ang ganda ganda ko pa naman poor nga lang.

Naglakad ako papunta sa isang bench, tapos nakita ko dun yung nerd na babae dun sa may kalsada. Siya yung inaapi at nakaupo siya sa isang bench tapos parang may ginuguhit. Umupo ako sa tabi niya. Bigla naman siyang lumingon na nanlalaki pa yung mga mata.

"Oh tingin tingin mo? Ngayon kalang nakakita ng dyosa?" With matching taas ko pa ng kilay. Mukha siya na starstruck sa ganda ko.

"Uhm a-ano h-hi" utal niyang sabi sabay kaway pa sakin na parang tanga.

Ngumiti ako sa kanya, nakakaloka talaga ang mga tao ngayon. Napansin ko yung ginuguhit niya.

"Uhm ano" hinablot ko sa kamay niya at tinignan yung dinodrawing niya. Nice! May talent pala tong nerd nato.

"Maganda siya" sabay balik ko sa kanya. Iyon lang talaga yung comment ko maganda yung gown.

"Talaga?" parang lumiwanag yung mukha niya at mukhang masayang masaya siya.

"Yup! Fine arts ka right?" I'm bored kaya kinakausap ko siya.

"Oo sa fashion designing." Ipinagpatuloy niya yung pag guhit.

"Para kanino yang damit? I asked her. E curious ako eh. pagmaganda talaga nagiging curious.

"For you" agad niyang sabi at ngumiti pa sakin. Pinagloloko ba ako ng babaeng to?

Nabasa niya siguro yung iniisip ko kaya sumagot agad siya.

"Hindi para sayo talaga to. Thank you gift ko sayo sa pagligtas mo sakin"

Tinaasan ko siya ng kilay? Ako niligtas siya? ASA!

"Sinong nagsabi na niligtas kita?"

"Ako, kahit feeling ko di mo naman gusto yung pagligtas mo sakin ay niligtas mo pa rin ako, kaya kailangan mong suotin tng gawa ko ah. Promise gagandahan ko talaga" super wide pa yung ngiti niya.

Wierdo. Pero dahil I have no money ay sumang ayon nalang ako.

"I will be your fairygodmother." tumayo siya at winagayway yung drawing niya.

Oh geez? Pathetic? Nakakahiya siya.

"Fairygodmother?" nandidiri kong sabi.

"Yup! So trust me. Bagay sayo yung gown at ako na bahala sa lahat."

"Oh okay" wala naman akong choice at wala naman akong pera para sa lahat. Maganda talaga yung drawing niya at kung panget naman yung damit di ko naman susuotin eh.

"Yes! Yes! Friends na tayo ha? Sige number mo pala. Para ma text kita pag pwede mo na isukat yung gown." Isa pang Fc, friends na daw kami. Kinuha niya yung cellphone niya di pa niya naibigay kinuha ko na. Bastusan diba? Tsaka Nagmamadali ako.

"Kbye" Umalis na ako at iniwan siya. Kailangan ko pa hanapin yung Reizen na yon. Yung panget na syokoy na yun.

My Stalker is CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon